Chapter 8: The past cannot be changed

1K 33 14
                                    

BENOK's POV

"Ilang taon ka na?" Tanong ko sakanya, sa caregiver na na-hire ni mama para sa akin. Sinusubuan niya ako ngayon ng pagkain at out of the blue moon ko nalang na naitanong 'yon. Paano namang hindi, halos isang buwan na siyang nagtatrabaho sa akin.

Kumunot ang noo ko, hindi kasi siya sumagot agad.

"H-ha? Bat mo gustong malaman? S-siguro type mo ako 'no?" She giggled. Nagbibiro ba 'to? Ako magkagusto sa isang caregiver? Ano ako hilo? Ni hindi ko nga nakikita ang mukha niya, malay ko ba kung anong itsura nito.

"Wala na ba akong karapatang tanungin ang impormasyon tungkol sa'yo, because i'm your boss?" Sinungitan ko na naman siya. Naaasar kasi ako sa sakanya. Napaka daldal kasi niya na ubod pa ng kulit at mapang-asar, hindi nalang sagutin ang tanong ko.

"Asus!" Sabay pahid niya sa gilid ng bibig ko. "Forty seven na ako. Kaya hindi ka na pwedeng mainlove sa akin, para na kitang anak." Tumawa siya ng malakas.

Hindi ko naman maipagkakaila na masarap sa tainga ang tawa niya, kaya nga minsan nahahawa na rin ako at natatawa. Napa-iling ako, kaya siguro ang lakas na ng loob para biru-biruin ako. Alam ko rin na niloloko niya ko na forty seven years old na siya. May maganda siyang boses, halatang bata pa ito.

"Niloloko mo ba ako?!" Mas lalo kong inis na tanong.

Tumawa na naman siya. Lagi nalang akong pinagtatawanan ng babaeng 'to, baka mamaya baliw pala 'tong pinapasok ni mama sa bahay namin. 

"Bat ka natatawa? Sinabi ko bang tumawa ka?" binalingan ko siya, kahit hindi ko siya nakikita.  

Tumahimik. Natigilan siya, ngumisi ako. Kahit papaano pala'y takot parin siya sa  akin. 

Maya maya'y narinig kong tumawa na naman siya kaso mahina lang, "Ang sungit mo talaga ano? Kaya tignan mo 'yang mukha mo, mukha ka ng matanda! Mukha kang matanda sa akin!" Naramdaman kong hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko, "Saka andito kasi ako. Sa iba ka naman kasi nakatingin." Binitawan na niya ang pisngi ko pagkatapos ay nakarinig ako ng pagbaba niya ng plato sa lamesita.

Medyo nagulat ako ng bumalik na naman ang kamay niya sa mukha ko, nasa gilid naman ito ngayon ng bibig ko saka binanat ito pataas. Para bang pinipilit niya akong pangitiin. "Dapat ganyan ka lang lagi oh. Ang gwapo mo pa naman Benok! "

Diniinan niya 'yung pagsabi sa pangalan ko. Tuwang tuwa siya roon samantalang ang pangalan niya ay Inday. Sino ba dapat ang magtawa sa amin? Pero muntik na 'kong matawa sa huli niyang sinabi, gwapo raw ako. Alam ko naman 'yon, pero parang iba 'yung naramdaman ko 'nong siya ang nagsabi. 

Tinabig ko 'yung kamay niya,"Pwede ba? Wag mo kong kulitin. Nagugutom ako, pakainin mo pa ako." Utos ko sakanya. 

"Sige na nga." Narinig kong tumunog ang kutsara't tinidor saka ang plato, kaso hindi ko parin nararamdaman ang pagsusubo niya sa akin. "Pero alam mo Benok, totoo talaga yung sinasabi ko." Nahinto siya, ako naman hinihintay lang siyang magsalita muli. "Sana lagi ka nalang nakangiti at hindi nakabusangot ang mukha, ang gwapo mo pa naman kasi. Hindi naman kasi dahilan yang pagkabulag mo ng pansamantala para lumungkot at magsungit ka ng bonggang bongga!" Pinalo niya pa ako ng mahina sa braso. Muntik na 'kong humagalpak sa tawa, si Inday kasi ang nagsabi 'non. Akalain niyong hindi pala puro kalokohan ang alam sabihin nito? Sanay din pala ito magsabi ng totoo. 

Para Sa Akin [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon