Chapter 6: The decision is final?

1K 29 7
                                    

BENOK's POV

"Oh?" Bored kong tanong kay Nikkol pagkatapos kong sagutin ang tawag niya. Ayoko sanang sagutin dahil alam kong mangungulit lang siya. Nakakagago pero nakaka 26 missed calls na siya sa akin.

Narinig kong nagbuga siya ng hangin sa kabilang linya, "Sa wakas sinagot mo rin! Nabalitaan mo na ba?"

"Alin?" Tumayo na ako sa hinihigaan ko at dumiretso sa kusina para kumuha ng tubig. 

"Nag-absent na naman si Jo sa trabaho at maraming nalungkot na mga listeners namin! Baka bumagsak ang ratings ko! What will I do fafa CK?!" Kumuha ako ng tasty bread saka inilagay sa toaster.

"Hoy CK! Nakikinig kaba sa akin?!" Daig pa nitong tumili 'yung mga babaeng kakilala ko. Ang sakit sa tainga.  

"Ha? Ano nga ulit?" Hindi ko naman talaga narinig, nagre-ready ako ng umagahan ko. Nagugutom ako, pinagod ako masyado ni Karla. Karla nga ba? Basta 'yung babaeng sinamahan ko sa condo niya pagkatapos namin magkakilala sa bar. 

Tumili siya, napalayo naman ako ng cellphone sa tainga ko, gustong gusto ko ng putulin ang tawag. Ang aga aga, nabibwisit ako.  "Nakakainis ka na papa CK ah! Ang sabi ko nag-absent na naman si Joey sa trabaho niya, at may hint na ako kung anong rason niya."

"So?" Noong una nagkasakit si Joey at kasalanan ko raw 'yon. Tapos ngayon, ako na naman? Dahil na naman sa ginawa ko? 

"What?! Anong So?" Huminga siya ng malalim. "Pasalamat ka talaga gwapo ka!  Wala kabang konsensya ha? Hindi mo ba naiisip na pwedeng ikaw ang dahilan-------" 

"Nakakaputang ina na talaga! Oo ako 'yong walang hiyang tumawag sakanya, andon na ako sa napaiyak at nasaktan ko siya. Pero pwede ba? H'wag mong isisi sa akin lahat! Kung kinokonsenya mo ko, I don't give a fuck!" Saka ko pinutol ang tawag. Huminga ako ng malalim saka napa-iling. Nagdesisyon na kong sasabihin ko na kay Joey ang lahat para matahimik na ulit ang buhay ko. 

***

Pumunta ako sa mall para mamili ng grocery. Hindi naman talaga ako lalabas at mamimili kung hindi pa dadating na nagugutom ako at wala na pala akong pwedeng kainin. 

Naalala ko dati kailangan pa kong pilitin ni mama para bumili ng pagkain ko. Isa pa, simula 'nong naaksidente ako alam kong galing ako sa mall at pauwi na sana ng bahay nang may kotseng nakipag harangan sa akin sa daan.

Akala ko nga mamamatay na ako 'non. Nabuhay ako pero sa pagdilat ko, wala akong nakita.

Sobrang dilim akala ko nag-iisa lang ako sa isang itim na silid. Hanggang sa sinabi ng doctor na I was just suffering from temperary blindness.

Sa totoo lang, sobrang frustrated ako 'non akala ko buong buhay ko, wala na akong makikita. Parang nabingi na rin ako at 'yung salitang 'blindness' lang ang narinig ko. Naisip kong hindi ko na mae-enjoy ang buhay ko, hindi na rin ako sasaya.  

Hanggang sa naghire si Mama ng isang caregiver. 

--------

"'Nak, Naghire ako ng caregiver para sa'yo." Naramdaman kong naupo siya sa tabi 'ko habang ako nakasandal sa headboard ng kama ko.

"Ma naman! Para saan pa?!" Simula ng mabulag ako naging sobrang init na ng ulo ko. Kaya ramdam ko noon ang minsang pag-iwas ni mama na kausapin ako. 

" Anak---"

"Ma hind pa ko baldado! Kaya ko pang gawin lahat ng gusto ko!" Pakiramdam ko kasi kaya naghire si mama ng caregiver para gawin 'yung mga bagay na akala niya'y hindi ko na magagawa. Katulad nalang ng pagkain, paliligo o kung ano man. Hindi pa ako inutil, hindi ko kailangan 'non! 

"Anak, kahit ngayon lang." Hinawakan niya ako sa braso at hinimas iyon. "Please?" Mahinang pakikiusap niya.

I sighed, "Okay, try lang 'ma. Pero please, after this tama na. Kaya ko pa ang sarili ko at kakayanin ko 'to."  Lumabas na naman ang pagka mama's boy ko. 

"Hija! Pasok ka." tawag ni mama doon sa sinasabi niyang caregiver. 

Naramdaman kong hinawakan ako ni mama sa kamay. "Ito nga pala ang anak ko, si Benedick. Just call him Benok." After that narinig ko na tumawa ng mahina 'yung caregiver, siguro'y natawa sa nickname ko.

"What's so funny?!" Diniinan naman ni mama ang kamay ko para patigilin ako. Tumigil din naman  sa pagtawa 'yung caregiver. Di pa nga siya nag-uumpisa sa trabaho niya, naiinis na ko sakanya at gusto ko na siyang paalisin ng bahay.

"Pagpasensyahan mo na hija ha? Mainitin lang talaga ang ulo nito. Siguro dahil nga sa pansamantala niyang pagkabulag. Just be patient to your patient ha?" Mahina namang natawa si mama, "Ma!" Pagtigil ko sakanya. Alam kong nagbibiro lang siya pero basta, mainit talaga ang ulo ko. Naramdaman kong tumayo na si mama. 

"O-opo Ma'am."

"Sige hija, aalis na ako. Ikaw na munang bahala sa anak ko, okay?" 

Narinig ko nalang ang pagsara ng pinto, umalis na si mama. Ngumisi ako para maramdaman ng caregiver na 'to ang pagsisisi sa pagpasok sa trabahong ito. 

 "What's your fucking name?!"

Para Sa Akin [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon