Harisse's POV
Pagkatapos ko sa aking mga ritwal ay pumunta na ako sa garahe para kunin ang aking sasakyan.
"Harisse, long time no see pare. Kamusta ka na?" paglabas ko palang sa kotse ko ay sinalubong na ako ng grupo ng isang gang
"What do you want, Gil?" si Gil ang kanilang leader. Bata palang ay matalik ko na siyang kaibigan. Ngunit agad ko din iyong tinapos nang sumali siya sa grupo nila
Tumawa siya nang pagak "Nakita kita kahapon. Nakita kong sinakay mo si Amethyst sa kotse mo" kunot noo parin akong nakatingin sakanya. So nagseselos siya ganun? Gusto niya isakay ko din siya sa kotse ko ganun?
"So?"
"Anong so?! Gago ka ah! Alam mo bang sa akin yang babaeng tinitipuhan mo?"
"Ang tanong, Gil. Alam ba niyang sa iyo pala siya? Mahal ka rin ba niya? Obess rin ba siya sayo, katulad mo na obsess na obsess sakanya?" I paused for a while "Bakit ko naman ibibigay ang babaeng mahal ko, kung alam kong malapit na rin niya akong mamahalin?"
Agad niya akong nasuntok kaya dumugo ang gilid ng aking labi
"Gago ka talaga Harisse! Kaya ka maraming kaaway eh, dahil diyan sa kahambugan mo!"
"Nagsalita ang mas hambog" nakatanggap ulit ako ng isa pang suntok. Shit. Di yata ako makakapasok ngayon
"Hey Eth---" dinig kong tawag sakin ni Caleb "Ethan?!" agad niya akong dinaluhan at pinatayo. Di ko pa kayang tumayo eh!
"Gil whats your problem?" nanggagalaiting tanong ni James
"Nothing im just saying hi to your leader here"
"We don't want war here, Gil. But if you want, we would be glad to give you war" ani Jayde
"Hahaha I know you're all cowards and weaklings so i'll have to decline on that" he said but he lean on me and whisper something
"Wag mong kalimutan ang sinabi ko" aniya at binanggaan pa ako
"Tsss as if he can do that" I said and as soon as I landed my gaze on my members they just throwed me a do-you-have-a-relationship-look
"No but I'm getting there"
Agad naman silang naghiyawan at tinapik pa ang balikat ko
Sila pala ang mga kaibigan ko,
James, he's the oldest and acts like one too. His family owns a restaurant and his girlfriend is Rica, Mich's friend
Clayton, he is the second oldest but apparently the coldest.Minsan lang siya nagsasalita and his family owns a hotel
Jayden, he have a younger sister who's name is Jade. His family owns a company. His girlfriend is Kate
Caleb, he's our younger brother and yeah we treat ourselves as brothers. Napaka childish niya, and the most annoying. Caleb have a girlfriend who's name is Suzy, Mich's friend
"Tangina. Paano ako makakapasok ngayon?" tanong ko habang nakatingin sa salamin "Hindi na ako makakaharap kay Mich neto"
"Gago! Di naman malala ah?" inirapan ko nalang si Jayden na ngayon ay kumakain ng apple
Hindi ko namalayan na nasa ACM Academy na pala kami
"Bakit di mo ko binaba sa bahay? Diba sabi ko di na ako papasok?"
"I already texted Mich. Nandito lang iyon" ani James
Agad ko naman siyang sinamaan ng tingin "Paano mo nalaman number niya?" hindi ko nga alam yung number niya eh! Two timer ba to?
"Vice President ako sa school council, gago!" Oo nga pala! "Oh nandito na pala si Ms. Pres. eh"
Agad ko namang tinignan kung saang direksyon siya nakatingin. Naglalakad papunta samin si Mich kasama ang mga kaibigan niyang abot tenga ang ngiti
"Hi Chara!" Caleb said
"Lower your voice idiot"
"Hmp! Magsama nga kayo ni Ethan. Ang susungit laging may dalaw"
"BABE!" sigaw ni Suzy kay Caleb
"BABE!" agad nagyakap ang dalawang maiingay na magkasintahan
"Magsama rin kayo kasi ang iingay niyo" sabi ni Mich at bumaling sakin "Anong nangyari diyan?! Basagulero ka na pala ngayon?. Tsk. Tara na nga sa clinic at gagamutin ko yang sugat mo"
"Ikaw ang gagamot nito?" nakangiting tanong ko
"Sino pa ba? Wala ang school nurse ngayon dahil may sakit ang anak niya. No choice kaya ako nalang" aniya
"Tara na nga" hinawakan ko ang kamay ni Mich HHWW na kami ngayon
"Ayieee"
"Ano na naman ba?" iritadong tanong ni Mich at agad naman silang ngumuso sa magka holding hands naming kamay kaya agad kinuha ni Mich ang kamay niya
"Nandun na yun eh! Panira ng moment"
"Linalanggam na kaya kami dito" sabi ni Caleb
"Oonga si Clayton nga parang inubos na ng mga langgam" panunuya ni Jayden
Agad naman siyang tinignan ng masama ni Clayton na nagbabasa pala ng libro "Pakyu"
Hinila na ako ni Mich papunta sa clinic habang yung mga kasama namin ay nasa labas lang. Umupo ako sa monoblock na upuan
"Aray! Dahan-dahan naman" daing ko
"Kagagawan mo ito kaya wag kang magreklamo. Sino ba kasi ang gumawa nito?" agad akong umiling kaya pinatid niya ang upuan ko "Sasabihin mo o mas didiinan ko ito?"
"Si Gil"
"Tsss. Siya? Eh ang lampa nun eh! Paano niya nagawa ito? Pinalo ka ba?"
"Sinapak ako" humalakhak pa siya at saka pinagpatuloy ang paggagamot
Pagkatapos niyang gamutin ang aking sugat ay nabigla ako ng hawakan niya ang aking magkabilang pisnge
"Don't worry. This is going to be the last time you'll get hurt because me. I'll protect you, okay?" aniya at ngumiti
"Paano mo nalaman na sinaktan niya ako nang dahil sayo?" utal-utal kong tanong. Ngumiti lang siya sakin na dahilan ng pangangatog ng aking tuhod
"I just know. Sana hindi yan ang magiging dahilan ng paglayo mo sakin" umalis na siya sa clinic leaving me in a state of shock. Pero hindi ko maiwasang hindi kiligin sa sinabi niya. Diba dapat ang mga babae ang dapat kiligin?

BINABASA MO ANG
She's One Of A Kind
Teen FictionIsang love hater na kulang nalang isumpa ang mga couples sa buong mundo. Malungkot ang nakaraan niya kaya siya naging ganyan. But, will she find her happiness sa isang lalaki na mahal na mahal talaga siya? Will she find a man that will accept her ka...