Mich's POV
Pagkagising ko ay nakapagtataka lang dahil may nakapaskil na ngiti sa aking mga labi
*knock knock* *knock knock*
Binuksan ko ang pinto ng may ngiti parin
Pagkakita ko sa dugyot na mukha ni yaya tanda ay binigyan ko rin siya ng isang malapad na ngiti "Hi yaya tanda" bati ko pero linakihan niya lang ako ng mata
"Ya, wag mong palakihin yang mata niyo dahil baka mas lalo pa kayong pumangit" ngunit imbes na tumigil ay mas lalo lang nanlaki ang kanyang mga mata
"Ah bahala ka nga" iniwan ko na siya dun at may ngiting bumaba sa staircase namin
Pagkababa ko ay nadatnan ko si kalbo na parang kakatapos lamang sa pandidilig ng halaman
"Hi kalbo" bati ko rin sakanya ng may ngiti
Pero katulad ni yaya tanda, nanlaki lang ang kanyang mga mata
"Eh? Anyare ba sa mga tao dito. May paligsahan ba kung sino ang may pinakamalaking mata?" pabulong kong tanong
Pero dahil naka uniform na pala ako dumiretso na ako sa garage at nagpahatid sa aking driver papuntang school, pero habang papunta kami sa school ay nakangiti parin ako pero ito namang driver ko ayun nanlaki lang din ang mata. Seriously what the fuck is wrong with them?!
Nakarating na ako sa school ay ganun parin. Hindi parin nawawala ang aking mga ngiti
"Hi miss " bati ng isang lalaki sabay wink at may hawak pa siyang rose pero agad naman siyang binatukan ng kasama niya at may kasama pa itong bulong
"Ahhh hehe sorry ahhh eto pala may nagpapabigay"
At dahil nga good mood. Hindi siya nakatikim sa katarayan ko. Kinuha ko ang rosas at inamoy iyon. Napapikit pa ako dahil sa magandang amoy nito
"Thanks"
Nagpatuloy ako sa paglalakad ng hinarangan ako ni Harisse
"Hey, pwede ba tayong magkita sa likod ng building mamaya?" tanong niya kaya tumango ako bilang tugon
Nauna na akong naglakad at nakita ko pa siya sa aking peripheral vision na ngumiti. I don't know pero gusto kung makita siyang nakangiti palagi. Nakakagood vibes eh
____________
Uwian na pero dumiretso agad ako sa likod ng building gaya ng sabi niya
Pero pagkapunta ko doon ay wala namang tao. Linoloko lang yata ako ng ulol na iyon eh. Pasalamat siya gwapo siya. Wait. What?! Pero gwapo rin naman siya pero wag niyo nang gawan ng malisya hanggang doon lang talaga iyon
"Sorry if i've waited you" hinihingal pa niyang sabi
"Ok lang. Ano nga ba iyong sasabihin mo?"
Nabigla ako ng hawakan niya ang aking kamay " I just want to confess my feelings for you" pabitin niyang sabi
Teka. Feelings?! Hatred ba? Friendship? O baka naman-- Imposible!
"Hoy dami pang pasikot sikot eh. Sabihin mo na"
"wo--- "naputol yung sasabihin niya kasi nandito yung gardener sa school at pinuputol yung grass pero hindi yung grass cutter, maingay kasi eto eh!
"Fudge" narinig kung sabi niya "Can we go to a place where its quite and nothing can disturb us?" he asked kaya tumango naman ako at agad niya akong hinila papunta sa sasakyan niya. Wow. Ang ganda ng sports car niya
Tahimik kami habang nasa biyahe. Malapit pa akong makatulog, mabuti nalang at nandito na kami
Nilibot ko ang aking paningin habang pinagmamasdan ang kulay asul na karagatan
"Love it?" tanong niya
"Maganda naman" pero sa totoo gusto ko na talaga maligo. Hindi pa kasi ako nakakaligo ng beach eh, swimming pool kasi palagi
"First time mo?" tanong niya. Nahihiya man ay tumango nalang ako
"Sabi kasi ni mommy iitim lang yung balat ko tsaka may swimming pool naman raw kami sa bahay eh, kaya no need na raw akung pumunta dito"
"Gusto mo bang maligo? I can buy extra clothes if you really want" pagkasabi niya nun ay walang sabi-sabing hinila ko siya, magkaholding hands kami ngayon papunta sa dagat
Hindi ko maipaliwanag kong ano itong nararamdaman ko. Ang alam ko lang it feels good. Parang yung feeling na hindi mo gustong matapos ang isang bagay at gusto mo na sana ganito nalang forever, kahit wala namang forever
Harisse's POV
God I love her smile, her sweet smile. Sana araw-araw nalang kaming ganito. Sana ako nalang palagi ang dahilan kung bakit siya nakangiti ng ganito katamis ngayon
"Hey asan ako magbibihis?" tanong niya habang buhat-buhat ang isang paper bag na kabibili ko lang kanina
"Tapos ka na?"
"Oo eh. Baka kasi magtaka si mommy kung bakit ako nangingitim" paliwanag niya. Tumango ako and escorted her way to the CR
Ilang minuto akong naghintay hanggang sa lumabas siya suot-suot ang binili kong floral dress
"You look good" I said. Hindi nakatakas sa aking mga mata ang pamumula niya
"Nambola ka pa"
"Totoo kaya. Kain na nga tayo"
"Ok. But in one condition" aniya. Ano na naman bang trip neto?
Nilagay ko ang aking dalawang kamay sa bulsa ng aking pantalon "Ano naman iyon?"
"I want you to promise me that we'll go back here again" aniya at yumuko "And sana that will be our first date"
Nanlaki ang aking mata sa sinabi niya. Anong kaluluwa ang sumanib dito? Hindi ako makapaniwala.
Kunot noo siyang tumingin sakin "I'm sorry. I know you don't have feelings---"
"I do. I have" putol ko sa sasabihin niya
Siya naman ngayon ang natameme. Awkward. Hinawakan niya ang aking kamay at ngumiti
"Kain na tayo" A curve formed on my lips as I nodded as a response. Magkahawak kamay kaming pumunta sa isang restaurant
Kahit one sided love lang ito. I'm still happy. Masaya na ako na nakahawak ao sa kanyang kamay ng hindi tinatarayan. Though, I would be much more happier kung the feeling is mutual. But for now, dapat kontento na ako sa kung ano man ang meron kami ngayon...
BINABASA MO ANG
She's One Of A Kind
Roman pour AdolescentsIsang love hater na kulang nalang isumpa ang mga couples sa buong mundo. Malungkot ang nakaraan niya kaya siya naging ganyan. But, will she find her happiness sa isang lalaki na mahal na mahal talaga siya? Will she find a man that will accept her ka...