MONDAY na ulit at imbes na maghanda na dahil may pasok pa ngayon, ay nanatili lang akong nakahiga
"Michelle bumangon ka na nga diyan" utos ni yaya. Maglalaba kasi siya ngayon kaya dinadampot niya ang mga damit kong nakakalat sa buong kwarto ko
"Tsss. Mamaya na"
"Ilang ulit ko na ba yang narinig yang mamayang iyan? Kanina pa kita ginigising mula nung mag ala sais, at yan ang sinagot mo sakin. Tapos alas otso na ganyan parin?"
"Paulit-ulit din naman tanong mo ah? Edi inulit ko rin yung sagot ko" nakanguso kong pagdadahilan. At dahil narin siguro sa inis ay piningot niya ang aking tenga kaya napabangon ako ng wala sa oras
"Ang sakit nun ah!"
Humalukipkip lang siya at tinaasan ako ng isang kilay. Kahit ganyan siya, siya ang favorite kong yaya. Maldita rin kasi
Wala na akong choice kundi ang maligo. Pagkababa ko ay ready na ang lahat. Ang gagawin ko nalang ay umupo at sumubo
"Ms.Faust alam mo bang ngayon na ang ating final test?!" galit na salubong sakin ni ma'am. Nakapoker face lang akong nakatingin sakanya "Wala ka man lang bang sasabihin miss Faust?"
"Alam ko"
"Yun naman pala eh! Eh bakit ka nalate? Nagbar hopping ka ba kagabi? O baka naman may kalaro ka sa motel at napagod ka ng todo?" nakangiting sabi niya sakin at tumingin pa sa mga kaklase ko na parang sinasabi sakanila kung gaano ako kadumi
Nainsulto ako sa sinabi niya "Ma'am, for your information, hindi po ako ganyang klaseng babae. Ibahin mo ako sa iba" I paused at tinignan ko siya ng may nag-aalab na mga tingin "Ibahin mo ako sa sarili mo"
Kumunot ang kanyang noo "What do you mean?" napaatras pa siya sakin
She left me with no choice...
Nilabas ko ang aking phone "Kindly explain this. This was caught last Wednesday. I highly admit that I go to bars para uminom. But I don't fck. I'm not like you, ma'am"
Nanlaki ang kanyang mga mata. There's no use on denying the image dahil obvious masyado na siya ang nasa litrato. Sa first pic ay naghahalikan sila ng isang lalaki. Sa pangalawa ay nakaluhod siya habang ang lalaki ay nakaupo. At marami pang iba. Marami ang pictures na iyon at iba-iba ang lalaking kasama niya
"Hindi ba parang nakakatawa? Lahat ng mga ginagawa mo ibinabato mo sakin? Baka ikaw ma'am. Baka ikaw yung napagod ng todo kagabi dahil sa kalalaro mo? Iba-iba pa naman yung mga nakalaro mo" I gave her a smirk at kinuha ang test paper na nasa mesa
Lahat ng mga kaklase namin ay nagsimulang magbulungan. I was even shocked nang may marinig akong may nagvideo daw habang nakikipagtalik si ma'am. When I glanced at her may tumulong luha sa kanyang mata at parang hindi makapaniwala na nabuking siya
Agad siyang tumakbo palabas
"Mich" tinignan ko si Harisse at seryoso siyang nakatingin sakin "You shouldn't have done that" aniya
Tinaasan ko siya ng isang kilay "We don't need a whore teacher. Ano namang silbi nun dito? Eh wala naman tayong natututunan sakanya"
"Tss. Ang problema kasi sayo, hindi ka marunong rumespeto. Your meddling other's business! Bakit wala ka bang buhay? Have you not fucked anyone yet? Dahil just by looking at you, mukhang hindi ka naman virgin eh. So tell me, ilan na ang mga nakama mo?"
Agad naglanding ang aking kamay sa kanyang pisnge. Hindi ko na napigilan ang aking luha at kumawala ito sa aking mga mata. Nagulat naman siya ng makitang umiiyak ako
"All this time ganyan pala ang tingin mo sakin? A whore?" umiling ako at pinunasan ang aking luha at umalis
Umalis ako sa school at sumakay sa kotse ko. Hindi ko ito pinaandar. Nasa loob lang ako. Umiiyak. Sa lahat ng insulto na nakuha sa tanang buhay ko, sa kanya lang yung pinakasakit. Hinawakan ko ang aking dibdib dahil kumikirot ito...
BINABASA MO ANG
She's One Of A Kind
Novela JuvenilIsang love hater na kulang nalang isumpa ang mga couples sa buong mundo. Malungkot ang nakaraan niya kaya siya naging ganyan. But, will she find her happiness sa isang lalaki na mahal na mahal talaga siya? Will she find a man that will accept her ka...