Chapter 4: Wrong move, Benok

1.1K 44 11
                                    

Joey's POV

After that day, pagkatapos kong makita at makausap ulit si Emar. Sinabi ko na sa sarili ko na talagang kakalimutan ko na siya. Talagang buburahin ko na siya sa isipan at puso ko. Mali kasi na pairalin ko 'yung nararamdaman ko. Makakalimutan ko rin naman siya. Alam kong matagal, pero kakayanin ko. 

"O-M-G! Bakla! You heard the news na ba?" Bungad sa akin ni Nikkol na kakapasok palang ng studio.

"Ha? About what ba?" Hindi ko siya tinitignan, nakafocus ako sa mga ka-chat ko sa fb and twitter at saka pala sa formspring. Nakakatuwa kasi yung mga comments and posts nila sa mga wall ko, gusto ko silang makasama at pasalamatan dahil gusto nila ako.

"Hay nako Jo!" Napapadyak ito, naghalukipkip at inirapan pa ako. "Napaka slow talaga ng radar mo."

Tumabi siya sa akin kaya napatingin ako sakanya. "Ano ba kasi 'yun? Tell me na. Busy yung diyosa." Tumunog ulit 'yung chat sa FB ko kaya humarap ulit ako sa screen ng computer.

"Nag-extend lang naman ng one and a half ang oras ng programa ko dahil sa'yo!" Tuwang tuwang tili ni Nikkol sa akin. Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sakanya. 

"Di nga?!" Walang tigil siyang tumango at niyakap ako ng mahigpit. Napatakip nalang ako ng bibig sa pagkabigla.

"Oo nga! I love you sistah!" 

Nagpatuloy pa ang kasiyahan namin ni Nikkol. Sabi kaya raw na-extend ang oras namin dahil sa mga taong nagrerequest through emails, comments and posts sa iba't ibang website. Sobrang nakakataba naman ng puso. Akala ko puro sakit at lungkot nalang ang dadanasin ko kaya lagi ako umiiyak, pero iba 'to. Sa labis na kasiyahan. I sighed, ito na siguro ang sign para mag umpisa na muli talaga ako. 

Naglalakad kami ngayon pabalik ng studio, kakagaling lang namin sa office ni Boss. Pinagusapan namin yung extension sa show. Sinabi niya rin sa akin na regular na akong DJ at binigyan din ako ng istasyon ng bagong kotse! Sobra sobra ang tuwa ko ngayon!  

"Nga pala sister. Diba i-pinangako mo sa akin last time na ipapakilala mo ko sa oh-so-hot-and-handsome mong kapitbahay?" Nakikita ko na namang kumikislap kislap ang mga mata ni Nikkol. Akala ko naman nakalimutan na niya yun. I sighed, hindi nga pala basta basta makakalimutin si Nikkol pagdating sa mga lalaki.

Idinikit ko sa noo niya ang soda can na hawak ko. Malamig pa 'yon dahil medyo kakakuha ko lang 'non sa vending machine. Nagulat siya sa ginawa ko kaya hinampas niya ko sa braso. Inirapan ko lang siya saka ako tumawa ng malakas.  

"Nakakainis ka naman sistah! You made a promise!" Ngumuso ito saka hinawakan ang kanang kamay ko.

Ngayon ko lang napagtanto na ang cute pala ni Nikkol. Paano kaya kung naging straight na lalaki 'to? Marami sigurong magkakandarapang babae sakanya. Kaso iniisip ko palang, nandidiri at masuka suka na ako. Mas makapal at mas magaling pa kaya siyang maglagay ng make-up sa akin! 

Napa-iling nalang ako, "Well.. Hindi ko na kasi siya nakikita these past few days." Hindi ko alam kung lumipat na ba siya o hindi ko lang siya makita kasi ayokong lumabas ng bahay at baka makita niya ako.

"What?! Jo naman!" Binalibag niya ang kamay ko saka tumalikod sa akin. "Ang daya mo talaga!" 

I know, napaka arte niya at sanay na sanay na ako sakanya. Iniisip ko nalang na bata ang kausap ko at nagtatampo ito.

I sighed. "Okay okay. Fine!" Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat saka ini-harap sa akin. "Bukas na bukas pumunta ka sa amin. Tignan natin kung andun siya bukas. Okay sister?" 

Para Sa Akin [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon