Benok's POV
Nikkol sighed. "Ano ba kasing pumasok sa mind mo at nakeribels mong gawin 'yon kay DJ Pipay?" Nakahalukipkip siya, nakaupo kami parehas at masinsinan na nag uusap.
Nagpakilala na kami sa isa't isa, kilala niya ako sa pangalang CK. Ayokong sabihin sakanya ang totoo 'kong pangalan at iba pang bagay tungkol sa akin. Iba kasi 'yung tingin niya sa akin, para bang hinuhubaran ako. Kung babae siguro 'to, papatulan 'ko, pero hindi.
Napayuko ako. "Gusto ko lang naman makita ang reaksyon niya, kung paano siya mapahiya. My girlfriend broke up with me because of her." Nakokonsensya 'kong sabi.
"'Yun lang ba talaga?" Sa totoo lang, wala naman talaga akong pakialam kung nakipagbreak sa akin 'yung girlfriend ko. Hindi naman kasi 'yon seryoso at marami akong pwedeng ipalit. But the fact that she dumped me because of that seriously fucking advice of that Pipay really hurts my ego. That's why I did what I did because I wanna make that Pipay feel so embarrassed, too. Nagulat din naman ako ng malaman ko kung sino ba talaga siya.
Lumapit si Nikkol sa akin, nabigla naman ako at napalayo bigla. Natawa siya ng malakas saka ako hinampas ng mahina sa braso, "Ano ka ba pogi! Ia-abot ko lang naman sa'yo 'tong coffee 'no?" Kinuha ko naman 'yung kape saka ininom agad. Kahit kailan talaga hindi ako sanay na may bakla sa paligid ko.
"Alam mo kasi pogi, hindi talaga madaling maiyak yung si Jo" Napailing siya, "-- este si DJ Pipay." Huminga siya ng malalim saka uminom sa baso na hawak niya. "Napakamasayahing tao 'non. 'Yung bang kahit alam mong buhat na niya ang buong mundo dahil sa problema niya, nakangiti parin siya. Ang kaso, hindi niya lang talaga ma-take ang maabuso at mapahiya sa mga tao, lalo na't pinag-uusapan 'yung pinaka iniiwasan niyang bagay." Tumingin siya sa akin.
"Alam mo bang sobrang mahal parin niya 'yung ex-boyfriend niya?" Napasandal siya sa kinauupan niya saka napa-iling. "Kahit iniwan siya nito sa ere ng mag-isa, hindi pa rin siya tumigil para mahalin ang walang kwentang lalaking 'yun. Iniwan siya ng mahal niya ng walang dahilan. Dumating 'yung araw na nagkita ulit sila nito. Ine-expect na ng lola mo sa sarili niya na baka may mahal na itong iba at siya nalang itong umaasa. Di naman siya nagkamali, pero mas malala pa pala ang naramdaman niyang sakit dahil may anak na ito ng makita niya. " Bumuntong hininga siya at tumingin sa akin, "Kawawa naman ang sister ko ano? Kaya siguro ganoon na lamang ang reaksyon niya ng tumawag ka at -----"
I sighed. "Fine. Gusto ko lang kasing magrevenge. You see? Sa itsura kong ito, hindi malabong maraming babae ang maghabol sa akin." Nakita kong nanlaki ang mga mata niya. "And one of those called to her and that Pipay simply said, dump every womanizer! So my girl really dumped me. Can you fucking believe that?" Medyo inis kong kwento kay Nikkol at natahimik naman siya.
Maya maya'y tumawa ito ng napakalakas. Napatingin lang ako sakanya saka napakunot ng noo, nagtataka. "Ayon lang CK?" tapos tumawa siyang muli. "Napaka liit naman ng rason mo. S-sabi mo nga, sa itsura mong 'yan." Tinuro niya ako. "Maraming babaeng maghahabol sa'yo, kaya magiging kawalan ba sa'yo ang babaeng 'yun?" Tawa lang siya ng tawa. Naiinis na ako. Naisip ko, bat nga ba ako nandito at nakikipag usap sa baklang 'to? I fake cough, nahalata niya siguro na napipikon na ako kaya tumigil siya saka nagpahid ng luha niya. Napa-iling ako, buti naman kundi masasapak ko talaga 'to.
BINABASA MO ANG
Para Sa Akin [editing]
RomanceSi Joey ay isang babaeng DJ sa radio, masaya siya sa buhay niya. Masaya siya sa pamilya niya. May taong nagmamahal sakanya ng buo. Pwedeng nasa kanya na lahat. Pero sa kabila ng lahat ng iyon, hindi niya maalala lahat ng nangyari sa nakaraan niya at...