Chapter 18

690 17 10
                                    

MKB's note: E, wala e, Natuwa talaga ko. May mga nagcomment parin last UD ko. Ang saya lang. Hihihihi! :">

Sana dito rin meron para bukas o mamay may Update ulit ako. Hehehe. Osya, good morning guys! Have a blessed day ahead! Mwah mwah! Tsup tsup! :** :>

PS: Dedicated kay Miss Keisha 'to kasi siya yung pang 1000 na nagfan sa akin. Salamat atey! Love you! :")

-------------------------

Joey's POV

" Argghhh! " Napatadyak nalang sa kinatatayuan ko. Bat ba walang taxi?! Kanina pa ko nag-aabang ng masasakyan pauwi pero wala. Umaambon na kaya! Psh.

" Mama! Pasakaaaaayyy! " Pahabol ko sa taxing nagdaan. Leche! Ini-snob ang beauty ko?! :O

" Wala kabang payong hija? " Naramdaman kong hindi na ko napapatakan ng ambon. Pinayungan siguro ako ni Manang. Kinuha ko ang panyo ko at pinunasan ang katawan ko, hindi parin ako tumitingin sakanya. Pagkakataon ko na 'to para makapagpunas. Baka kasi umalis na rin si Manang maya maya.

" Wala po e. Nakakainis nga po e. Walang taxing masakyan. " Busy parin sa pagpupunas.

Natawa ng mahina si Manang, " Nako, e alanganing oras na rin kasi. Hating gabi na hija. "

" Nag overtime po kasi sa trabaho. "

" Aba'y masipag ka pala kung ganoon. Pero ingat lang ha? Baka naman magkasakit ka niyan hija. Mahirap na. " Sa boses ni Manang parang sobrang bait niya na hindi mo mawari. 

Nag-angat ako ng ulo at tumingin sakanya, " Salam----- "

" I-i-inday?! " Napaatras si Manang sa akin, nakita ko sa mukha niya na parang gulat na gulat siya.

" A-ano po? "

" B-bat bu-buhay kapa?! " Tinuro niya sa akin yung nanginginig niyang hintuturo.

Ang weird naman nitong babaeng 'to? Inday? Buhay pa? Ano bang sinasabi ni manang? " Nako! Hindi po ako yung sinasabi niyo. Joey po ang pangalan ko manang. Okay lang po ba kayo? " Tinangka kong hawakan siya sa braso pero tinapik niya ito. " H'wag mo kong hahawakan! " Saka nalang siya tumakbo paalis.

Naiwan nalang akong nakatulala at nagtataka. ?_?

****

" Ahhhh! Sunooooogggg!!!! "

Napatayo ako agad at tumingin tingin sa paligid. " Asan? Asan ang sunog?! " Tanong ko kay Ate Rocha.

Para Sa Akin [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon