Chapter 9 [ Renoah p.1 ]

863 23 5
                                    

Jo's POV

"OMG! Sister! Is that true? Close na kayo ni Papa CK? As in?!" OA, as in super OA na reaksyon ni Nikkol nang ikwento ko sakanya 'yung pag-uusap namin ni Benok noong isang araw. Noong una hindi niya kilala ang sinasabi ko kasi CK pala ang pakilala sakanya ni Benok pero noong dinescribe ko na si Benok sakanya, bigla ba namang tumawa. Ang baho raw kasi ng pangalan niya, di raw bagay sa pogi nitong mukha. Well, medyo agree naman ang lola niyo. Pero kasi cute rin naman pakinggan, diba? 

At oo nga pala, bumalik na ko sa trabaho ko. Napag-isipan ko rin na dapat hindi na ako magpa-apekto doon sa caller na nakausap ko last time. Kailangan kong magtrabaho. Kailangan kong maglibang. Kailangan kong maglibang para makalimot, makalimutan si Emar.

"Hindi naman kami masyadong close, parang naging magkaibigan lang kami. Nagkausap saglit. Ganoon." Habang naglalagay ako ng kaunting lipgloss. Minsan kasi may mga bumibisita dito sa station kaya kailangan naka-ayos parin kami ni Niks. Baka sabihin ng mga supporters ko, maganda lang ang boses ko. 

"Landi!" Iniripan niya ako saka naupo sa pwesto niya. "E Anong pinag-usapan niyo, aber?!"

Natawa ako bigla dahil sa naalala ko, kumunot naman ang noo nitong beki na kausap ko na parang tinatanong kung anong ispirito ang sumanib sa akin dahil tumatawa ako mag-isa, "Alam mo, ang weird din 'nung Benok na 'yun e. Bigla ba namang natahimik at nabato 'nung nag-uusap kami." Tumawa ulit ako. Ewan ko ba, ang weird niya talaga! Tapos 'nong inihatid niya ako papalabas ng gate, di sadyang nahawakan ko yung kamay niya. Grabe lang! Akala ko bangkay na 'yung nahawakan ko sa sobrang lamig talaga! 'Nong tinignan ko naman ang mukha niya  para bang sobrang tense.

"E Bakit? Ano bang pinag-uusapan niyo nun?" Nagsimula nang isukbit ni Nikkol ang headphones niya sa leeg. Five  minutes nalang kasi ay mag-start na ang programa namin. I really missed this! Sana nga lang wala ng ganoong caller, nakaka-trauma rin kasi. 

Umupo na ako sa upuan ko at nagready na rin sa nalalapit na pagbubukas ng programa namin. Napaisip ako kung ano nga ba ang pina-uusapan namin noon ni Benok. "Hmmm.. Nabanggit ko lang naman yung rude caller na tumawag dito last time."

Nasamid si Nikkol,  "Kaloka! Huwaaat?!" 

Napakunot naman ako ng noo. "Bakit? E kasi, tinanong niya kasi kung mataas daw ba ang pride ko? Mahirap daw ba kong magpatawad? Sabi ko, depende sa kasalanan. Saka diba madali naman ako mapatawad talaga? Kasi nga kung ang Diyos nagpapatawad, ako kaya na diyosa este tao lang?" Nginitian ko ang kaibigan ko. Medyo totoo naman ang sinabi ko. Siguro di kaagad agad na mapapatawad ko 'yung caller pero time will come na wala na sa akin 'yon kasi ng makakalimutan ko na rin naman si Eman.

Tumango tango lang siya, "Tapos?"

"Tumango siya kaso may hinabol ako. Sabi ko, siguro doon sa lalaking caller na 'yun, babalatan ko muna siya ng buhay bago ko siya mapatawad." Nagflash na naman sa isip ko ang mukha niya nang mabanggit ko 'yun. Natawa na naman ako, gwapo pa rin naman kaso parang ang gara. Kung ganoon siguro ang itsura ko, taeng tae na ako. 

Para Sa Akin [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon