Jo's POV
"Katawan ni Kristo."
"Amen." sagot ko sa pari bago niya isubo ang ostya sa bibig ko.
Nasa simbahan ako ngayon. Every Sunday wala akong programa sa radyo kaya nakaugalian ko na magsimba sa Quiapo church. Mag-isa lang ako ngayon, busy kasi sila mama, tatay Pogz at ate Rocha. Nakakalungkot nga at hindi kami kumpleto ngayon.
Dumiretso ako sa kinauupuan ko kanina sa pinakagilid saka lumuhod.
"Lord, magpapasalamat lang po ako sa araw-araw na binibigay niyo po sa akin para mabuhay. " napahinto ako ng marinig ng cellphone na nagri-ring. Kanina pa kasi 'yun bago ako lumuhod. Nakakaistorbo kasi at nakakabastos dahil nasa tirahan siya ng Diyos. Hinanap ko kung saan nagmumula ang tunog.
Nawala naman yung tunog akmang yuyuko na muli ako para magdasal nang bumalik na naman ang tunog. Tumigil ako sa pagdarasal at hinanap kung saan at kanino nagmumula 'yon. Bingi ata ang may-ari ng cellphone na 'yun at hindi naririnig ang pagri-ring. Mga tao nga naman oh!
Nang mahanap ko na kung saan galing ang tunog, lumapit ako at kinalabit ko yung taong nagmamay-ari nun. Malapit din kasi siya sa akin e, mga apat na tao lang ang pagitan namin. "Pwede bang i-silent mo yang cellphone mo? Abala kasi sa mga nagsisimba rin." mataray kong sabi pero pabulong lang. Wala akong pakialam kung magalit siya sa akin, nasa tama naman ako.
"Huh?" Lumingon siya sa akin saka tinanggal ang earphones na nakasuksok sa tainga niya. Napa-iling ako. Ang tindi naman nito, soundtrip sa simbahan.
Napatitig ako sakanya, hindi kasi siya sumagot kaagad sa akin. Maya maya'y ngumisi siya, alam kong nakilala niya ako at nakilala ko rin naman siya. Akalain mong nagsisimba pala 'tong hilaw na gwapong 'to!
"It's you again! So what is it now?" He smirked. Gusto kong balaan ang mga tao sa simbahan na kumapit ng maigi sa kinauupan nila. Ito na naman kasi siya sa pagiging mahangin niya.
Inirapan ko lang siya. "Pwede bang----"
Pinutol niya kagad ako, "H'wag sabihing nawalan ka na naman ng sandwich? At ako ulit ang may kasalanan?" Habang kinukuha niya yung ipod touch niya pagkatapos ay pinatay at binalik sa bulsa.
Tumaas na ang isa kong kilay. "Pwede ba ha?! Yung cellphone mo kase tunog ng tunog. Nakakabwisit na!" Hindi ko parin naman nakakalimutang nasa loob ako ng simbahan kaya pabulong lang ako magsalita.
Ewan ko ba, pero kapag nakikita ko 'tong lalaking 'to automatic na nag-iinit ang ulo ko. Nakakainis kasi, hindi lang pala siya mayabang may pagkabastos din. Sana hindi nalang siya nagsimba!
"Ohh." Parang may natandaan naman siya saka kinuha 'yung cellphone niya, itinapat niya sa akin yung screen ng phone at pinatay, "Okay na?" tapos nginitian niya ko ng ubod ng tamis.
BINABASA MO ANG
Para Sa Akin [editing]
RomanceSi Joey ay isang babaeng DJ sa radio, masaya siya sa buhay niya. Masaya siya sa pamilya niya. May taong nagmamahal sakanya ng buo. Pwedeng nasa kanya na lahat. Pero sa kabila ng lahat ng iyon, hindi niya maalala lahat ng nangyari sa nakaraan niya at...