"What was that?" tanong ni James na kagagaling lang sa CR
"Fireworks" mapanuya kong tugon
"Huh? May fireworks na pala sa umaga?" ani Caleb
"Tanga! Ikaw barilin ko diyan eh! Putek"
"Stop cussing hon" suway sakin ni Harisse
"Anong hon?! Ikaw kaya ipapapatay ko sakanila?!"
"Ok lang basta titigilan ka na nila" after he said those words blood rushed to my cheeks but not because of kilig ngunit dahil sa inis. Matinding inis
"Che!"
"Uy love birds hindi ito ang panahon para maglandian. Clayton,Jayden tayo ang maiiwan dito. At kayo naman Caleb and Harisse itakas niyo si Ms. Pres." ani James
"Kailangan ba talagang mag split?!" tanong ni Caleb
"Pwede ring sumama ka nalang sa killer" nanunuyang sagot ni Jayden
"May pinto sa likod. Dun nalang tayo dumaan"
Hindi pa man kami tuluyang nakakaalis ay may sumalubong na sa amin kaya agad kong kinuha ang aking baril at kinalabit ang gatilyo. Tumulong din sa pagpatay ang dalawa kaya lahat ay napatumba namin
Dumiretso kami sa garahe at sumakay sa aking sasakyan. Pumasok ako sa driver's seat at agad pinaharurot iyon
"Saan tayo pupunta?" tanong ko habang nakatingin sa daan
Nang hindi parin sila nagsasalita ay tinignan ko ang rear view mirror at nanlaki ang kanilang mga matang nakatingin sakin habang bahagyang nakanganga pa
I let out a chuckle "What? As if ngayon pa kayo nakakita ng patay"
"Hindi. Actually... ngayon palang kami nakakita ng babaeng pumapatay" nabubulol na sagot ni Caleb
"Pwes, masanay ka na"
Ilang minuto kaming tahimik ng biglang binasag ni Caleb ang katahimikang iyon "Am I going to call the police?"
"Walang silbi ang mga police sa sitwasyong ito"
"Anong ibig mong sabihin?" kumunot ang noo ni Caleb. Bahagya pa akong napangiti. Minsan lang kasi siya nagseseryoso
"This is not just a simple act of robbery. It may look like it, but they're actually going to kill us without touching our propertys"
"Paano mo alam?"
I smiled a bit "Matagal na kaming gustong patayin ng taong ito. Matagal na siyang nagpaplanong patayin kami"
"Kilala mo ba ang taong ito?"
"Nope. But I have a hunch that this person is quite a successful one"
"At hindi pa alam ng pamilya mo ito?" tanong ni Harisse
"I don't think na hindi pa ito alam ni daddy. While mommy is just probably keeping her mouth shut"
"Baka related to sa business? Or baka may ginawa kayong masama sakanya? Hindi naman kasi ganito kalaki ang paghihigante niya kung wala kayong nagawang masama sakanya" ani Caleb na nakahawak pa sa baba neto na animo'y nag-iisip
"Possible. Hindi ko alam. Hindi ako interesado sa business. But I think dahil to sa mommy at lola ko. I may be evil but they are ten times more"
I parked my car sa tapat ng bahay nila Jayden. Kanina lang ay may natanggap kami text galing sakanya, sabi niya dito nalang daw muna kami dahil walang bantay ang kapatid niya
Pagpasok namin sa loob ay nadatnan namin si Jade na nanonood ng telebisyon, nakatalikod siya samin kaya hindi niya kami napansin
"Jadie!" nabaling ang kanyang atensyon samin nang tawagin siya ni Caleb
"I was just watching the news, at binalita na ninakawan daw kayo" tumayo siya at humarap sa amin "Where's kuya? Is he alright?"
"He's fine. At hindi pagnanakaw iyon"
She gave me the look kaya tumango ako "Ano?! When will this person quit? Nagsasayang lang siya ng pera!"
Kunot noo naman kaming tinignan ni Caleb at Harisse "She knows. Noon palang ay siya ang unang sinabihan ko tungkol dito"
"Mabuti pa nga't dito muna kayo. Gosh. If that person attacks here, I will be the first to kick his ass"
Natawa naman ako ng bahagya sa sinabi niya "Ilan ba kwarto niyo?"
"5. My parents are not here kaya solo natin ang buong bahay for a week" aniya at ngumiti. Sa aming apat kaming dalawa lang yata ang nakangiti ngayon
Pinahiram ako ni Jade ng damit. Pagkababa ko ay nadatnan ko ang dalawa na seryosong nag-uusap. Hindi ko magawang iwasan ang paningin kay Harisse na naka white button up shirt na tinupi hanggang siko
Nang tignan ako ni Caleb ay agad akong naglakad papunta sakanila. Umupo ako sa tapat nila na parang walang nangyari
Mabuti nalang at sakto namang dumating si Jade "Jade, saan nga pala ako matutulog?"
"Ahhh. Sabi ni--- I mean sabi ko tabi kayo ni Harisse" aniya at ngumiti. Humikab pa siya na alam kong akting lang iyon "I'm going to sleep na. Alam ni Harisse kung saan ang room niyo. Kayo na bahala diyan ah? Night!"
Tumingin pa ako kay Harisse at nakita siyang nag-iwas ng tingin. Wala naman sigurong gagawing masama ito
"Tara na" tumango ako sakanya at pinauna siya
Pagpasok namin sa kwarto ay agad akong nahiga habang siya ay may tinignan sa kabinet
Humugot ako ng hininga "Dito ka pala natutulog?" base on my guess dahil may mga damit na panlalaki sa kabinet
"Yup. Madalas kaming mag-away ni daddy kaya dito ako tumatakbo"
"Parehas pala tayo. Pareho tayong may issue sa mga daddy natin" I smiled dahil sa naisip. Hindi naman siguro masamang magtanong kung anong issue niya diba? "Bakit pala kayo madalas mag-away?"
He glanced at me at binalik din agad ang atensyon sa mga damit "He never loved me. I always feel unwanted. Daig ko pa ang anak sa labas kung ituring niya ako. Isang mali ko lang masasakit na mga salita na ang mga binabato niya sakin" I heard him snickered
"I'm sorry. I shouldn't have asked"
Tinignan niya ako ng ilang sandali. I saw how his jaw clenched "Okay lang. Matulog ka na. Kina Caleb nalang ako matutulog"
And just like that umalis na siya. Hinawakan ko pa ang aking dibdib ng bigla itong kumirot
BINABASA MO ANG
She's One Of A Kind
Teen FictionIsang love hater na kulang nalang isumpa ang mga couples sa buong mundo. Malungkot ang nakaraan niya kaya siya naging ganyan. But, will she find her happiness sa isang lalaki na mahal na mahal talaga siya? Will she find a man that will accept her ka...