VOTOCOMMENT po please? :3 Sobrang kaunti lang po yung active readers ko. Nakakawalang gana po.
PS: Dedicated nga pala 'tokay miss jhenluvsU, your wish is my command po. <3 Sana po magustuhan mo 'tong chapter na ito po. ^^
#motivationplease? :3
---------------------------------------------------------------------
Jo's POV
Biglang binitawan ni Emar ang braso ko at halatang di siya makapaniwala sa sinabi ko.
" B-benok? "
I smirked, " Bakit? Akala mo ikaw? " Pinunasan ko ng marahas ang mga luha ko.
Oo, sinadya kong ang pangalan ni Benok ang binanggit ko. Bakit? Ayokong magpakatanga. Ayokong sabihin sakanyang mahal na mahal ko pa rin siya at siya lang hanggang ngayon. Ayokong patulan 'tong kalokohan niya. Kasi ako rin naman ang masasaktan. Sige, sabihin na nating mahal niya pa ko, pero mabubura ba ang bagay na may anak na siya at kailangan niyang pakisamahan si Jessie?
Umiling siya. " Na-nagbibiro ka diba? Diba ako lang ang mahal mo? D-diba hanggang noon at ngayon, ako pa rin ang laman ng puso mo? Na-nagbibiro ka lang Joey, alam ko---- "
" Tumigil ka na nga! " Nataasan ko na siya ng boses habang nakakuyom ang aking palad. " Hindi mo ba ko narinig? Bingi ka ba? Hindi ba sinabi kong si Benok ang mahal ko? "
Akma niyang hahawakan ang kamay ko pero iniwas ko ito, " Pe-pero Joey, alam kong nagsisinungaling ka lang. A-alam kong mahal mo pa rin ako. Kilalang kilala kita Joey. "
" Talaga? " Ngumisi ulit ako. " Pwes, ibahin mo na ang pagkakakilala mo sa akin. Kasi, simula noong iwan mo ko na parang wala lang marami ng nagbago. Nang dahil sa'yo nagbago ako! Nang dahil sa'yo minsan ng nasira ang buhay ko kaya hinding hindi na kita hahayaang sirain pa ulit 'yon. " Tumalikod na ko sakanya at akmang aalis na, nang yakapin niya ko sa likuran.
" I know you're lying. Please Joey, h'wag mong gawin sa akin 'to. Mahal pa kita. Kung gusto mo, magsimula tayo ng paniba---- "
" Hindi. " Dahan dahan kong ibinaba ang mga kamay niya at humarap sakanya. " Please, Emar. Tama na 'to. Tama na 'tong kalokohan mo na 'to. Ayoko na. Ayoko ng masaktan pa ng dahil sa'yo. Ayokong masira ang buhay ng anak mo ng dahil sa akin. Ma-mahal ko si B-benok, masaya na ako sakanya. Kaya pakiusap, tigilan mo na 'to. " Hinapos ko ang mga pisngi niyang may luha, " Tanggapin nalang natin ang katotohanan na hindi tayo nilaan para sa isa't isa. " Ngumiti ako, " Yang nararamdaman mong yan, siguro, akala mo lang yan. Maging responsable kang ama sa anak mo. " Dahan dahan kong binitawan ang kanyang mukha at lumakad na palayo.
Kasabay nito ang pag bitaw sakanya. Ngayon ko lang talaga napagtanto na suntok sa buwan kung sasabihin ko pang mahal ko pa siya. Ano nga bang mangyayari kapag sinabi ko pa ang nararamdaman ko diba? Ayoko namang maging kabit. Nasasanay na rin naman ako ng wala siya. Nakakapag move on na ako. Kaya kung patuloy ko siyang buburahin sa buhay ko, magagawa kong kalimutan na siya.
" Hindi! Hindi Joey! Hindi ako susuko sa'yo! Alam kong mahal mo ko at gagawin ko ang lahat mapasa akin ka lang muli! At saksi ang nanay mo sa gagawin kong 'to. " Narinig ko ang pagkakasigaw ni Emar sa mejo kalayuan na.
Ngumiti nalang ako ng mapait.
Kung sana hindi pa huli ang lahat. Masaya sana ako sa nangyayari.
BINABASA MO ANG
Para Sa Akin [editing]
RomanceSi Joey ay isang babaeng DJ sa radio, masaya siya sa buhay niya. Masaya siya sa pamilya niya. May taong nagmamahal sakanya ng buo. Pwedeng nasa kanya na lahat. Pero sa kabila ng lahat ng iyon, hindi niya maalala lahat ng nangyari sa nakaraan niya at...