Kasalukuyang nasa room sa ospital ang pamilya Faust habang si Mrs.Faust naman ay wala paring malay
"What are we going to do now?" tanong ni Mich na nakasandal sa pader
"Sino ba kasing nagsabi sayo na may mamamatay satin?!" her father angrily hissed
"I don't know. Some crazy bitch I met" actually, ang nagsabi sakanya nun ay yung babaeng nasa pool nila noon. Na walang iba kundi si Aphrodite
"Ako nalang" Myrtle volunteered na para bang isang laro lang ito
Sinamaan siya ng tingin ng dalawa "No!" they both said in unison. Tumingin si Mr.Faust sa anak habang si Mich naman ay nakangiwing pilit hindi tinitignan ang ama
"Watch your mom ok? I just have a business to attend to" pagpapaalam ni Mr.Faust
"Business?! Kita mo ngang malapit ng mamamatay si mommy business parin uunahin. Kung sabagay, mukha naman kasing pera eh" pagpaparinig ni Michelle sa ama at humalukipkip
"Michelle! Alam mo naman na para rin ito sa kinabukasan mo diba?!"
Mich rolled her eyes "Whatever"pagtatakwil ni Mich sa ama. Umiiling namang lumabas si Mr.Faust
"Aalis lang ako, Myrtle"
"Mag-ingat ka Mich"
Dumiretso si Mich sa parking lot and sumakay sakanyang toyota prius na kulay red at pumunta sa isang coffee shop
"One civet coffee and a one espresso" sabi ni Mich sabay kuha ng pera sa wallet
"Here you go ma'am" kinuha na ni Mich ang pinamili at umalis
"Psst!" Hindi siya lumingon, malay mo baka iba pala tinatawag. Mapagkamalan pa siyang assuming "Mich!"
Inis siyang humarap sa tumatawag ngunit agad din iyong napawi ng makita ang pagmumukha ni Harisse
"Nginingiti mo?!?" taas kilay niyang tanong nito. Hindi pa alam ni Harisse ang problema niya, masyado kasing okupado ang isip niya para isipin pa ang binata
"Nandito ka kasi eh" sa mga ngiti niyang iyon ay bigla nagsisi si Mich. Dapat ay siya ang nasasandalan niya ngayon, ngunit hindi niya magawa
"Tigilan mo nga ako! Ang corny mo!"
"Sus. Namula ka nga eh"
"Che! Pwede bang umalis ka sa harap ko?!"
"Ba't ako aalis? Dadaan ka ba dito? Eh andoon yung kotse mo oh" sabi niya sabay nguso kung saan nakapark ang kotse ni Mich. Namula naman sa hiya ang dalaga at padabog na lumapit sa sasakyan pero bago pa siya makapasok ay sinulyapan niya muna si Harisse at bineletan ito
Kaya napatawa nalang ang binata dahil ang childish ng mahal niya...
Manwhile...
"Ano ba kasi ang kailangan niyo?! Just please tell me" halos lumuhod na si Mr.Faust sa mga armadong lalaki. Mukha silang terorista
Natawa naman ang lalaki na para bang nanunuya "Talaga? Eh asawa mo nga hindi nakapagbayad eh ikaw pa kaya?!"
"Eh ano ba kasi talaga ang kailangan niyo? Pera? Magkano?"
"Hindi pera. Buhay. Buhay ang gusto kong kabayaran" nakangiti nitong tugon na parang isang demonyo
"Bakit kailangan pang may mawala samin?"
"Hahaha, hindi mo talaga alam kung gaano ka demonyo yang asawa mo no? Well ang nagawa niya lang namang lang naman ay ang utosan kaming patayin si Mrs.Martinez dahil makapangyarihan ang babaeng ito at nasa kanya na ang lahat. Masyado kasing inggetera ang asawa mo"
"Who's Mrs.Martinez?" kunot noong tanong ni Mr.Faust
"Isa siyang anak ng isang pinakamayaman na mag-asawa at balita ko ang pamilya Martinez ang sumira sa pamilya niyo. Pero ngayon nagtatrabaho na kami sa mga Martinez, mas mapera sila eh. At ang una naming trabaho ay ang sirain kayo mwahahahah...ARAY!" aniya at hinimas ang batok na gawa nung kasamahan niya
"Patay ka kay boss! Diba sabi niya bawal sabihin kung sino siya? Napakadaldal mo talaga!"
Ngumiti ang lalaki sakanya "Yung lang ang impormasyon maibibigay namin sainyo. Wag kang mag-alala. Makikilala mo rin siya. Kung buhay ka pa" humagalpak ito ng tawa habang hawak-hawak pa ang kanyang tiyan
Mahinang naglakad si Mr.Faust paalis at sumakay sa kotse.Dahil sa bilis niya ng pagpapatakbo ay hinuli siya ng mga pulis
"Sir palayain niyo na ako" pagmamakaawa niya sabay dukot sa bulsa ng tseke worth 50 thousand
Pinalaya na agad siya at dumiritso sa bahay pero huli na dahil nakita niya ang mga basag na vase at ang iba pang bagay na nawasak na. May nakita siya sa dingding. Isa itong mensahe, at ang mas ikinagimbal niya ay dugo ang gamit sa mensahe
HINDI MO KAMI MATATAKASAN FAUST. NGAYON KAILANGAN MO NG PUMILI KUNG SINO SA MGA ANAK MO. KUNG ANG PANGANAY MO AY PUMUNTA KA NALANG SA TERITORYO NAMIN. AT KUNG ANG PANGALAWA MO NAMAN AY PUMUNTA KA SA TRAINING CENTER. IT'S YOUR CHOICE FAUST. KUNG MAGDADALA KA NG MGA PULIS, PWES WAG KA NALANG MANGARAP NA MALILIGTAS MO PA SILA...
Mahirap pero kailangan niya ng mag-isip kung paano mailigtas ang dalawa niyang mga Anak. Pumunta siya sa asawa at doon nadatnan ang kanyang minamahal na maraming nakakabit
Lumapit siya at hinawakan ang palad neto. dahan dahan namang minulat ni Mrs.Faust ang kanyang mata at kahit nahihirapan siya ay she pointed the paper and pen using her index finger. Hindi kasi ito makapagsalita dahil sa mga apparatus na nakakabit sa bunganga nito
I'm sorry
pumatak ang mga luha ni Mr.Faust dahil sa sinulat ng asawa at hinalikan niya ito sa noo bago umalis
"PALAYAIN NIYO KO MGA PUNYETA KAYO!" sigaw ni Mich sa isang madilim na silid
Kanina pa siya sumisigaw dito pero walang nakakarinig sakanya dahil isa itong soundproof tapos samahan mo pa ang dilim. At unti-unti narin siyang nawawalan ng hininga dahil walang hangin na makakapasok sa silid na ito at kung mananatili ka dito ng limang araw ay mawawalan ka na talaga ng malay
TULONG! TULONGAN NIYO AKO! MAAWA KAYO PLEASE" panghihingi ng saklolo ni Myrtle dahil hindi kagaya kay Mich ang room niya. Nasa loob siya ng isang lab. May naamoy siyang gas kaya alam niya kung anong mangyayari sakanya
Iba-iba ang proseso ng pagpatay sakanila pero ito ay iisa dahil pag hindi sila maliligtas dito ay pareho silang mamamatay...
BINABASA MO ANG
She's One Of A Kind
Ficção AdolescenteIsang love hater na kulang nalang isumpa ang mga couples sa buong mundo. Malungkot ang nakaraan niya kaya siya naging ganyan. But, will she find her happiness sa isang lalaki na mahal na mahal talaga siya? Will she find a man that will accept her ka...