Chapter 2: How they met

1.5K 49 15
                                    

Joey's POV

"Haaaay!" Napainat ako sabay ng pagbangon sa kama. Niligpit ko muna ito saka naghanda ng pampaligo. Kailangan ko na kasing pumunta sa station. Mga 10 am dapat nandoon na ako. Naglakad na ako palabas ng kwarto.

"Good morning 'tatay, mama, ate." Nakapikit habang nag-iinat kong bati sakanila. Umupo na rin ako sa dining chair. Sa araw-araw kasi lagi ganito ang sistema ng umaga ko, kaya kabisado ko na. Henya to e. Alam ko rin na may nakahanda ng pagkain sa ibabaw ng mesa at hinihintay nalang ako.

Hinawakan ko na yung kutsara't tinidor. Noon kinakagalitan pa ko ni mama dahil sa ginagawa ko. Pero ngayon hindi na, siguro'y nasanay na rin siya sa akin. 

"Jo, alam mo ba may bago tayong kapit bahay?"

Kumunot ang noo ko pero nakapikit parin ako. "Hm? E ano naman ate?" Subdivision kasi tong tinitirhan namin. Hindi naman siya kalakihan na parang mansyon. Ayos lang sa mga taong normal at simple katulad namin. Sanay na rin ako na laging nag-iiba yung kapitbahay namin. Kaya wala namang bago para sa akin 'yun.

"Ano ka ba Jo!" Narinig ko ang pag-usad ng upuan, dumilat ako ng mata at nakita si ate Rocha na parang nagniningning ang mga mata. "Ang gwapo gwapo kaya niya! " Ay! Sinasabi ko na nga ba. Kaya ngayon lang parang may pakialam si ate sa kapitbahay namin kasi gwapo pala. Sabagay, mataas ang standard ni ate sa mga kalalakihan, kaya kung sinabi niyang gwapo ay totoong gwapo nga ito.

"Haay nako ate." Napailing ako at sumandok ng pagkain. "Baka gusto mong gilitan ka ng leeg ni kuya Cyan." Taken na kaya si ate. At sa pagkaka-alam ko, kapag taken ka na, e dapat matuto ka ng maging stick-to-one. Ang swerte nga niya pati pala kami. Lagi kasi itong may dalang pasalubong para sa amin kapag bumibisita dito.

"Naga-gwapuhan lang naman e. Ang sungit neto." Inirapan niya ako saka sumadok na rin ng pagkain. "Meron kaba? Signal number 8?" Inirapan ko rin siya, wala naman ako ngayon pero alam ko na kasi ang nasa isip ni ate. Gusto niyang tignan ko 'yung kapitbahay at baka magustuhan ko 'to. I sighed. Wala naman na kasi akong interest sa mga lalaki. Simula 'nung nasaktan ako, hindi na ako umulit pa. Para saan pa? E hanggang ngayon naman nasasaktan parin ako.

Sasagot pa sana ako nang pinigilan kami ni Papa at sinabihang kumain nalang daw kami. Baka raw mahuli kami sa mga trabaho namin kaya sumunod nalang kami. Pagtapos namin kumain, ako ang in-charge sa pagliligpit ng mga ginamit namin sa pagkain. At si mama naman sa paghuhugas. Oo, medyo may katandaan na si mama pero si ate kasi kulang pa ang oras sa pagme-make up sa sarili. Maganda si ate kahit walang make-up pero kailangan kasi sa trabaho niya 'yun. Isa kasi siyang singer. Naligo at nag ayos na rin ako pagkatapos magligpit.

"Tay, ma, alis na po ako!" Sigaw ko, sabay pagbukas ng pinto ng bahay. Nasa kusina parin kasi sila. Nangiti ako, siguradong naglalambingan na naman silang dalawa. Ang sweet kasi ni tatay Pogz na hindi kinakalimutang hindi pakiligin si mama araw-araw. Ramdam ko namang masaya si mama kaya masaya rin ako.

"Sige anak. Anong oras ba ang uwi mo?" Dumungaw si tatay Pogz sa butas ng kusina habang nagpupunas ng kamay. Siguro ay tinutulungan niya si mama sa paghuhugas.

Nag suot na ako ng sapatos ko. "Depende po. Minsan kasi nag-aayang gumala si Niks, minsan naman po hindi, kasi wala po raw po siyang pera. Alam niyo na po, binibigay sa mga fafa niya." Nagboses bakla pa ako. 

Tumawa siya, "Bata ka. Sige na hija. Oh ito." Lumapit siya sa akin at ini-abot ang dalawang pirasong sandwich na nakabalot sa tissue. "Baka magutom ka sa trabaho anak, ginawan na kita niyan." nakangiti niyang saad sa akin. Nangiti ako, lagi talaga niyang pinaparamdam sa akin na mahal niya ko at tinuturing niya ko na parang tunay na anak.

Para Sa Akin [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon