Nagising ako sa sinag ng araw at sa mga ibon na umaawit ng napakaganda. Syempre joke lang iyon. Dahil nagising ako dahil sa bunganga ng nanay ko
"Michelle! Male-late ka na naman!"
kaya wala na akong nagawa kundi ang mag-ayos na
"Hi ate!"bati nung batang paslit na bibong kumakain sa hapag
"Ano nga pala pangalan mo?"
"Blake po" kunot-noong napatingin ako sakanya. Mayaman yata to eh!
"Infairness parang hindi pang mahirap ang pangalan mo"
"Tatay ko po kasi pumili eh" aniya at kumagat nang chicken joy
"Well good for you kasi nakita mo tatay mo" unlike me
"Pero natigok po siya nung 7 yrs. old ako" Grabe pwede naman namatay diba? Tigok talaga? Ibang klase din tong batang to eh
"Sad"
"Ok lang po iyon" sabi niya at kumain na naman habang napapangiti pang tinignan ang manok
Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako at umalis. Pagkaapak ko palang sa gate ay naroon na ang kinaiinisan kong grupo ng mga babaeng malalandi
"Oh narito na pala siya" sabi nung leader nila kuno, na si June "Hi bitch" di naman maganda. Hampaslupa. Yan ang gusto kong tawag sakanya dahil mukha siyang hinampas sa lupa
tinaasan ko siya ng kilay. May maipagmamayabang ako dahil kilay goals ako araw-araw "Thank you"
"Thank you?"
"Kasi bitch is a dog, and dog barks, bark is a part of a tree, and tree is a part of nature and nature is beautiful. Kaya thank you. Hindi mo ba nagets? Do you want me to translate it to stupid language?"
She rolled her eyes "Ang kapal mo naman pala talaga"
"Excuse me ugly will never starts with I it always starts with U"
"At saan mo naman nakuha yan? Google?" tumawa pa siya kasabay nung mga alagad niya
"I made that line. Hindi ako gumagamit ng google. That's just so cheap" umakto pa akong nandidiri
"Akala mo siguro maganda ka"
"Aba kumpara sayo oo"tinalikuran ko na siya and walked as if I'm a model
Nang madaanan ko ang room na abadunado ay may narinig akong ingay kaya pumasok ako roon. Since lage naman akong nasasangkot sa gulo, susulitin ko na
"Bro bugbugin mo na iyan wala naman iyang kwenta eh!" dinig kong sigaw ng isang lalaki
"Mas wala kang kwenta and let him go" napalingon sila sakin
"At sino ka naman? Ha?!" tanong nung isang lalaki. Malaki ang kanyang pangangatawan at parang nag-g-gym
"At bakit ko naman sasabihin ang pangalan ko?" tumawa ng pagak yung isang lalaki na maraming tattoo at may sigarilyo pa. Sino ang nagpapasok ng mga ganyan sa school na ito?
"Shit guys. Alam niyo ba kung sino ang may badge na ganyan?" ani nung isa pa nilang kasamahan na may tattoo rin
Agad naman silang nagkatinginan sa isa't-isa matapos tignan ang badge kong nasa kaliwang dibdib
"Mich. Ikaw pala yan. Pasensya na at di ka namin nakilala agad. Ikaw naman eh! Sana man lang nagpakilala ka diba? Hehehe" may badge kasi akong logo ng school na ito. At ako lang dapat ang meron nito. Except for the teachers and faculty members, at ang mismong owner ng school na ang mama ko
BINABASA MO ANG
She's One Of A Kind
Teen FictionIsang love hater na kulang nalang isumpa ang mga couples sa buong mundo. Malungkot ang nakaraan niya kaya siya naging ganyan. But, will she find her happiness sa isang lalaki na mahal na mahal talaga siya? Will she find a man that will accept her ka...