Chapter 22

554 23 21
                                    

MKB's note: Yes guys! I'm back! Sana may bumasa pa nito kasi eto yung story na may plot talaga ako. Hehehe. :) Comment and vote ha? Di ko muna gagawan ng POV si Emar. Siya kasi ang susi. Hahahaha! :)

LAST CHAPTER:

Pinilig sumama ni Joey kay Emar kapalit ng kanyang nakaraan na kanyang hindi na maalala. Samantalagang si Benok, ang lalaking tinitibok ng puso at piniling layuan ni Joey ay matyagang hinahanap ang babaeng mahal niya.Tignan natin kung ano pang pasabog ang papasabugin ni Emar kay Joey, at kung mahahanap na ba ni Benok si Joey. :)

____________________________

Joey's POV

" Kumain kana. " Sabi sa akin ni Emar sabay lagay ng pinggan sa harapan ko. Nasa bahay na niya kami, di pa rin ako makapaniwala sa nalaman ko sakanya. Sa bar, doon pala ako nag tatrabaho dati. Kumbaga ako yung babaeng nagpapabastos lamang doon.

" Hindi ka parin ba titigil sa pag-iyak? " Medyo iritado ng tanong ni Emar sa akin, tumingin naman ako sakanya at para bang natahimik siya at nawala ang inis sa mukha niya. "S-sorry. " Tumayo siya at akmang pupunasan ang luha ko, pero umilag ako at nag iba ng direksyon ang tingin. Nagpapasalamat ako sakanya dahil sa nalaman ko galing sakanya, pero galit parin ako kasi ginamit niya ang kahinaan ko, ang mga alaala ko noon na hindi ko na maalala para sumama sakanya.

" Ako na. " Sabi ko saka ko marahas na pinunasan ang mga luha ko gamit ang aking kamay.

" Galit kaba? " Mahinahon na palambing na tanong niya sa akin. Hindi ko siya sinagot, tumayo ako, magsisimula na sana akong maglakad ng hawakan niya ko sa braso. " H'wag mo kong tatalikuran! " Malakas na sabi niya sa akin.

Napaharap ako sakanya, di parin tumitigil ang luha ko. " Bakit? Sino kaba? "

Napalunok siya, " Ako lang naman ang---- "

" Oo! Ikaw ang susi para malaman ko ang nakaraan ko! Pero hindi ibig sabihin non babalik ako sa'yo! Tandaan mo, pumayag na kong sumama sa'yo pero hinding hindi mo mababalik ang nakaraan natin! Dahil hindi na ikaw ang laking nagpapatibok ng puso ko! " Maharas kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko saka tumakbo sa harapan ng kwarto. Bubuksan ko na sana ang pinto ng muli siyang magsalita.

" Hindi lang ako ang susi sa nakaraan mo. Ako, ako ang lalaking tinanggap ka kung sino ka at kung ano ka dati. " Natigilan ako sa sinabi niya, hindi ko alam pero gusto ko pang marinig ang mga sasabihin niya.

Narinig kong suminghot siya, umiiyak. " Nang mga panahong isa kang babaeng nagtatrabaho sa bar, doon kita nakilala. Si Jessie, si Jessie ang dahilan kung bakit ako napunta sa bar na yun. Iniwan niya ko kaya nagpakalasing ako. At doon, doon ka lumapit at nakipagkilala. Alam ko, naramdaman ko noon na iba ka sa mga babaeng nagtatrabaho rin sa bar. Noong gabing din yun may nangyari sa atin, akala ko matapos ng gabing yon malilimutan na kita, pero hindi. " Napatakip ako sa bibig ko para pigilan ang mga hikbi ko, " Binalik balikan kita sa bar, ganoon din ang tuwa mo noon 'twing nakikita mo ko. Nagtapat ako sa'yo ng nararamdaman ko, and you did the same. Pagkatapos non, humiling ka sakin na itakas na kita sa bar. Ginawa ko yon, tinakas kita at sinamahan kang magbagong buhay. Pinakilala mo ako sa pamilya mo, at doon na nagsimula ang lahat sa atin. K-kaya Joey, sabihin mo nga sa akin, diba mat karapatan pa rin naman ako sa'yo? "

Doon ko na pinagpatuloy ang pagpasok ko sa kwarto at umiyak.

Bakit parang iba? Bakit parang hindi naniniwala ang puso at isip ko sakanya? Pero kung totoo yun, dapat ko na bang kalimutan si Benok at magsimula ng muli kasama si Emar?

***

Benok's POV

" Umiinom ka na naman gag* ka! " Biglang sumulpot kung saan man 'tong sira ulo kong pinsan na si Mer. (Kung di niyo naaalala si Mer, magtatampo siya sa inyo. :c )

" Wow ha? Bat ka napunta dito? Pinayagan ka ni Mae? " Bugok na 'to. Mamaya ako pa awayin ni Mae dahil inaya ko siya rito.

" Nagpaalam ako mokong. Sinabi ko na sawi at baliw na sa pag-ibig ang pinsan kong si Benok at kailangan niya ng pinsan na gwapong masasandalan. " Nagpogi sign pa ang gunggong. Di parin nagbabago, buti pa siya halatang masayang masayag kasal kay Mae at may anak na napakaganda. E ako? Ni yung babaeng mahal ko hindi ko mahagilap kung nasaan, hindi ko alam kung san siya dinala ng tarant*dong Emar na 'yun. 

" Gag*! Mukha kang bakla! " Natawa nalang kami parehas.

" Pero di nga? Ano na bang balita? Ano dinaig niya ba si labidabs Mae ko na nawala rin parang bula noon? " Ahh, oo nga pala. Nawala rin palang parang bula si Mae noon, yun pala nagpagamot sa ibang bansa dahil may sakit.

Umorder siya ng iinumin niya, " Wala e, di ko makita. Di ko alam kung pinagtataguan ako o tinago siya nung walang hiyang ex niya. "

Umiling iling pa ito, " Nako, delikado yan. Alam naman nating may amnesia si Joey mo. Baka kung ano ng pambibilog ang ginagawa ng ex niya. " Kinuwento ko lahat sakanya ang tungkol kay Joey. Neto kasing mga nakaraang araw, sobrang depress na ko, wala na kong masabihan ng problema ko kundi ang mag-asawang si Mer at si Mae.

" Yun nga ang naiisip ko e. Bullsh*t! Pag nakita ko yung gag*ng yun, humanda talaga siya sa akin. "

Tinapik ako sa balikat ni Mer kaya napatingin ako sakanya, " Pero alam mo? Kung mahal ka talaga ni Joey, siya na mismo ang babalik sa'yo. Oo, pwedeng maniwala siya sa sinasabi sakanya ng ex niya pero nakaraan na yun e. Ikaw na yung ngayon. "

At dahil don, nangiti ako,

Oo, tama siya. Hindi ako dapat mawalan ng pag-asa, babalik siya sa akin. Babalik sa akin si Joey.

______________

PS: Bwelo po muna ko. Hihihi. See you next UD! :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 20, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Para Sa Akin [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon