Nandito na ako sa room, nag aantay sa bagong teacher namin. Bored na nga ako eh pero yung mga classmates ko? Ayun. Ang mga girls flirt mode on habang ang mga lalaki ay tanong ng tanong kung anong sekreto ni Harisse at bakit biglang pumogi nakakairita na nga eh kasi ako lang yata ang naiinip dito
"Uy Mich loner ka yata ngayon?" pang-aasar nang isa kung classmate na babae na agad ko namang tinapunan ng wag-mo-kung-pakialaman-look at agad naman siyang nag sorry
Pero natigil ang paglalandi nila nang may pumasok sa room. Bakla?! Bakla ang magiging prof namin?!
" Hello world" magiliw niyang bati na para bang nasa isang pageant "I'm your new teacher here and ooh la la. Ang dami palang hottie dito?! Ehem. Hi boys my name is Ms.Lian I'm single" aniya sabay wink. Talandi
binalingan naman niya kaming mga babae at ngumiwi "At kayo you can call me Mr.Leon. Sa klase kong ito isa lang ang hindi ko gusto. At iyon ay ang mga malalandi. Naiintindihan niyo?!" sabi ni sir bakla. So bawal kaming maglandi at siya lang ang pwede? Nasaan ang hustisya nun?
"Ay may nakalimutan ako may bago pala kayong classmate dito. Haler pumasok ka na nga. Itong babaitang ito gusto pa magpa mention eh!" ani sir at may babaeng pumasok sa loob . Pagkakita ko palang sa pagmumukha niya ay napairap na ako
"Hey guys. I'm Kianna Cassandra Hershey Meyer" pacute niyang sabi. Di naman cute!
"Ok pumili ka na ng mauupuan mo" ani sir bakla at pagkasabi niya nun ay agad namang kumulo ang dugo ko kasi doon pa talaga siya tumabi kay Harisse. Malandi ang king ina!
"Blah....blah...blah....blah....blah..." paglelecture ni sir bakla pero hindi ako nakikinig naglalaro lang ako sa ballpen ko-- K fine. Nakatingin ako kina Kia at Harisse na nagbubulungan, si Kianna lang pala ang bumubulong nito dahil nakatuon ang atensyon ni Harisse kay sir. Pero ang mas nakakaasar lang ay nakangiti si Harisse
"Ms.Faust? Haler? Mamamatay tao ka ba? Ang sama mo makatingin ah!" mataray na sabi ni sir Bakla. Di ko man lang napansin na tinatawag na niya pala ako
"Oh?" tanong ko habang nakataas ang isang kilay
"Could you please answer the board?"
"Bakit ko naman sasagutin? Eh sa pagkakaalam ko kasi, hindi nagsasalita ang pisara" taas kilay kong pagtataray sakanya. Ayaw niya pala ng malalandi pero hindi man lang siya makasita sa bagong studyante na ito
"Sasagutin mo o bibigyan kita ng zero sa performance mo? Your choice"
"Fine" padabog akong tumayo at kinuha ang marker . Hindi ko pala nasabi sainyo na kahit hindi ako nakikinig ay alam ko parin ang sagot, matalino eh
5x(x-y)
Nagsimula na akong mag solve
"My answer is 5x²-5xy"
"Correct!"
*kriiiiiing kriiiiing*
Yeah! Recess na yipeeee aalis na sana ako sa room ng
"May utak ka pala" sabi ni Kia pero hindi ko na siya pinansin
"Snob!" sigaw pa niya
hinarap ako sakanya at humalukipkip "FYI, hindi ako snob hindi lang talaga ako sanay makipag plastican sa katulad mong plastic. And i stay away from fake people like you" akmang sasabunutan na niya ako ng pumagitna si Harisse at inawat kami ay hindi pala kami kasi siya lang. Siya lang yung hinawakan kasi tinulak pala niya ako
"Tumigil ka nga Amethyst. Alam naming maldita ka pero pwede ba kahit sandali lang maging mabait ka naman" madiin niyang sabi na para bang pinipigilan lang ang kanyang galit. Teka ako sasabunutan pero siya pa linigtas? Edi wow
Tumawa ako ng pagak at saka matalim silang tinignan at umalis. Bakit ba kinakampihan niya yung haliparot na iyon? Di ba dapat ako kampihan niya dahil ilang months na kaming magkaklase? Samantalang yung babaeng yun ay ngayon palang niya nakilala. Hindi nga niya alam kung anong tunay na pagkatao nun eh!
Matagal ko na kasing kilala si Kia at dati na talaga yang flirt, magbestfriends nga kami niyan eh kaso pinagtaksilan niya ako. Kasi noon may crush, oo may crush ako, duhh hindi naman ako katulad mong abnormal.
Tuwang tuwa ako noon kasi ang crush ko ay may crush rin pala sakin at paano ko nalaman iyon? Sa aking magaling na bestfriend. Siya pa nga tumutulong sa first date namin eh at sa pag-amin rin niya at lalong lalo na kung mag aaway kami. Si Kia talaga ang mag aayos samin
Pero monthsary na sana namin ng nakita ko si Kia at ang bf ko, parang may mahalaga silang pinag uusapan kaya hindi na muna ako lumapit. Pero nanlaki ang mga mata ko ng hinalikan ni Kia ang bf ko. So ayun si Kia nagka amnesia ng dahil sakin. But may worst pa dito. Nung nawalan na ng malay si Kia ay tinadyakan ko muna at sinamapal ang bf ko at tumakbo ako sa kalye. At mabuti nalang dahil hindi ako tanga na kahit may papunta nang sasakyan sakin ay tutunganga lang ako. Agad akong tumakbo sa kabilang side pero ang aking tangang bf ay sumunod rin pala kaya ayun, siya ang namatay pero mabuti nalang at hindi ako ang sinisisi ng mga magulang niya kundi si Kia. Kawawa nga si Kia eh, kasi pagmulat niya palang sa hospital ay sampal agad ang bumungad sakanya. At sinabi pa talaga niyang "sino ka?" Kaya ayun na double sa left and right
Pero natigil ang pagfaflashback ko ng may kamay na pumatong sa balikat ko. Paglingon ko ay napahugot ako ng malalim na hininga. Si Harisse lang pala, akala ko minumulto na ako ng boyfriend ko
Tinaasan ko siya ng kilay. Tsss kala niya ah! "What the hell are you doing here?"
"Sorry" aniya at nag-iwas ng tingin. Di naman sincere eh!
"Whatever" umupo pa siya sa tabi ko na dahilan ng pagkunot ng aking noo "Ano bang ginagawa mo dito, ha?!" nasa likod kasi ako ng building namin. Minsan lang may mga napapadaang studyante dito dahil bukod sa tago ito ay may mga sabi-sabing may multo daw dito. At ako lang ang madalas tumatambay dito. Di naman kasi totoo yang mga ganyan eh
"Kasi gusto kong mag sorry"
"Pwede ka nang umalis"
"Huh? At bakit naman?"
"Nagsorry ka na diba? Diba yun lang naman ang pinunta mo dito? Kaya maaari ka ng makakaalis" nag-iwas ako ng tingin at tinuon ang atensyon sa pusang tumatae, wala naman kasing magandang tignan dito, bukod sa mga puno at halaman
"May sasabihin pa kasi akong importante eh"
"Ano? At dalian mo ha?!"
Harisse's POV
Eto na sasabihin ko na sakanya ang nararamdaman ko. Hooh, inhale exhale. Kalma Harisse!
"Maha---" naputol ang aking dapat sasabihin ng hablutin ako ni Kianna. Bastos ang babaeng ito ah! Di ba to tinuruan ng good manner and right conduct?
"Mind if i borrow him?" tanong niya kay Mich. Pagtingin ko naman kay Mich ay umirap lang siya
"Why do you need my permission?" tanong pabalik ni Mich
"Kasi baka magselos ka eh" hinaplos pa ni Kianna ang aking pisnge kaya agad kong tinapik ang kanyang kamay
"At bakit naman ako magseselos? Eh hindi ko naman iyan boyfriend" sa sinabi niyang iyon ay parang sinagasaan ng paulit-ulit ang aking puso ng isang 10 wheeler truck
"So pwede pa pala kami?!" masiglang tanong ni Kianna at tumatalon pa dahil sa tuwa
Tss. You wish!
"I'm sorry, but I'm not into serious relationships" mariin kong sabi at pilit na inilalayo siya
"Ouch! Honey that hurts. But i know kakainin mo rin iyan kasi mahuhulog ka rin sakin" aniya at tumawa pa na parang bruhilda. Hindi pala parang dahil isa naman talaga siyang bruhilda
BINABASA MO ANG
She's One Of A Kind
Teen FictionIsang love hater na kulang nalang isumpa ang mga couples sa buong mundo. Malungkot ang nakaraan niya kaya siya naging ganyan. But, will she find her happiness sa isang lalaki na mahal na mahal talaga siya? Will she find a man that will accept her ka...