Benok's POV
Ang baduy ko naman! Bat ba ko nangingiti 'twing naaalala ko yung paghalik sa akin ni Jo?! E sa pisngi lang naman yun. Parang highschool naman ako nito. Psh. Pero, ewan. Siguro, nagulat lang talaga ako na hanggang ngayon, di parin mawala yung pakiramdam ng mga labi niya sa pisngi ko.
" Benok? Paabot naman yung twalya ni Baby Renoah. " Bumalik nalang ako sa realidad ng tawagin ako ni Jo. Pinaliliguan kasi namin si Renoah, sa totoo lang, tinuturuan niya ko kung paano, pero lutang ang isip ko. Natapos na nga siya sa pagpapaligo, wala pa rin akong naintindihan.
" E-eto. " Abot ko sakanya.
Agad naman niyang kinuha ito at ibinalot sa bata. " Naintindihan mo ba lahat Benok? " Tanong niya sa akin habang pinatutuyo niya ang bata. Halatang nage-enjoy nga siya e, lagi kasing nakangiti.
Tumango ako. " Oo naman! Ang dali nga e. " Pagmamayabang ko pa.
Humarap siya sa akin at ibinigay si Renoah, " Mabuti naman, para ready ka na rin kapag nagkababy ka na. Siguro, malapit lapit na yun. "
Napailing ako, " Wala pa sa isip ko yun e. "
Kumunot ang noo niya, " Bakit naman? Ilang taon ka na ba? "
" 27. Bata pa naman diba? " ngumisi ako.
" Anong bata? Alam mo, yan ang perfect age kapag gusto ng mag-asawa. "
Nagsimula na kaming maglakad papunta sa kwarto ko, andoon kasi lahat ng gamit ni Renoah.
" Ako nga, 26 na ako, gusto ko na rin sanang mag-asawa, ang kaso, wala naman akong boyfriend. "
" Psh. Di ka pa naman 30 ah? Doon ka ma-mroblema kapag umabot kana sa ganoong taon. E bata ka pa naman e. "
" Alam kong mukha akong bata, pero di na ko bata sa edad ko. "
" E bat kasi ayaw mo pang mag boyfriend? " Inilapag ko na ang bata sa kama, " Sa ganda mo ba na.... yan." Napahina ang boses ko, bigla bigla nalang kasing nagbigay ako sakanya ng compliment.
Akala ko aasarin niya ako pero tumawa siya ng mahinhin, " Ano ka ba, alam kong maganda na talaga ako. Pero hindi batayan yun sa pag-aasawa at pagbo-boyfriend. Di naman kasi porket maganda ka, habulin kana ng lalaki o marami ka ng lalaki. " sabi niya habang nakaupo sa kama at pinupulbusan ang bata.
" Yun ba talaga ang dahilan? " napahinto siya sa tanong ko. Namali ata ako ng tanong. Tsk!
She gave me a weak smile at umiling, " Hindi. Ayoko pang magmahal kasi.. Hindi pa rin ako nakakapagmove on sa past love ko.. "
Natahimik. Nagpatuloy na ulit siya sa pagbibihis kay Renaoh, samantalang ako, nakatayo habang pinanonood siya. Walang nagsalita sa amin pagkatapos nun.
Tumayo siya at kinarga ang bata, " Yan! Mabangong mabango na si baby Renoah! Pwede na siyang buhatin ni Tito Benok, ng magdamag. " saka niya inabot sa akin ang bata. Ngumiti naman sa akin ang bata, parang walang katoyo toyo sa katawan.
" Siguro, ang gwapo at ang ganda ng mga magulang niya 'no? " Habang hinihimas niya ang buhok ng bata.
" Oo naman. Pinsan ko yung tatay nito e. Tapos syempre, ang mga angkan namin, talagang magaling pumili ng mapapangasawa. " Pagmamayabang ko sakanya habang sobrang ngiti.
BINABASA MO ANG
Para Sa Akin [editing]
RomanceSi Joey ay isang babaeng DJ sa radio, masaya siya sa buhay niya. Masaya siya sa pamilya niya. May taong nagmamahal sakanya ng buo. Pwedeng nasa kanya na lahat. Pero sa kabila ng lahat ng iyon, hindi niya maalala lahat ng nangyari sa nakaraan niya at...