Chapter 10

108 6 0
                                    

Harisse's POV

Bakit ko ba sinabi yun sakanya?!?

"Sure ka bang ako ang gusto mo oh baka naman nagbibiro ka lang?!" tanong niya

Napaamin tuloy ako ng wala sa oras

"Ahhh paano mo naman nasabi na gusto kita? Ahahaha hindi no, sabi ko U ang first letter nang name niya" hay sana naman maniwala siya

She sighed and smiled "That's great. Bye Harisse, mauna na ako"

Bakit ba ang ganda niya? Natatakpan lang talaga yung ganda niya dahil sa ugali niya

Mich's POV

Hayy that was close i thought na ako ang mahal nun hay wait whats the time na ba? Tinignan ko ang aking wrist watch at malapit pa akong madapa ng makita ang oras. Omo! Patay na naman ako ni sir kalbo neto. Aish

Kaya dali dali akong naglakad papunta sa building. Ayokong tumakbo dahil hindi bagay sa ganda ko

Pagpasok ko ay as usual lahat sila tumitingin sakin lalo na si sir kalbo

"Hindi pa ba kayo sanay?" tanong ko at agad naman nilang binawi ang tingin sakin pero except sa kalbong ito

"Where have you been ms.Faust?"

"None of your business po" atleast may po, improving!

"Do you want to have a poor score ms.Faust?"

"Do you still want to be a teacher Mr.Whoever your name is?"

"See?estudyante ka pero hindi mo alam ang pangalan ko" so dapat ba alam ko pangalan niya? pati din ba edad niya? o kung saan siya nakatira? 

"Bakit ano bang meron sa pangalan mo? Pag hindi ko ba iyon alam mamatay na ako?"

"Enough!"

"Kahit sumigaw ka pa diyan ay hindi parin babalik yang buhok mo-"aalis na sana ako pero may nakalimutan pa pala ako

"Oh btw dahil hindi ko alam ang pangalan mo ang tawag ko nalang sayo ay sir kalbo ang ganda right?" pagkasabi ko nun ay nagtawanan naman ang aking mga classmates

"SHUT UP!WALANG NAKAKATAWA!" rinig kung sigaw ni sir kalbo hahaha if i know wala na yun bukas so that means iba na naman ang teacher namin?





Pagkagising ko i've done my morning rituals then bumaba na ako sa hagdan

"Saan si yaya tanda?" tanong ko kay mommy

*death glare*

"What?"

"Sinundo niya asawa niya papunta dito kasi wala na raw trabaho"

"Sad" umupo na ako sa hapag at kumain

*ding dong*

"Oh theyre here!"-

"Oh this is my daughter Amethyst" pagpapakilala sakin ni mommy, pero hindi ko parin alam kung sino ang aming bwisita, nakatalikod kasi ako eh

"Mich!" sigaw ni mommy kaya lumingon nalang ako pero. Dapakkk si sir kalbo?!?

Parang di maipinta ang itsura ni sir ng makita ako "Ma pwede bang sa bahay nalang ako?" tanong niya sa asawa niya "Ayaw kong makasama yang demonyitang yan! Siya ang dahilan kung bakit ako nawalan ng trabaho. Pinahiya niya ako sa buong klase ko"

Hindi nalang ako sumagot kasi ang raming evil plans sa utak ko >:)

"Kaya nga po kita pinagtrabaho dito eh. Alam kong nang dahil sa anak ko kaya nawalan ka ng trabaho. Kabayaran nalang po namin to" paliwanag ni mommy sakanya

"Pero ma'am kahit wala po akong trabaho ok lang naman. Basta hindi ko lang makikita yang batang iyan! Kampon ng kadiliman!"

"Don't worry, po. Hindi po kayo magagawan ng masama niyan dito. Mauna na po ako. Yaya ikaw na ang bahala sakanya, ah" binalingan naman ako ni mommy at piningot "Ikaw, pumili ka ng taong tatarayan mo. Naiintindihan mo ako? Aalis na ako. Pakabait ka, Charantia!" 

Binigyan ko lang ng isang malapad na ngiti si mommy hanggang sa tuluyan na siyang nakaalis sa bahay

"Hi sir kalbo ay hindi pala sir kasi isa ka nang gardener hahaha" panunuya ko sakanya

"Saan ka kaya nagmana noh? Eh ang bait bait ng mommy mo eh!"

"Aba ewan ko ay aalis na pala ako bye kalbo at bye narin yaya tanda" nagpahatid na ako sa school sa aking driver

"Hi Ms. sungit" bati sakin ng isang lalaking di ko na naman kakilala

Hi Mr. pangit" 

Wow himala kasi wala si June ngayon baka dinala na sa mental. Pero ba't ngayon pa? Baka ngayon narin nila nalaman na may sakit pala siya sa utak 

Pero teka asan ang mga babae dito anyare?

Pero may nakikita akong  babaeng nagkukumpulan sa garden. Teka baka may artista or bagong estudyante rin

Out of curiosity ay linapitan ko sila

"Anong meron?"-tanong ko pero nagkibit balikat lang sila at may lumitaw na isang lalaki pero familiar siya ha

Nakisiksik pa ako sa mga nagkukumpulang babae "Sino ka ba?bago ka ba rito?" tanong ko sa lalaki at oo inaamin ko ang pogi nga niya pero di ko siya crush ha?!uupakan ko kung may magsasabi niyan

"Hi Mich" nagulat ako dun. Hindi naman dapat nakakagulat iyon dahil halos lahat ay kilala ako. Pero bakit ko nagulat na alam niya ang pangalan ko?

"Why do you know me?are you a stalker?"

"Actually no magkakakilala na talaga tayo and hindi ako bago rito"

"One more question left"

"I'm Harisse" my jaw literally dropped pagkadinig ko sa sagot niya. Paano?!

"Areyo u kidding me?" wow as in wow ang pogi niya

"No.But do i look like I'm kidding?" natatawa niyang sagot. Kinaladkad ko siya paalis sa garden at pumunta sa  may oak tree 

"Harisse? Ba't tinanggal mo ang glasses mo? Tsaka paano ka na makakakita ngayon?Alam ko kasing wala kang contact lense eh"

"Actually hindi naman talaga malabo mata ko eh trip ko lang talagang magsuot ng ganun" wew laglag panga ko doon sa sinabi niya hindi lang talaga ako makakapaniwala na a nerd turns out to be a hottie?!

"Ahhh sige yun lang naman talaga tanong ko eh, bye" pero aalis na sana ako ng hinawakan niya kamay ko parang may something. Hindi ko lang maexplain eh!

"Remember mo pa ba iyong nakita mo ko sa garden kahapon na umiiyak?"

"Ahhh yeah. Hindi naman ako makakalimutin, no. Pero bakit ba, anong meron dun?"

"Kasi i-kaw ahhh pshhh wala ge umalis ka na" pagtataboy niya kaya umalis na ako pero bakit parang may part na sumasakit sakin? Don't tell me nahuhulog na ako sa nerd no scratch that don't tell me nahuhulog na ako kay Harisse? No this cant be!

She's One Of A KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon