" Isang super duper ultra mega to the highest level good morning mga mahal kong tagapakinig! Handito ulit ang diyosa na handang rumes-cue sa mga naloloko, nanloloko at nagpapaloko! Si DJ PIPAY!! * sound effect: Applause * Namiss niyo ba and mala-diyosa kong tinig?! "
Ako nga pala si Joey Alex Fernandez. Babae ako ha? Ewan ko ba kasi sa mga magulang ko kung bakit panglalaki ang ibinigay sa akin na pangalan. Hindi naman ako mukhang lalaki e. Isa rin akong DJ sa radio, well, bago palang naman ako at nagpapa-impress sa boss ko.
Anyways, in my 26 years of existence here on earth. Masaya naman ako, I have my supportive family, si mama, si tatay Pogz at si ate Rocha. Mga kaibigan na handa namang damayan ako sa lahat ng problema, especially Nikkol, my gay friend, since elementary kaibigan ko na siya. Kaya nga ako ang tagapagtanggol niya noon kapag tinutukso ng mga kaklase naming bakla siya, well that's true, pero ang harsh kasi magsalita ng iba. Siya rin yung taong kadamay ko kapag nag i-imagine ng mala-fairytale na lovelife. Yung nakakakilig, napakasayang moment kasama ng imaginary prince charming mo.
Pero parang ang layo naman ng buhay ko sa mga fairytales kasi napaka tragic 'daw' ng buhay ko.
'daw' kasi, hindi ko alam. Sinabi at kinuwento lang sa akin. Di pa nga fully detailed.
5 years ago I got into an accident, car accident daw. At nagka-amnesia ako.
Tinanong ko na si tatay Pogz, my step father, tungkol sa past life ko. Sabi niya, namatay ang tunay kong ama dahil sa sakit niyang Tubercolosis. Makalipas ang ilang taon nakilala ni mama si tatay Pogz at nagpakasal. Tinanggap ako ni tatay Pogz, ganoon din naman si ate Rocha pero hindi ko raw sila tanggap. Hindi raw ako naging malapit sakanila noon kaya kakaunti lamang ang alam nila tungkol sa akin. Si mama naman wala na raw siyang narinig sa akin at naging malayo na ang loob ko sakanya noon matapos niyang pakasalan si tatay Pogz. Nang makatapos daw ako ng highschool ay nagrebelde ako. Pumunta raw ako ng Maynila para doon magtrabaho at makaalis sa lugar namin. Tapos nagulat na lamang sila ng mabalitaang naaksidente ako malapit sa lugar namin dati.
Akala nga raw nila noon ay susunod na si mama kay papa kasi halos mawalan ng dugo nang mabalitaang nakasama ako sa isang car accident. Pero salamat na rin sa Diyos dahil kumpleto kami at tinaggap nila akong muli.
Kaya nga nagpahanda pa sila nung sinabi ko na na-hire akong DJ sa isang radio station. Ramdam ko ang pagiging proud at pagmamahal nila sa akin. Siguro ay natatakot na sila na mangyari pa yung nangyari dati, ganoon din naman ako. Kaya ito ako ngayon, bumabawi sakanila, tinatahak ang panibago kong buhay.
"O my Gollybells! Can you believe this Jo?! Ang taas kaagad ng ratings ng programa ko dahil sa'yo!" Nagtititili at nagtatatalong sabi ni Nikkol sa akin, hindi rin siya makapaniwala. Maniwala man kayo o hindi, parehas kaming naging DJ, nauna nga lang sa akin siya dahil nagloko ako noon at hindi muna nag college.
Nag aral ako ng gumaling ako sa aksidente. Nagtapos ako sa kursong Bachelor of Mass Communication. Naging madali sa akin pumasok sa kompanyang ito dahil kaagad akong binida sa boss ni Nikkol. Kaya mahal na mahal ko an baklang 'yon.
Akalain niyong first day ko palang kahapon para sumubok mag DJ pero heto, ang dami ng nakinig.
"Nako! Pagnagpatuloy pa ito bakla, I am sure bibigyan ka ni boss ng sarili mong programa! At bongga ka na pagkatapos non! O my gaaaad!" Sabi pa ni Niks. Bale kasi, sinalang ako kahapon sa programa niya para makita ang performance ko. Sa nakikita ko naman ngayon, natuwa ang boss namin.
"Sana nga Niks." Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala. Para kasing nag advice lang naman ako kahapon ng mga caller, madali lang naman iyon. Kasi diba nga madali lang naman magbigay ng advice sa ibang tao? Pero nag e-enjoy ako sa trabaho kong 'to. Nalalaman ko at nadadamayan ko ang iba't ibang uri ng tao.
BINABASA MO ANG
Para Sa Akin [editing]
RomanceSi Joey ay isang babaeng DJ sa radio, masaya siya sa buhay niya. Masaya siya sa pamilya niya. May taong nagmamahal sakanya ng buo. Pwedeng nasa kanya na lahat. Pero sa kabila ng lahat ng iyon, hindi niya maalala lahat ng nangyari sa nakaraan niya at...