Chapter 15

729 20 5
                                    

PLEASE NAMAN PO, VOTE AND COMMENT. :3

PS: I'll edit this chapter later pag may time. I hope, may natuklasan kayo sa chappie na 'to. :D

-MKB. <#

------------------------

Benok's POV

" Joey. " Sumalubong sa akin ang mga matang nagbabadya ng umiyak. " I gotta go. " Umiwas siya ng tingin at mabilis na dumaan sa harap ko nang pigilan ko siya. Nagkatinginan kami. Kitang kita sa mata niya ang pagkagalit at ang sakit.

" Please. Joey,.. Let me explain... " Nahihirapan kong sabi. Nagmamakaawa.

" Explain? Ano pang paliwanag ang gagawin mo? Ano pang pambibilog ng ulo ang gagawin mo? Ha Benok? " Doon na bumagsak ang luha niya. Gustong gusto kong pahiran iyon, ngunit sa sitwasyon ngayon, parang hindi pwede.

" No. It's not what you---- "

" Ide-deny mo pa? E dinig na dinig ko na nga. " nagsmirk siya, " Ikaw, ikaw pala yung rude caller ko dati. Nakakatawa at hindi ko manlang nalaman agad. Kasabwat mo pa ang bestfriend ko ha? " Bumitaw siya sa pagkakahawak ko sa braso niya. " Scripted at joke lang pala ang lahat ng 'to. Sana sinabi mo man lang sa akin para nakapag handa naman ako. Para naging scripted din 'tong lintek na nararamdaman ko para sa'yo! " Natahimik ako habang nagkatitigan kami sa isa't isa. Akamang aalis na naman siya ng pigilan ko siyang muli.

" Pero Joey, totoong gusto kita. Totoong mahal na kita. "

Napahinto siya at nakita kong nagpahid siya ng luha bago tumingin sa akin, " Bukod sa sinabi mong gusto mo ko, ano pang joke ang alam mo? Eto ba na ba yung eksenang maniniwala ako sa'yo at sasabihin ko ring mahal na kita? " Tumalikod siya, " Psh. Sana, sana man lang.. Sinabi mo na agad ang lahat, para hindi naman ganitong kasakit. Pinaikot mo lang ako e. "

At sa sandaling iyun, nawala na ang babaeng pinahahalagahan ko ng sobra ngayon sa buhay ko.

Ang babaeng nagpapasaya sa buhay ko. Ang babaeng mahal ko.

***

" Hey son! " Nakaramdam ako ng may taong tumapik sa aking balikat, si Mama. Pagkatapos nung nangyari, parang nawalan na ko ng gana at lakas. Bumalik na lamang ako sa table at hinintay na dumating si mama. Balak ko ring sabihing di na tuloy ang dinner at umuwi nalang kami.

" Anong problema hijo? " Hinawakan niya ko sa ulo at hinimas iyon. " May nangyari ba? "

" Ma, the dinner is canceled. You can go home. " Walang kagana gana kong sabi sakanya habang nakayuko. Gusto kong uminom ng uminom. Napakagag* ko kasi!

" Ha? Ano bang nangyari anak? " Iniangat niya ang ulo ko at tinignan niya ko sa mata. " Asan yung babaeng balak mong ipakilala sa akin? I'm so excited to meet her! " Masaya pang sabi niya. 

Para Sa Akin [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon