Joey's POV
" Saan ba tayo pupunta? " Tanong ko kay Emar. Oo, magkasama na kami. Nasundo na niya ako at ngayo'y nakasakay na sa kotse niya. Kasi nga diba, may sasabihin daw siya sa akin. Importante raw kaya pumayag na ko. Ako rin naman may sasabihin sakanya.
Lumingon siya sa akin at ngumiti, " Basta. Akong bahala sa'yo. " Nagconcentrate na ulit siya sa pagda-drive.
Doon nga ako kinakabahan e, siya yung bahala sa akin. Paano kung saan ako dalhin nito? Paano kung anong gawin sa akin nito? Nako! Lagot siya kay Benok! Bwahahahaha! Chos! Maka-arte, parang kami na e 'no?
Speaking of Benok, alam niyo ba kanina ayaw niya kong paalisin at pasamahin kay Emar? Sobrang jelly daw siya. Hahahaha! Ang cute niya lang, ang hirap niyang iwan. Lalo na nung hinatid niya ko sa bahay, ayaw niya kong palabasin ng kotse niya. Haay nako. Ang kulit niya talaga.
Pero kung itatanong niyo kung may nararamdaman pa ako kay Emar, wala na siguro. Masaya na ko ngayon, masaya na ako kay Benok. :)
Tumahimik nalang ako at hinintay na huminto ang kotse. May tiwala pa rin naman ako kay Emar, alam kong mabait siyang tao.
" We're here! " Deklara niya, kagad naman siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto.
Napatingin ako sa paligid. " A-andito tayo sa----" Inalalayan niya kong bumaba.
Ngumiti siya at tumango, " Oo, andito tayo sa lugar kung saan mo ko sinagot. " Hinawakan niya ang kamay ko saka nag umpisa ng maglakad. " Tara. "
Oo, andito kami sa lugar kung saan kami nag umpisa. Ang lugar na ayoko na ring balikan, kasi 'twing napupunta ko dito, naaalala ko lang yung happy memories namin ni Emar, at lalo na yung mga panahong halos mabaliw na ko dahil iniwan niya ko ng walang pasabi man lang.
" T-teka? Aakyat tayo? " Tanong ko sakanya bago niya ihakbang ang isa niyang paa sa hagdan.
Tumango siya, hindi parin nawawala yung ngiti niya sa mga labi. " Namiss ko 'to. " Nagsimula na siyang umakyat kaya napagaya na rin ako.
Maganda ang lugar na 'to. Pagkababang pagkababa mo ng kotse, maliit na sobrang berdeng grass ang sasalubong sa'yo. Maraming maliliit na bato rin ang maaapakan mo. Pero ang pinakapinupuntahan dito ay yung pinakatuktok. Kailangan mo pang pumanik ng sobrang taas bago ka makapunta doon. Pero wag ka, pagnarating mo naman ang tuktok, grabe lang ang view! Ang ganda! Nakakarelax!
Nakahawak lang siya sa kamay ko habang umaakyat kami. Tinignan ko siya, nakangiti siya. Totoong ngiti. Napabaling ang tingin ko sa iba ng bigla siyang tumingin sa akin. " Naaalala mo ba yung unang beses na pumunta tayo dito? "
Tumango nalang ako at ngumiti, " Yun yung panahong pasan pasan kita habang umaakyat dito. Pinilit mo kasi akong itakas ka sa ospital non. " Natawa siya ng mahina.
Medyo nahiya ako, naalala ko. Galing lang kasi ako sa aksidente non at nagpapagaling sa ospital nang kulitin ko siyang ilabas ako para makalanghap ng sariwang hangin. Siya ang personal nurse ko noon kaya naging malapit at komportable kami sa isa't isa. Hindi ko naman kasi alam na dito niya ko dadalhin non. Kaya no choice siya kundi pasanin ako. Bwahahaha!
" Nakakatuwa ka nga noon, pagdating na pagdating natin sa tuktok, para kang bata at hindi galing sa aksidente kung magtatatalon. " First time ko lang kasing pumunta dito noon, hindi ko rin naman akalaing may ganitong lugar sa Manila. " Pero alam mo ba? Habang pinapanood kita non pakiramdam ko... "
" ... Nawala lahat ng hirap at pagod ko sa pagpasan sa'yo 'nong tumawa ka. Sobrang priceless. "
Napayuko ako at bahagyang napa-iling. Hindi, hindi pwede, hindi pwedeng kumabog na naman ang dibdib ko. Ayoko. Hindi ako dapat magpadala.
BINABASA MO ANG
Para Sa Akin [editing]
RomanceSi Joey ay isang babaeng DJ sa radio, masaya siya sa buhay niya. Masaya siya sa pamilya niya. May taong nagmamahal sakanya ng buo. Pwedeng nasa kanya na lahat. Pero sa kabila ng lahat ng iyon, hindi niya maalala lahat ng nangyari sa nakaraan niya at...