Benok's POV
" Oh? Benok, nadalaw ka? " salubong sa akin ni Ate Rocha. Gusto ko kasing makita si Joey, nag-aalala na rin kasi ako. Ni hindi man lang niya sinasagot ang mga tawag at text ko. Nangyari yun simula nung makipag kita siya kay Emar. Mga dalawang araw narin ang nakakalipas nun.
Malilintikan talaga sa akin yung Emar na yun kapag may nangyari kay Joey.
" Ahh, ano.. Uhmm. Anjan ba si Joey? " Siguro, may sakit lang siya kaya hindi muna siya nagpapakita.
" Huh? E sabi niya, mamamasyal sila ng mga katrabaho nya sa radyo, hindi naman niya sinabi kung saan. Basta raw mga 5 days sila doon. " napahawak siya sa baba niya, " Nakapagtataka naman, hindi mo alam? "
Tumango ako, " W-wala naman siyang nasabi sa akin tungkol doon. Netong mga nakaraang araw nga hindi siya nakikipagkita o cimmunicate sa akin. Aka ko' m-may lagnat siya. "
" Nako, pasensya kana sa kapatid ko ha? Pero kung gusto mo naman siyang puntahan, makamang, alam ni Nikkol bakla kung asan sila. Contact-in mo nalang. " nakangiti niyang sabi. Nagpaalam na rin ako at bumalik ng bahay. Kinuha ang phone at dinial ang number ni Nikkol.
" Hell----"
" Asan kayo? " putol ko agad sakanya.
" Kami? Sinong kami? Nasa bahay ako fafa bens. "
Napahigpit ang hawak ko sa cellphone, " Hi-hindi mo kasama si Joey? "
Napabuntong hininga ito, " Ewan ko ba sa babaeng yun, kahapon hindi siya pumasok, tapos pag kinokontak ko, hindi sumasagot. Soooo, pano ko siya makakasam----- "
Pinutol ko na agad ang tawag ng marining ko na lahat, madali kong kinuha ang susi ng kotse ko at lumabas na ng bahay. Balak kong hanapin si Joey.
" Gago kang Emar ka, pag nalaman ko lang na may kinalaman ka sa pagkawala ni Joey, mapapatay kita. "
***
Joey's POV
" B-bakit a-andiyo tayo E-emar? " tanong ko sakanya habang hinihila niya pa ko papasok.
Nang gabing makipagkita ako sakanya, noong gabing nagkaroon kami ng kasunduan na babalik ako sakanya basta sabihin niya ang nakaraan ko. Oo, pumayag ako. Ayoko ng mabagabag ng mga napapaginipan ko. Gusto kong malaman lahat ng tungkol doon. Noong sinabi ni Emar na alam niya ang nakaraan ko, parang biglang nagkaroon ako ng pag asang alamin iyon at gawing parte ng buhay ko.
Nagkaroon ako ng pag asa para mabuong muli.
Pero, dahil sa kagustuhan ko na yun. Napapayag ako ni Emar na sumama sakanya at tumira sa bahay niya dito sa Bulacan. Oo, tama kayo ng pagkakabasa, nagsasalo kami sa bahay niya. Pero hindi ibig sabihin noon na pumayag akong magkaroon ulit kami ng relasyon, na may mangyari sa amin. Hindi, hindi ko kaya. May iba ng taong nagpapatibok sa puso ko, at yun ay si Benok.
'Layuan mo na siya, Joey. '
Sabi saakin noon ni Emar ng tangka kong sagutin ang tawag nito. Isa rin sa mg kundisyon ni Emar ay layuan ko Benok. Haay. Matatawag niyo ba kong selfish kung ipagpapalit ko ang nakaraan ko sa taong nagmamahal sa akin?
Naputol ang pag iisip ko ng magsalita si Emar.
" Dito ka nagta-trabaho. "
Napabitaw ako ng hawak sakanya at napatigil sa paglalakad, " A-anong si-sinabi m-mo? " nagsimula na ring manlabo ang paningin ko dahil sa mga luhang handa ng bumagsak ng anumang oras.
" Tama Joey, dito ka nagta-trabaho noong hindi kapa naaaksidente. "
Doon na bumagsak ang luha ko, kung ganoon....
I-isa kong ma-maduming babae?
Isang ma-maduming babaeng nagtatrabaho sa bar na ito?
***
Benok's Pov
" Hello? Is this Jessie? Jessie Reyes? " tanong ko ng sagutin na ng kabilang linya ang tawag ko. Si Jessie, siya yung nabuntis ni Emar. Pinuntahan ko kasi kung saan nagts-trabaho si Emar, at hindi nga ako nagkamaling wala siya doon. Ibinigay sa akin ng katrabaho niya ang contact number niya at ni Jessie. Pero hindi niya sinasagot tawag ko, kaya kay Jessie nalang ako nagbakasakali. Put*nginang yun! Mapapatay ko talaga yung hayop na yun!
"Opo. Sino to? "
" Alam mo ba kung nasaan ang hayop mong asawa? "
Binaba ko na ang tawag ng makausap ko si Jessie. Napag alaman kong matagal ng hindi nagpapakita sakanila si Emar. Naiyak pa nga ito, dahil hindi niya alam kung saan siya kukuha ng ipambubuhay sa anak nila. Kung hindi ba talaga gag* yun! Nambuntis tapos aaktong binata parin na lalandi nalang kapag gusto?!
***
MKB's note: Gusto niyo ba ng pov ni Emar? Hahahahaha! Alam ko pong mga nag uusukan na ang ulo niyo dahil kay Emar. :D See you next chap! :*
BINABASA MO ANG
Para Sa Akin [editing]
RomanceSi Joey ay isang babaeng DJ sa radio, masaya siya sa buhay niya. Masaya siya sa pamilya niya. May taong nagmamahal sakanya ng buo. Pwedeng nasa kanya na lahat. Pero sa kabila ng lahat ng iyon, hindi niya maalala lahat ng nangyari sa nakaraan niya at...