VOTE+ LOOONG COMMENT = HAPPYME.
#please?
PS: Dedicated po ang chapter na 'to kay Miss cutie. <3 Salamat po sa pagsuporta ng storya na 'to. Sana po nasuklian ko kahit papano sa dedication na 'to. ^^ :*
------------------------------------------------------------------
Joey's POV
" E-Emar? " Lumapit siya sa akin at nginitian ako. " A-anong ginagawa m-mo dito? " Ayy Joey! Ang ganda ng tanong mo. Common sense, malamang nagsimba din. Psh. Pero, diba malay niyo naman. May iba siyang sinadya dito. Malay niyo, inabangan niya talaga ako dahil alam niyang nagsisimba ako dito every Sunday since noong kami pa. Pero syempre, isang malaking ASA lang yun.
" Gusto sana kitang makausap. " sobrang serious at convincing ng mga mata niya.
" Nga-ngayon na? "
Tumango siya. " Dito? "
Umiling siya, " Can I talk to you in private? Please Jo? "
" Psh. Bat hindi nalang dito dude? Nakakabastos naman ata sa akin na boyfriend niya. " Biglang hinawakan ni Benok ng mahigpit ang kaliwang kamay ko. Oo nga pala, ang pag-alam ni Emar si Benok ang boyfriend ko.
" Please Joey? " Hindi niya pinansin si Benok at pinilit pa ako.
Napailing nalang si Benok at ngumisi na parang naiinis. Nakita ko na na-ikuyom na niya ang palad niya.
" Benok. " Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya, nginitian siya at umiling.
Tinignan ko si Emar, " Si-sige, makikipag usap ako sa'yo. "
" Pero---- "
" Okay lang ako. " Lumapit ako sa mukha niya at hinalikan siya sa pisngi. " Salamat sa masayang araw. " Pagkatapos nun ay nginitian ko siya ng pagkatamis, at tinalikuran siya. " Saan ba tayo? " Tanong ko kay Emar.
Nang sinabi na ni Emar ang lugar, nagsimula na siyang maglakad, susunod na sana ako ng maalala kong di pa pala ako nakakabitiw sa pagkakahawak sa kamay ni Benok. Hinarap niya ako sa kanya, " Mag-iingat ka, tawagan mo ko kagad kapag may nangyari ha? "
Gusto ko sanang kiligin ngayon, kaso mas nananaig sa akin ang mga tense cells ko, sobrang kinakabahan ako sa sasabihin ni Emar sa akin.
Tumango ako, " Oo. Mag-iingat ka sa pag-uwi. "
Medyo nalungkot ako ng bitawan niya ang kamay ko at binuksan na ang pinto ng kotse niya. Feeling ko kasi, safe ako kapag kasama siya. Komportable na kasi ako sakanya.
Nagstart na ang engine at nagsimula na siyang mag-drive. Nang medyo malayo na si Benok, naramdaman kong may humawak sa kamay ko. Si Emar.
" Tara na? "
Tumango nalang ako.
***
Benok's POV
Bullsh*t! Bat ba umepal pa yung Emar na yun?! Kung kailan namang may lakas loob na kong sabihin kay Joey na ako yung rude caller niya last time. Kung kailan may lakas loob na kong mag-apologize sakanya at handang tanggapin kung ano mang consequence ang nararapat kagaguhan kong yun! Pero ang gagong ex ni Joey, umeksena at sinira lahat ng pinaghandaan ko.
Aaminin kong ayoko talagang pasamahin si Joey sakanya. Ewan ko ba, pakiramdam ko kasi sobrang mahal pa siya ni Jo at kapag sumama ito sakanya, lalong hindi makakapagmove-on si Jo.
Ayoko ng makitang nasasaktan si Jo. Para kasing nakakadala kapag nakikita ko siyang malungkot. Yung bang gusto ko siyang pasayahin na alam kong ako langang may kaya.
Gusto ko siya, oo. Mabait siya, masipag, masayahin. Bonus nalang yung maganda at sexy siya. Kaya nagustuhan ko siya.
Kaya nga nung makita ko sa side mirror ng kotse ko na biglang hinawakan ng mokong Emar ang kamay ni Jo, gusto kong humarurot pabalik at suntukin sa mukha si Gago! May asawa na't lahat. lumalandi pa! Fvck!
Ano kayang pag-uusapan nila?
***
Joey's POV
Nagulat ako ng pumunta kami sa lugar kung saan lagi kaming pumupunta noong kami pa. Sa harp ng puntod ng nanay ko.
" Ba-bakit tayo nandito? " Umupo siya sa damuhan kaya nakigaya na rin ako.
Nilingon ko siya at nakita kong nakangiti siya. " Gusto kong maging witness ang nanay mo. "
Kumunot ang noo ko, " Ha? "
" Si Jessie. " Halos, tumigil ang pagpintig ng puso ko ng banggitin niya ang pangalan ng asawa niya. Pinasama niya ba ako sakanya para harap harapang saktan?
" A-anong tung---"
" Di ko siya mahal. "
" A-ano? " Hindi ko maintindihan lahat ng mga naririnig ko!
" Joey, mahal kita. " Lumingon siya sa akin at hinawakan ang magkabila kong pisngi. " Mahal kita. mahal na mahal. At hindi nagbabago yun hanggang ngayon. " Nakita kong namumula ang mga mata niya. Nagbabadyang bumagsak ang mga luha niya.
Pilit kong tinatanggal ang kamay niya sa mukha ko pero ayaw niya, " Ano bang pi-pinagsasabi mo?! N-nababaliw ka na ba?! " Nag-uumpisa na ring tumulo ang luha ko. Akala ba netong si Emar maniniwala ako sakanya? May asawa siya't anak tapos sasabihin niya sa akin 'to?!
Humigpit ang hawak niya sa mukha ko at fi-nocus niya ang tingin ko sakanya, " Listen to me Jo. " Umiling ako. " Yung samin ni Jessie, hindi. Hindi ko siya asawa, nagsasama lang kami dahil sa anak namin. Inaamin ko, oo, nabuntis ko siya at may anak na kami. Nagsasama kami dahil sa anak namin. Pero Jo, hindi ko siya mahal. Ni minsan hindi ka nawala sa puso ko Jo, mahal na mahal pa rin kita. " Patuloy pa rin akong umiiling. Hinde, hindi dapat ako maniwala sakanya. Nasaktan na ko minsan ng dahil sakanya at hindi na dapat mangyari yun. Hindi ko na hahayaan pa.
" Jo, please. Maniwala ka sa akin. I still love you. " Tumigil ako sa pag-iling at tinignan ko siya ng mata sa mata.
" Sa tingin mo ba maniniwala ako sa'yo? Isang taon Emar, isang taon na parang bula kang nawala nalang bigla, naghintay ako, pero ano?! Nag expect na rin ako na may iba ka na noon, pero sobra ang tiwala ko sa'yo at sinabi ko sa sarili ko na hindi mo magagawang saktan ako. Pero, pero one day you came back. You came back na parang wala lang. Bumalik ka ng may iba at may sabit pa! Nagmomove-on na ako alam mo ba yun?! Tapos, ito, paniniwalain mo ko sa mga kalokohan at kasinungalingan mo?! Gustong gusto mo ba talagang sinasaktan ako?! " patuloy pa rin sa pag agos ng luha ko. Ganoon din siya.
Umiling siya. Umiling siya ng umiling, " Hindi Joey, nagsasabi ako ng totoo. Maniwala ka sakin. "
Tumayo ako at aalis na sana ng hagitin niya ko sa braso at siilin ng halik ang aking mga labi.
Pilit ko siyang pinalalayo pero sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa akin hanggang sa manghina ako. Patuloy parin sa pag-agos ng mga luha ko habang nakapikit ako.
Hindi 'to pwede, pero hindi ba, ito ang gusto ko? Ang bumalik siya sa akin?
Humiwalay siya at dinikit ang noo niya sa noo ko, " Mahal kita Jo, hanggang ngayon. Mahal mo rin ba ako? "
" M-mahal din kita
Benok. "
BINABASA MO ANG
Para Sa Akin [editing]
RomanceSi Joey ay isang babaeng DJ sa radio, masaya siya sa buhay niya. Masaya siya sa pamilya niya. May taong nagmamahal sakanya ng buo. Pwedeng nasa kanya na lahat. Pero sa kabila ng lahat ng iyon, hindi niya maalala lahat ng nangyari sa nakaraan niya at...