Saturday kaya walang pasok at naisipan kung mag mall. Pagkapunta ko dito ay nag shopping ako then kumain but may nararamdaman akong kakaiba like someones following me pero hindi na uso sakin yan. But this ones different and i smell trouble but whatever it is ay nagpatuloy nalang akong kumain at nagbayad
At dahil pinalinis ko pala yung sasakyan ay magtataxi nalang ako. Pero walang taxing dumadaan dito kaya naglakad nalang ako hanggang sa
"Don't move" sabi ng isang baritonong boses. Lalaki to malamang
Hindi ako makakilos dahil may nakatutok na baril sakin
"Hoy wag mo kong utusan, atsaka sino ka ba ha?!"
"I am your worst nightmare" kumunot ang aking noo dahil sa kanyang sinabi. Adik tong kuyang ito eh!
"Sumeryoso ka nga!"
"Don't tell me natatakot ka?" tanong niya at tumawa pa
"Oo nga eh! Natatakot ako. Natatakot ako sa pagmumukha mo!"
"Aba lumalaban ka pa ah!" aniya at babarilin sana ako nang may kumuha sa baril niya at sinuntok siya
Well whoever my saviour is I hate him. Inagaw niya spotlight ko eh
"You okay?" tanong niya na inalalayan pa ako
"Sino ka?"
"I'm Ian" aniya sabay lahad ng kamay. Tinignan ko lang ang kanyang kamay kaya napapahiya naman siyang napakamot sa batok
"K bye" aalis na sana ako pero hinawakan niya ko
"Eww don't touch me baka may germs ka!"
"Wow after kitang iligtas gaganyanin mo ko?"
tinaasan ko lang siya ng kaliwang kilay "At sino bang may sabing iligtas mo ko?!
"Ang sarili ko" ngumiti pa siya at nagpogi pose
"O yun naman pala eh! Wag ka ngang mag pogi pose, ang sagwa tingnan eh. Aalis na ako" tinalikuran ko na siya at nagsimulang maglakad
"Wow thank you ha?"sarcastic niyang sabi
"You're welcome"
Pagkauwi ko sa bahay ay bumungad agad sakin ang pagmumukha ni mommy
"Alam mo ba kung anong oras na?"
"Ma at talagang hinintay niyo pa ako para lang magtanong kung anong oras na eh may relo naman tayo, ang mahal-mahal ng relong yan di mo naman pala gagamitin"
"Hindi ako nagbibiro seriously where have you been?!"
"Sa mall" hindi ko nalang siguro sasabihin kay mommy about nung kanina
"Sa mall lang pala? Eh ba't ba ang tagal mo dun?! Isang gusali ba ang binili mo, ha?! Maganda sana kong nag-grocery ka man lang. Matulog ka na nga!"
"Ok goodnight, mom"
"Goodnight"
Pag-akyat ko ay hindi ko maiwasang isipin yung tungkol kanina. Hindi naman kasi holdap iyon eh. Parang planado...

BINABASA MO ANG
She's One Of A Kind
Teen FictionIsang love hater na kulang nalang isumpa ang mga couples sa buong mundo. Malungkot ang nakaraan niya kaya siya naging ganyan. But, will she find her happiness sa isang lalaki na mahal na mahal talaga siya? Will she find a man that will accept her ka...