MKB's note: Hahaha! Share ko lang guys, binabasa ko rin ulit yung 2 on going stories ko, from the start, Ewan ko. Para kasing nawawala ako sa plot e. :D Saka dahil sa tagal ko ng di nakapag update, parang nawala na yung ibang info sa utak ko. :)
Anyways highways low waist, hindi ko po alam kung kailan 'to matatapos. I mean, kung ilang chapters pa ang nalalabi bago ang kaabang abang na ending nito. Bwahahaha! Wala pa kasi tayo sa climax, e diba sabi ko noon baka 20+ chapters lang 'to. So baka madagdagan po. Hihihihi.
AYY GUYS! Sorry kung sabaw 'tong UD ko today. :O Kase e, ang sakit sakit talaga ng ulo ko. Pinilit ko lang mag UD para sainyo. Kaso mejo bitin po 'tong chappie na 'to so part 1 palang siya. May part 2 siguro bukas. Hehehe. :)
PS: Dedicated po kay shenny_cute! One of my friends here in watty! Salamat sa suporta sis! Eto na yung dedication! Mwaaaah! :****
----------------
Joey's POV
" Napaka talaga ni ate Rocha! Napakadaming pinabibili! Hmp! " Reklamo ko ng mahina. Nasa supermarket ako ngayon at namimili. And guess what? Kay Ate Rocha halos lahat ang nakalista dito sa dapat bilin. Bat ba kasi Linggo, wala tuloy akong trabaho. Ako tuloy ang nautusan para mag-grocery. Tsk.
Isang oras din ako naglibot at namili, nakapila na ko sa cashier para magbayad. Paniguradong lalaki ang muskels ko sa pagbubuhat ng lahat ng 'to. Isipin niyo, wala akong kotse at mamamasaheros lang ako. E napaka layo pa kaya ng sakayan dito. -,- Ajujuju.
" 2,589.75 php lahat ma'am. " Sabi nung cahier habang nakangiti. Medyo nagulat ako, kasi dati nung nag grocery ako minsan, nasa 1,500 php lang yung total. Tapos ngayon, malapit ng dumoble! Juskoday! Kasalanan lahat ni Ate 'to! Kaya dapat bayaran niya ko! Ang laki ng inambag ko e! 1000 lang inabot sa akin ni Tatay Pogz, tas si Ate Rocha, umalis na nung hihingi dapat ako ng pera para sa mga ipapabili niya.
" Wait lang po ha? " Sabi ko sakanya habang nakangiti. Hinalungkat ko yung shoulder bag ko para hanapin ang wallet ko.
" Uhmm, wait lang miss ha? " Tumango naman yung babae. May narinig naman akong boses na galing sa mga kasunod kong magbabayad din. Ang tagal daw. Tsk! Asan na ba kasi yung wallet ko? Dito ko lang naman kasi nilagay yun e.
" It can't be. " Baka naiwan ko sa bahay! Waaaaaahhhh!
Tumingin ako sa cashier, napalunok bago magsalita. " I-i'm so----- "
" Here. "
" A-anong gi-ginagawa mo? "
" Keep the change. Pakisunod nalang yan sa amin. " Tinignan niya ko saka niya hinawakan ang kamay ko, " Let's go. "
" He-hey! Let go of my h-hand! " Kanina pa ko nabubulol ah? Bat ba? Bat ba kasi andito siya? Anong ginagawa niya dito?! Ay! Ano ba yan Joey! Malamang sa alamang mall 'to, baka namimili rin siya.
Hanggang sa palabas na kami, hindi parin niya binibitawan ang kamay ko. Hindi rin siya sumasagot sa tanong ko kung bat siya nandito at anong ginagawa niya. Nakakainis!
BINABASA MO ANG
Para Sa Akin [editing]
RomanceSi Joey ay isang babaeng DJ sa radio, masaya siya sa buhay niya. Masaya siya sa pamilya niya. May taong nagmamahal sakanya ng buo. Pwedeng nasa kanya na lahat. Pero sa kabila ng lahat ng iyon, hindi niya maalala lahat ng nangyari sa nakaraan niya at...