Chapter 14

702 19 4
                                    

VOTE AND LEAVE A COMMENT, PLEASE? :3 :*

-----------------

Jo's POV

" Ano ba Joey Jaime? Gulong gulo na yung cabinet natin sa kakahalungkat mo ah! " Singhal sa akin no ate Rocha.

" E ate. hindi ko alam kung anong susuotin ko! " Susme! Kulang nalang talaga hukayin ko ang cabinet namin para lang makakita ng proper attire para mamaya. Kayo kaya ang ipakilala sa parents ng taong special sainyo. Waaahhh!!! What to wear? What to wear?

" Bat naman kasi sa mamahaling restaurant pa kayo e? " Tanong ni ate habang nakapose sa kama na parang pang Men's magazine at kumakain ng Lays.

" Hindi ko nga alam e. Siguro, sosyalin ang mama ni Benok. " Napaupo ako sa kama. " Waahh! Ate! Anong isusuot ko?! " Inuga uga ko yung katawan niya.

" Diba formal yun? "

Tumango ako, " Oo. "

" Bat hindi ka nalang bumili? "

" E ate! Sayang! Isang beses ko lang gagamitin. "

" Sus! Napaka kuripot mo naman teh! Ano kaba?! Tara na! Sasamahan na kita. "

Hanggang sa napapilit na rin ako ni ate. Ang gara! Magwawaldas ako ng pera? Ng ipon ko? Haaayy! Pero sige na nga. Para hindi naman ako magmukhang chuchu mamaya. Syempre gusto ko, maging maayos ako sa paningin ng mama ni Benok. Yung bang gugustuhin niya ko para sa anak niya.

Ewan ko ba, siguro, si Benok sa buhay ko ngayon? Espesyal siya. Ewan ko, 'twing kasama ko kasi siya. Parang laging luluwa yung puso ko sa lakas ng tibok nito. Di rin ako makatingin sakanya ng diretso.

Sa tingin niyo? Inlove na ba ako sakanya?

" Perfect! " Nagitla nalang ako ng biglang pumalakpak si Ate Rocha at ngiting ngiti. " Bagay sa'yo yan Joey Jaime! "

" Eto? E kulang nalang ipakita ko na lahat sa damit na 'to e? " Nasa fitting room kasi ako ng isang boutique shop at nagsusukat ng damit.

Lumapit sa akin si Ate at binatukan ako. " Alam mo Joey Jaime, di na uso yung long gown! Bagay kaya sa'yo! Diba miss? " Tinanong ni Ate yung saleslady.

" Opo! Bagay nga po sa inyo ma'am! " Sang ayon naman ni Ate. If I know, gusto lang makabenta nito kaya binobola ako e.

****

" Ate, okay na ba ang itsura ko? " Humarap ako kay Ate na nakahiga na naman. By the way, yung dress na nabili namin is color red. Sabi ni ate, para raw mukhang elegante akong tignan at mayaman. Si ate talaga, ang daming alam!

" Ewan ko nalang kung di kapa iuwi ni Benok sakanila at itanan ka. "

" Ateeeee!!! " suway ko.

****

* Beep beep! *

" Oh, Joey Jaime anjan na si Benok. "

Huminga muna ako ng malalim bago buksan ang gate at harapin siya. 

Pagbukas ko ng gate, tumambad sa akin ang isang lalaking nakaputing longsleeves at gray necktie. Yung bang super hot parin siya kahit anong isuot niya. Waaahh! Nung napansin niyang nagbukas ang gate kagad siyang umayos ng tayo dahil nakasandal kasi siya kanina sa pinto ng kotse niya.

Para Sa Akin [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon