Chapter 1

362 12 0
                                    


"Ano na naman bang ginawa mo?" bungad sakin ni mommy. Kailangan ko ba talagang sagutin yan araw-araw? Nakakaumay na

"Jut being myself"

Hindi na nagsalita si mommy at napabuntong hininga nalang na para bang isa akong malaking problema na hindi na niya magawang solusyunan

"Charantia, I'm going to be gone for 3 days dahil pupuntahan ko pa ang lola mo" ani mommy

"Could you just please stop calling me that name?"

"I can call you whatever I want"

"It's so ugly!" sinamaan niya ako ng tingin at tinuon ang atensyon sa tv "I'm done. Aalis ako ngayon. I'm going to--"

"The bar? Again?" nakataas ang kanyang kilay at humalukipkip

"Mom. I just want to have fun. Besides, hindi na ako makakapag-enjoy when I grow up dahil may mga responsibilities na ako niyan" 

"Fine"  

Mabilis akong pumanhik sa taas para magbihis. Pagkatapos nun ay dumiretso na ako sa kotse ko at pinaharurot iyon.

Pagpasok ko ay matinding ingay at usok ang bumungad sakin. I even saw some couples almost making out. Dumiretso ako sa bar counter at umupo sa mga high stools

"Hey beautiful" Nilingon ko ang katabi ko. I think he's the Brazilian model featured in a magazine. He's really hot, but not my type

"I'm not into your games. Fvck off" 

He let out a chuckle. Damn

"I know you. You're a Faust, right? You see, I really like to take you out on a date. Or kung gusto mo we could skip that part and go to a hotel"

I rolled my eyes dahil sa kalandian niya. Fvck boy. 

"I'm on my period" pagsisinungaling ko

"Hahaha you're funny"

"Do I look like a clown to you?" Tinignan ko siya and throwed him daggered looks. Nasindak naman siya dahil dun

"No"

'Then get out of my sight" hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at tinapon ko sakanya ang inorder ko. All eyes are on us dahil sa pagsigaw niya

"You devil!" 

I gave him one of my sweetest smirk at tumayo "I know, sweety. I was born to be one" aalis na sana ako ng may mabunggo ako kaya natapon yung juice na hinahawakan niya sa damit niya

Bakit ba malapitin ako sa gulo? Wait. Ako pala ang nagsisimula sa mga gulo

"What the hell?! Bagong bili to, bitch!" pag-iinarte niya. Hindi naman talaga siya mahahala dahil sa designs ng damit niya. Sadyang maarte lang talaga siya

"Saan mo nabili? Sa tiangge? O sa ukay-ukay? Because from the looks of it, mukha siyang old stock. Or di kaya marami na ang gumagamit" 

"How dare you!" akmang sasampalin niya ako ng higitin siya sa isa sa mga bouncer. Is that her boyfriend? Gross.

Tuluyan na akong umalis doon at napadpad sa park para makalanghap ng preskong hangin. It's already past 8 kaya akala ko kaunti nalang ang mga tambay dito. Marami rin pala. Mostly ay magkasintahan pa. Putek.

Umupo ako sa mga bench doon at nilabas ang phone ko

"Hi are you alone?" napatingin ako sa lalaki na umupo pa talaga sa tabi ko. Mukha siyang rapist

"Bulag ka o duling? Kita mong mag-isa lang akong naka-upo dito. Kaimbyerna"

Napakamot nalang siya sa batok "Sorry na miss. Gusto ko lang naman makasama ka habang naglilibot tayo dito sa park eh. Tinamaan kasi ako sayo"

"Wala ka bang paa?"

"Bulag ka? Kita mong meron diba?" nang makita niyang sinamaan ko siya ng tingin ay nagpeace sign lang siya "Hehe sorry na. O sige, sasagutin ko na ng maayos yung tanong mo. Meron po magandang binibini" 

"Pwes maglakad ka mag-isa!" umalis na ako at naghanap ng bench na walang manggugulo 

Pagka-upo ko ay may batang lumapit sakin kaya "Ate palimos po" aawayin ko na sana siya ngunit napacute niya 

"May magulang ka ba?" 

"Meron po nasa sugalan" Gosh. Ano ba itong nararamdaman ko? Bakit parang gusto ko siyang iuwi at alagaan?

"Gusto mo sumama sakin? Pakakainin kita ng masasarap at aalagaan. Gusto mo ba iyon?" ngumiti siya ng malapad at tumango  

"Sige po" pinasakay ko siya ng tricycle dahil kakalinis ko lang sa kotse ko. Ayokong madumihan ulit. Sinabi ko narin sa driver ang address sa bahay namin.

Pagkadating ko sa bahay ay namamanghang nakatingin yung bata sa bahay habang nakanganga pa 

"Bahay pa ba talaga ito? Para kasing mansyon eh" napangiti ako sa tinuran niya at kasabay nun ay ang pagbukas ng gate namin

"What the heck?" gulat na tanong ni mommy ng nakita yung bata "Nagdadala ka na pala ng basura dito?"

"Anong basura? Ang cute kaya niya. Ligo lang ang kulang nito. Yaya pakiliguan niyo nga siya"

"Ok po ma'am. Halika na ijo" hinila ni yaya yung bata papasok sa bahay kaya naiwan kami ni mommy dito sa labas

"Mukhang pinapakita mo na naman ang soft side mo, Charantia. Alam mo naman na delikado yan"

"It's just this once, mom. Hindi na po mauulit to" 

"Siguraduhin mo lang" naunang pumasok si mommy at matapos ang ilang buntong hininga ay pumasok narin ako 


***

She's One Of A KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon