Chapter 16

740 21 9
                                    

LAME UPDATE. :3 Sorry. Nakakastress kasi sa school. --, HAAAY! Pero please, dont forget to vote and to leave a comment. :)

-MKB.<3

-----------------

Joey's POV

" Wag mo nga sabi akong kausapin! " Inis kong sabi sabay irap kay Nikkol. Nasa station ako para magtrabaho bilang isang DJ at hindi para balikan yung nangyari noong isang gabi. Pag kasi naaalala ko yun, naiisip ko na pinaglaruan at pinaasa lang ako. At kasabwat pa 'tong nasa harapan ko ngayon na nagso-sorry.

" Bakla naman e. Nagawa lang naman yun----- " Natigil siya dahil tinakpan ko ang bibig niya ng kamay ko. " Stop! Di ko kailangan ng explanation. Okay? Saka pwede ba, wag mo na ngang babanggitin pa ang nangyari, I'm here because of my job. So please, tama na. " Dumiretso na ko sa upuan ko at sinuot ang headset na aking ginagamit everyday.

Ayoko na ngang makarinig pa tungkol doon. Buong magdamag ko yun iniyakan kahapon saka noong gabing nalaman ko ang lahat. Kung pati ngayon, e baka maluka na ko.

Tinignan ko ang wristwatch ko, 45 mins pa before magstart ang programa namin. Napaaga ata ako ah? Napagdesisyonan kong makinig muna ng music. Nilakasan ko ang volume hanggang sa hindi ko na marinig ang paligid ko. Hanggang sa hindi ko na marinig si Nikkol na walang humpay sa paghihingi ng tawad.

Napapikit nalang ako at napasandal sa aking upuan.

Matagal na rin pala akong hindi nakakapagrelax. Simula noong problemahin ko si Emar at hanggang sa dumating si Benok, wala na kong time para maging masaya. Hindi naman kasi pwedeng iiyak at masasaktan ako lagi. Nakakasawa, nakakapagod.

" I love the way you lie----- " Napatigil ako sa pagsabay sa kanta ng may maramdaman akong mainit na dumampi sa noo ko. Kagad kong dinilat ang mga mata ko. At sumalubong sa akin ang isang bouquet ng flowers with coffee.

Lumakas bigla ang tibok ng puso ko. Napatitig ako sa pagbaba ng flowers para makita ko ang may dala nito, dala ang pag-asang ang taong inaasam ko makita.

Napangiti ako ng mapait....

" Emar... "

" For you.. " Nakangiti pa rin niyang iniabot ang dala dala sa akin. Napaayos ako ng upo at tinanggap ang mga bigay niya. " S-salamat. "

***

" Bakit ka nga pala andito? " Naglalakad kami sa hall ng company. Tutal naman may 40 mins pa bago magstart ang programa, inaya ko muna siyang lumabas at maglakad lakad.

" Because... I missed you? " Napahinto naman ako at napatingin sakanya. Binigyan ko siya ng 'huh?' look.

" Joke.. " Natawa kami pareho pero pilit yung tawa ko. E kinilabutan ako sa sinabi niya e. Wew! Nag-umpisa na kaming maglakad ulit.

" Seriously, bakit ka nga andito? May kailangan kaba? "

" Ikaw. " Napahinto muli ako at napatingin sakanya.

" Joke ulit. " Nagtawanan ulit kami . Grabehan lang ah? Di naman mahilig sa joke 'tong lalaking 'to e. Psh.

" Ikaw ah? " Pinalo ko siya ng mahina sa braso at nag-umpisa muling maglakad. Gumagaya naman siya sa paghinto at paglakad ko. "  Anong meron at ganyan ka? " dagdag ko pa.

" Dahil sa'yo. " Ganun ulit ang nangyari, huminto ako at binigyan siya ng 'nagbibiro ka diba?' look. At di naman ako nabigo, sinabi naman niyang  " Joke. " Nagtawanan ulit kami na kahit sobrang awkward sa akin at naglakad.

" Haay nako! Siguro manghihingi ka ng advice ano? "

" Oo sana e. " Napakamot siya sa ulo.

" Oh? Sabi na e! " Napa-snap pa ko. " E ano bang advice ang kailangan mo? "

" Advice para bumalik ka sa akin. " This time, nabato ako sa kinatatayuan ko. Napalingon sakanya at naghihintay ulit na sabihin niyang joke.

" Jokes are half meant. Pero kasi, hindi na 'to biro, so wala nang 'joke'. Totoong totoo yun Joey. I still love you and I want you bac---  "

" Hindi ba napag-usapan na natin 'to Emar? "

" Pero diba sinabi ko rin na hindi ako susuko? " Lumapit siya at ngumiti. " Lahat gagawin ko para mapatawad mo ko, lahat gagawin ko para bumalik ka lang sa akin. " Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. " Desperado na ko sa'yo. "

Ewan ko, pero parang mauubusan ata ako ng hininga. Sobrang lakas ng tibok ng pulso ko. Siguro dahil sa pressure na bininigay sa akin ni Emar ngayon.

Sasagot pa sana ako ng bigla niyang halikan ang kamay ko, " Sige na, bumalik ka na sa istasyon. Basta, di ako susuko sa'yo. " Binitwan niya ko at sabay tumakbo.

Napailing nalang ako at napabuntong hininga.

" Ayan na naman tayo Joey, papaibigin, papaasahin at sasaktan. "

***

Benok's POV

" Nasaan siya? " Tanong ko kay Nikkol na kulang nalang sumayad ang nguso sa lupa. Inilapag  ko ang bulaklak at chocolates na dala ko para kay Joey. Gusto kong humingi ng tawad, kahit paulit ulit pa. Kahit magdamag pa. Pero wala siya dito.

" Lumabas, kasama si Emar. " Matipid niyang sagot.

Ewan ko, pero bigla ko nalang naitikom ang mga daliri ko at nagmamadaling lumabas ng studio.Tatakbo na sana ako palabas para hanapin sila at kumain sa restaurant ng may nahagip ang mga mata ko.

" Pero diba sinabi ko rin na hindi ako susuko? " Lumapit si Emar kay Joey na ngiting ngiti.  " Lahat gagawin ko para mapatawad mo ko, lahat gagawin ko para bumalik ka lang sa akin. " Psh! May pahawak hawak pang nalalaman ang gag* kay Joey! " Desperado na ko sa'yo. "

Desperado? Tang*na niya! Baka mabangasan ko pa pagmumukha nitong mokong na 'to e.

Tinignan ko si Joey, umaasa akong tatanggihan niya si Emar at papalayuin sakanya.

Binuka niya ang kanyang bibig kaso bigla siyang hinalikan ni Emar sa kamay " Sige na, bumalik ka na sa istasyon. Basta, di ako susuko sa'yo. " Binitwan ito at tumakbo papunta sa direksyon ko.

Nang makita niya ko, huminto siya, ngumiti na parang aso at tinapik ako sa balikat.

" Magiging akin ulit ang akin. Tandaan mo yan. "

Para Sa Akin [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon