Jo's POV
"Hello?" Kinaway ko na ang kanang kamay ko sa harapan ng mukha niya. Mukha kasing nastar-struck si Kuya sa ganda ko. Chos! Nangangarap lang.
"Ha-hi." Ngumiti siya na para bang naiilang.
"Uhm. A-ako si Joey, 'yung kapitbahay niyo. Ayun yun bahay namin oh." Tinuro ko pa 'yung bahay namin. "Welcome nga pala dito sa subdivision."
Nag-expect ako na sasagot siya pero wala siyang ginawa kundi titigan ako sa mukha. Nakaka-concious naman si Kuya!
"A-ano. Ako rin yung DJ Pipay sa radio." Tama naman ang ginagawa ako ano? Para saan pa't naging DJ ako kung hindi ako magiging madaldal. Dahil hindi parin siya sumagot, nagsalita nalang ulit ako. Siguro ganito lang talaga si kuya kapag nakakita ng dyosa. Pwera biro 'no?
"Andito ako kasi. Pa-para bigyan ka sana ng lasagna." Medyo tinaas ko yung tray para makita naman niya. "Nagluto kasi ako kanina, kaso napansin kong napadami pala ang luto ko at hindi namin mauubos. Sayang naman kung itatapon kaya, napagpasyahan kong ibigay nalang sa'yo. Tutal, parang welcome gift ko na sa'yo 'to at parang peace offering na rin dahil alam mo na.. Yung first meeting natin... Hindi naging maganda.." Sana naman may sabihin na siya sa dami ng sinabi ko. Pero kung wala pa rin siyang sasabihin, aalis nalang ako baka kasi ayaw niya sa madadaldal tapos daldal pa ako ng daldal baka mamaya sapakin nalang ako nito bigl-----
Ay ang cute ni kuya! Napakamot siya sa likod ng ulo niya, "A-ahhh. Pa-pasensya ka na rin noon ha?" Matapos ay nginitian niya ulit ako. Napapadalas ang pagngiti niya sa akin kaya naman napapadalas din ang pagpansin kong gwapo pala siya.
"Ahh. Wala yun. A-ako pa nga dapat ang magsorry. Nagalit pa ko sa'yo nun pero niligtas mo naman ang buhay ko." Bigla ko nalang naisip na magpapakamatay ako para lang sa isang sandwich. Na pwedeng pwede ako magpagawa kay Tatay Pogz ng napakaraming sandwich!
"W-wala yun." Bat kaya siya nabubulol? Siguro nga may lahing ibang bansa ito at bagong salta lang dito sa Pinas kaya ganito magsalita.
"Pero.." Inabot ko ang kamay niya at iniabot sakanya ang tray na hawak ko. "Tanggapin mo na 'to para peace na tayo." Ngumiti ako ng malapad.
Totoo nga na parang ang gaan sa pakiramdam kapag nakipag ayos kana sa mga taong minsang nakagalit o nakatampuhan mo. Feeling ko kasi kahit ngayon lang kami nagkakilala, nakita at nakilala ko siya noon pa. Kahit napaka imposible namang mangyari.
Sa tingin ko naman hindi siya suplado o masama ang ugali. Para ngang masarap pa siyang maging kaibigan.
"S-salamat." Kung hindi lang ako sanay sa ganito, malamang inisip ko na na nagpapacute siya sa akin, pang close up toothpaste kasi 'yung ngiti nya. Sobrang puti at pantay pantay ang mga ngipin niya. Nahiya ako bigla, nakapag toothbrush ba ako nitong umaga? Teka, inaalala ko pa.
"May nakakatawa ba?" Medyo nakakunot 'yung noo niya.
BINABASA MO ANG
Para Sa Akin [editing]
RomanceSi Joey ay isang babaeng DJ sa radio, masaya siya sa buhay niya. Masaya siya sa pamilya niya. May taong nagmamahal sakanya ng buo. Pwedeng nasa kanya na lahat. Pero sa kabila ng lahat ng iyon, hindi niya maalala lahat ng nangyari sa nakaraan niya at...