Jo's POV
Nandito ako sa kusina, sabi ko kasi kay Benok, bantayan niya muna si Renoah. At ako nalang ang magluluto, tawagin nalang ako kapag kailangan niya ng tulong, pero as of now naman, wala pa naman akong naririnig na iyak galing sa cute na batang iyon.
Alam niyo? Feeling ko, laging umo-oreder 'tong si Benok ng pagkain. E kasi, mahahalata mo dahil punong puno yung ref niya. Yung ibang gulay at prutas nga malapit lapit ng mabulok dahil naka-stock lang talaga. Siguro, malungkot mamuhay mag-isa 'no? Para bang araw-araw pag gising mo, walang babati ng good morning sa'yo. Walang nakahain na almusal sa hapag kainan mo, wala kang kasalo, wala kang makausap. Kaya nga, nag-stay pa ko dito sa bahay niya para man lang makasama siya, lalo na ngayong kailangan niya talaga ng matinding tulong para sa pag-aalaga ng bata.
Nilagay ko na sa tray ang pagkain, kutsara't tinidor, baso at isang pitsel ng juice, balak ko kasing doon nalang kami kumain baka kasi biglang magising ang bata at mahulog nalang sa kama pag nawala ang isa sa amin dun. Mabigat? Oo. E kaya ko naman 'no.
Nagsimula na kong pumanik sa kwarto ni Benok. May mga frames na nakasabit sa wall. Napatigil ako sa isang litrato, may isang babaeng nakangiti habang yakap yakap si Benok na halatang na-aasiwa. Matanda na ito, pero dahil sa pag ngiti niya, para bang may magic at bumabata siya. Tinitigan kong mabuti ang matandang babae. Mommy ba siya ni Benok? Pero, bat hindi niya kamukha? Ahh! Siguro daddy niya ang kamukha niya. Pero, teka?? Bat parang nakita ko na siya. Bat parang na-meet ko na siya before? Hmmmm. Pero parang malabo, kasi sabi nga ni Benok, nasa ibang bansa ang mga magulang niya. Kaya baka kamukha lang ng mommy niya ang nakilala ko.
Nag simula muli akong pumanik, nakakaramdam na kasi ako ng pangangawit. Niligid ko ang mga mata ko sa bawat madaanan ko. Malinis naman ang kabuuan ng bahay niya. Sobrang laki para sa isang tao na nakatira lang dito. Pero... Bat nga ba ako nangingialam? Buhay niya 'to e.
Nang makapasok na ko sa kwarto tumambad sa akin ang bulto ng lalaking nakahiga patagilid at nakatalikod sa akin. Si Benok, nakahiga siya paharap kay Renoah. Nangiti ako, talagang binabantayan niya ang bata.
Ang cute niyang maging daddy. :)
" Benok. " Mahinang tawag ko sakanya, baka kasi magising si Renoah. Mahirap pa naman sa baby kung mapuputol ang tulog, topakin pag ganun e.
" Benok. " Tawag kong muli sakanya, Di kasi siya lumingon e. Baka di niya lang ako narinig. Nilgay ko sa table ng veranda yung tray at saka hinarap si Benok.
" Kaya pala.. " Nakatulog din pala ang loko. Haayy nako.. Kakalabitin ko na sana siya ng bigla siyang gumalaw at napayakap sa bata. Akala niyo sa akin 'no? Nagkakamali kayo. :P
Tinitigan ko silang dalawa, nangiti na naman ako. Para kasing ang cute nilang tignan, para bang mag-ama sila. Si Benok na parang pagod na pagod na daddy, kaka-alaga sa baby. Hihihi!
Ang ganda pala ng pilik ni Benok, mahaba ito na kulot. Kinabog ang pilikmata ko. Hahahaha! Matangos ang ilong niya. Mejo may kapulahan ang mga pisngi at sobrang kinis, tapos yung lips niya. Pink na red. Para bang ang sarap halikan. Yung bang may magnet. Yung bang hini-hypnotize ka ng lips niya at sinasabing ' Lumapit ka at i-try ako, sobrang yummyness ko.'
" WAAAAHHHHH!!! " Nagulantang nalang ako sa pag-iyak ni Renoah, pero mas nagulantang ako sa biglang pagdilat ni Benok at makita ng posisyon ko.
" J-Joey? " Bigla akong napa-ayos ng tayo at napatalikod sakanya.
Ikaw ba namang ang abutan na nakanguso habang nakapikit? Kahiya hiya! >///<
" A-aahhh, a-ano kasi... " Ano Joey? Nakaka-akit kasi yung lips niya? Kaya hahalikan mo sana? Nako! " Ahh! Ta-tapos na kasi ako magluto." Pumunta ako sa harapan ng table at tinanggal na sa tray lahat ng gagamitin namin sa pagkain. " T-tara kain muna tayo. " Hindi ko alam kung anong ginagawa niya, ayokong lumingon sakanya, nahihiya ako.
BINABASA MO ANG
Para Sa Akin [editing]
RomanceSi Joey ay isang babaeng DJ sa radio, masaya siya sa buhay niya. Masaya siya sa pamilya niya. May taong nagmamahal sakanya ng buo. Pwedeng nasa kanya na lahat. Pero sa kabila ng lahat ng iyon, hindi niya maalala lahat ng nangyari sa nakaraan niya at...