Nasa kwarto ako kasama sina Suzy, Rica, Kate at Riviana
"Ano ba kasing nangyari sayo?" ilang weeks na akong nagmumukmok. At ilang weeks narin nilang tinatanong iyan sakin. Hindi ako kumakain, naliligo at lahat. Nakahiga lang ako sa aking kama at nakakulong sa aking madilim na silid
"Yan ang example sa nagmahal, nasaktan, nadepress" ani Riva na kumakain
Ilang weeks narin akong hindi nagsasalita. Medyo napapanis na nga yung laway ko. Pero papanindigan ko na ito
Nakatingin lang ako sakanila habang nakapoker face. Wala akong balak na ientertain sila ngayon. Dapat nga ay hindi na sila pumunta dito.
Ilang oras pa akong kinulit. Nung magdilim na ay isa-isa na silang umalis hanggang ako nalang ang naiwan sa aking silid. I received a text from him. At hindi ko iyon binuksan. Para saan pa? Para insultuhin na naman niya ako? King ina niya!
Nabanggit nga pala nila mommy na may party daw mamaya. Pagtingin ko sa orasan na nasa side table ko ay ala sais na. I only have one hour to prepare. Kahit nagdadalawang isip ay tumayo ako at nag-ayos
"Good evening, ma'am"
Nagtuloy-tuloy ako sa pagpasok sa loob ng hall. I wore my blush colored long gown tulle lace off shoulder. I put my hair into a bun and wore my diamond necklace at diamond earrings. Kumikinang pa ito pag natatapatan ng kanilang mga ilaw
"It's Mich" dinig kong bulong ng karamihan. I was gone for a week kaya malamang, masosorpresa talaga sila
Nakita ko pang kinakawayan ako ni Caleb, malamang nakatingin silang lahat sakin. Even Harisse. Pumungay ang kanyang mga mata habang nakatingin sakin, ngunit hindi ko na iyon pinansin. Taas noo akong naglakad papunta sa table nila mommy. I didn't smiled kahit fake smile ay di ko magawa. Hindi ko nga alam kong bakit ako narito
Ngumiti sakin si mommy and held my hand "It's great that you're back" tinanguan ko lang siya ng bahagya at tumingin sa stage
May program na naganap bago kami magsimula ng kumain "What is this all about?" tanong ko
"Absent ka kasi kaya hindi mo alam. Your lola throwed this party para sa Royal Academy" tumango ako at hindi na nagsalita pa
Pagkatapos naming kumain ay nabaling ang aming atensyon ng magsalita ulit ang MC. Sinabi lang nito ang origin sa school at iba pa. I'm not really listening dahil alam ko na ang mga iyon
Pumalakpak sila ng pumunta si lola sa entablado. I snickered habang nakatingin sakanya. She doesn't need to have a speech. Kahit si mommy na ilang years ng namamahala sa school ay walang ganitong nangyayari. Hambog
"Thank you everyone. To the donors, the parents for enrolling their kids, and to everyone! I'd like to thank one of the students, our current Student Council President, and my granddaughter" tinignan niya ako ng nakangiti. Hindi ko magawang ngumiti pabalik "Amethyst Charantia Michelle Faust"
Everyone gave me loud applause habang nakatayo. Wala na akong nagawa kundi ang tumayo at pumunta sa stage. Hindi ko alam na magbibigay pa pala ako ng speech
Lola gave me a kiss on the cheeks at hanggang tenga ang kanyang ngiti. Habang ako ay wala paring ekspresyon ang mukha
I grabbed the mic at tumikhim "I didn't know that I too, will give a speech. Dapat naman sinabi niyo para mapaghandaan ko" everyone laughed "Oh well, paano ko naman malalaman, nag-absent nga pala ako for a whole week. Hindi ko nga alam na may party eh" tumawa ako ng pagak
"To any of you who are wondering, hindi ako nagbakasyon or may sakit. I purposely went AWOL. Hindi ko na ito pahahabain pa. As the President of the Student Council, I had to act tough. Mahirap dahil maraming bullies, maraming maarte, maraming KSP, maraming delinquents at marami rin akong insulto na natatanggap" I paused at pilit pinipigilan ang aking luha. Wag ngayon, please
"I really didn't know that I would win. Alam ko kasing mahirap maging president, at mahirap nga. I managed to be the president for 4 consecutive years. And I am grateful to those who voted for me. Para sakin hindi lang kasi ako president sa school. I am both the bully and the hero. It was sad dahil pinalitan ang pangalan ng school. The name was with my initials. Nang malaman kong pinalitan ito, I was really cresfallen that day. Para kasing lahat nawawala na sakin. At isa na dun ang posisyon ko. Mukha man akong irresponsible o parang walang pakialam sa school. Ay pinapahalagahan ko parin ito. Ang mensahe ko lang sa susunod na president, sana wag mong pababayaan ang school na ito" Everyone gave me a round of applause habang bumaba ako sa stage
I needed air to breath kaya umalis ako sa hall at pumuna sa labas. Dun ko nilabas ang lahat ng emotion kong kanina ko pa pinipigilan
"You don't need to be here" sabi ko sakanya habang pinupunasan ang aking mga mata ngunit wala ring silbi iyon dahil walang tigil ang pag-agos ng aking luha
"I want to"
"Nandito ka ba dahil naguilty ka? You don't need to be sorry. Hindi ko na mababago ang impression mo sakin. Kung yun ang pinapaniwalaan mo sakin, then be it. Wala na akong pakialam. Nasaktan na ako, at hanggang ngayon ay nasasaktan parin ako"
Tinakip ko ang aking mukha gami ang dalawang palad ko at humagulgol. He pulled me for a hug at hinimas ang aking buhok
"I'm sorry. I'm sorry. I'm sorry" paulit-ulit na sabi Harisse
Marahan akong umiling "Diba sabi ko hindi mo na kailangang mag sorry? Kasi hindi niyon mapapawi ang sakit" hindi siya nagsalita ngunit nakayakap parin kami sa isa't-isa
Kumalas ako ng makita na may lalaking nakatingin samin. Hindi ko na pinansin at hinabol iyong lalaki
"Wait!" sigaw ko humarap siya sakin at tinaasan ako ng isang kilay
"May probelama ba, miss?"
"Bakit ka nakatingin samin? Are you a Royal Academy student?"
Kumunot ang kanyang noo "Masama bang tumingin sa inyo? And I'm not a student of that filthy school. I'm a student at Harper Academy"
I snickered "Then what the hell are you doing here?! Alam mo bang party ito ng mga Royal Academy students? Are you a gate crasher? Or a waiter here?"
"Excuse me? Do I look like fcking one of those? I'm neither of the two. And I'm aware that this party is to the students of Royal Academy students"
"What's your name?" tanong ko at nakataas ang isang kilay
Ngumiwi siya at parang nag-iisip pa kung sasabihin niya ba
"I'm Chase. Lincoln Chase Slater"

BINABASA MO ANG
She's One Of A Kind
Teen FictionIsang love hater na kulang nalang isumpa ang mga couples sa buong mundo. Malungkot ang nakaraan niya kaya siya naging ganyan. But, will she find her happiness sa isang lalaki na mahal na mahal talaga siya? Will she find a man that will accept her ka...