Chapter 37

81 4 0
                                    


Lahat ng tao ay nagibihis ng itim dahil ngayon ang libing ni Mrs.Faust. Everyone was heartbroken at hindi nila mapigilan ang kanilang mga luha. Si Mich naman ay naka-upo lang sa gilid at tulala

"Iniwan na nga niya ako, iniwan pa ako ni mama" bulalas niya habang nakatingin sa kabaong. Hindi naman mapigilang maawa ni Mr.Faust at ni Myrtle na nasa kanyang tabi. Lahat sila ay nawalan ngunit dalawa ang nawala kay Mich kaya mas doble ang sakit nito

Bumuntong hininga ang kanyang ama at hiniwakan ang kanyang likod "Hindi nawala si Harisse. Maybe he just wants some break"

Hindi nagsalita si Mich at walang sabi-sabi na tumayo at naglakad paalis. Habang nasa kwarto ang dalagita ay may biglang kumatok kaya agad niya itong pinapasok

"You're leaving?" tanong nang kanyang ama ng makita ang mga damit at bagahe ng anak. Tumango lang si Mich bilang tugon at bumalik sa pag-iimpake

"I know where he is" napalingon si Mich sa ama at natigil 

"Who?" tanong niya kahit may alam na siya kung sino ang tinutukoy nito

"Harisse" biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Hindi niya malaman kung ano ang gagawin. Parang gusto niyang sundan ito

"Where?"

Nakapamulsa ang kanyang ama at ngumiti "I just heard na nandun daw siya sa hometown niya. I think that's in Cebu? Yup. He's in Cebu"

Napabuntong hininga ang dalaga dahil sa layo ng lugar. At isa pa ay alam niyang hindi siya papayagan ng ama

"Mich if I were you hindi ko na siya pakakawalan. Kaunti nalang ang tulad niya sa mundo" 

"Are you telling me to chase him?"

Lumapit sa kanya ang ama at masuyong hinaplos ang kanyang buhok "Yes, sweetheart. I've been rough on you last time. And I'm sorry for that. I know you can't forgive me dahil sa nagawa ko sa inyo ng mommy mo. But still, I just want to make up to you"

Bigla siyang napayakap sa ama kaya nagulat ito dahil sa kanyang ginawa "I love you dad. Matagal na kitang napatawad"

"I love you too, anak"

_______________

"Michelle, mag-iingat ka" niyakap siya ng kapatid

Ngayon ang araw ng pag-alis niya. Halo-halo ang kanyang emosyon habang iniisip na pupunta siya sa bahay ng lalaki. Pagkatapos yumakap sa kapatid ay niyakap niya narin ang kanyang lola 

"Be safe apo"

"I will, lola" 

Bumaling siya sa kanyang ama na nangingilid na ang mga luha "Thank you so much, dad" niyakap din siya pabalik ng ama

"Anything for you"

Nang tawagin na siya ay kumaway siya bago umalis. Habang nasa biyahe ay hindi siya makatulog dahil masyado siyang okupado sa pag-iisip. Kanina pa siya nagrorosaryo at nagbabasa ng Bible dahil sa matinding kaba. Baka kasi pabalikin siya ng binata o di kaya'y may girlfriend pala ito dun o di kaya ay itanggi siya na magkakilala sila

Nang dumating na sa Cebu ay nagpatulong siya sa pinsan na hanapin ang address na hawak niya

"Saturn, kinakabahan na ako" aniya habang nakatingin sa daan 

Inirapan lang siya ng pinsan "Wag kang OA diyan, Amethyst. Aba! Sana naman ay happy ever after itong storya niyo. Alam mo bang nabitin ako?" 

She's One Of A KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon