Chapter 17

692 16 7
                                    

MKB's note: Sorry na kung matagal ang UD tas medyo bitin pa siya. Bwahahaha! Pero promise, bukas mag U-UD ulit ako. Sorry kung ngayon lang, ngayon lang kasi kami nagsembreak. Official sembreak na namin. Bwahahaha! Kaya baka araw-araw may UD kung maganda ang feedbacks from my super amazing readers. :) So ayun, Enjoy! :>

 PS: Dedicated nga pala 'to sa super adorable kong reader na si mrRendi :) Wala. Sobra niya kong napasaya nung isang araw. <3 

- MKB. <3

----------------------------

BENOK's POV

" Ang gag* mo kasi pinsan! Bat kasi nagsikreto kapa? " Reklamo ni Mer, pinsan ko. Nagkwento kasi ako sakanya, sa lahat ng nangyari sa amin ni Joey. Nag-iinuman kami ngayon.

" E pinsan, balak ko naman talagang sabihin sakanya yun. Pero laging nawawala sa tyempo. " Ininom ko ng straight yung isang mug ng beer. Alam niyo ba? Habang sinusundan ko si Joey kahapon, napag-alaman kong nakipag kita siya sa put*nginang Emar na yun sa isang resto. Oo! Mamatay matay na ko sa selos! Pero anong magagawa ko diba? Baka mapahiya lang ako kapag sumabat pa ko sa eksena nila. Sus! -,-

Nagsmirk si Mer, " G*go! Nagtiwala sa'yo yung tao. Anong tyempo ang sinasabi mo jan? Baka sabihin mo, nagdadalawang isip ka pa talaga kung sasabihin mo sakanyang ikaw yung mean caller last time. Sira ulong 'to! Tapos ang hina mo pa, hindi mo pa magawang mag-explain sakanya e, namisunderstood lang naman niya yung narinig niyang conversation niyo nung sinasabi mong bakla niyang kaibigan. " Psh! Kung alam lang nitong ugok kong pinsan kung ilang beses ko ng sinubukang mag-explain kay Joey, nako! Anong magagawa ko? E sa ayaw nga akong makita ni Joey e. ----,----

" Ayaw mo namang magmura 'no? " Napatingin kami sa direksyon ng nagsalita. Si Mae, asawa ni Mer. Nakapamewang siya habang papalapit sa amin. 

Napakamot sa likod ng ulo si Mer. " Sorry bebe ko. " Muntik na raw akong masuka sa tawagan nila. Bebe ko? Kaderder men! Kaderder! Akalain mong ander pala 'tong pinsan kong si Mer sa asawa niya? HAHAHAHA! Pero kung ako man si Mer, magpapaka-under na lang din ako. Ang hirap kapag nagloko kapa kung magkakaroon ka ng asawa katulad ni Mae. Maganda na, sexy pa kahit may anak ng isa. Bwahahahaha!

" Pasalamat ka hindi nagising si Baby Renoah. " Nakayakap si Mer sa bewang ni Mae na parang bata. Nilingon ako ni Mae, " Pasensya kana sa pinsan mo. May tama na e, ngayon nalang kasi 'to nakainom. Alam mo na. Hihihihi. Di ko pinapayagan kapag naaaya. "

Natawa naman ako. Under nga. Hahahahaha! " Okay lang. " Uminom pa ko ng isang shot saka tumayo na. " O pano? May tama na ang asawa mo e, patulugin mo na. Mauuna na ko. " Lumakad na ko papunta sa pinto.

" Woy! Di pa ko lasing sira-ul----- "

" Ang ingay mo sabi. " putol ni Mae. Lumingon muli sa akin si Mae at sinenyasan ako, okay na raw at mauna na ako. So lumabas na ko at sumakay sa kotse ko.

Nakakapag-drive pa naman ako ng maayos. Di naman kasi ako madaling tamaan ng alak. Kumbaga, sanay na sanay na ang simkmura ko sa ganun. Hahahaha!

Habang nagda-drive ako, binuksan ko yung radio.

" DJ Pipay! Patulong naman! " Parang nabuhay naman yung diwa ko. Oo nga pala! Ngayon yung programa ni Joey sa radio. Yung isa sa mga dahilan kung bakit galit siya sa akin ngayon. Haaay!

" Oh? Anong problema? " Sagot naman ni Joey. Napabuntong hininga ako.

I really miss her so much! :(

Para Sa Akin [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon