XIX. Tooth Brush

38.4K 1.4K 179
                                        

19. Tooth Brush

Marami akong dalang plastic bag na kung saan nakalagay ang mga pinamili namin ni Domeng. Sa sobrang dami ay may bitbit rin si Domeng sa magkabilang kamay niya.

Kaagad kaming umakyat sa taas para puntahan si Miggy at si Paeng. Ano na kayang ginagawa nila? Sana naman ay maayos na ang pakiramdam ni Miggy. Ayaw ko pa naman ng pinag-aalala, nakakabaliw kaya 'yung ganoong pakiramdam.

"Don't be hurry, you might slip your feet," paalaala sa akin ni Domeng noong nagmamadali akong umakyat sa hagdan.

"Sorry na," sabi ko at hinintay ko siya sa kinatatayuan ko.

"That's good," sabi niya at sabay na kaming umakyat. Pagkarating namin sa second floor ay lumiko kami sa kanan para puntahan ang kwarto ni Miggy.

Binuksan namin ang pinto at nakita namain si George at si Doc, "Anong nangyari?" tanong ko at inilapag sa coffee table ang mga supot na hawak ko.

"Wala naman, Nica. Pinacheck ko lang si Miguel." saad ni George na nagsimulang halukayin ang mga pinamili namin.

"Ah, Paeng, akin 'yung french fry diyan baka kuhanin mo kasi. Sasakalin talaga kita," banta ko at biglang tumawa si George. Baliw talaga siya, tsk.

"Oo na, baka french fries." bwelta niya at handa na akong magsalita noong tinakpan ni Domeng ang bibig ko.

"Don't bother to ask why. She will call you stupid," sabi niya kay George na kasalukuyang binubuhos ang syrup sa pancakes.

"Paracetamol na lang ang ipainom niyo sa kanya dahil humupa naman na ang init ng katawan niya, every 4 hours para totally na maalis na ang sinat niya," sabi sa amin ni Doc na hindi ko pa rin alam ang pangalan ngayon.

"Okay po, doc." sabi ko at nagpaalam na kami sa kanya. Hinatid siya ni George sa labas at kaming dalawa ni Domeng, Miggy at ako ay naiwan sa kwarto.

Umupo ako sa tabi ng kama ni Miggy at hinipo ang noo niya, "Mainit ka pa rin," saad ko at biglang dumilat si Miggy at hinawakan ang kamay ko na nakahawak sa noo niya.

"Nagugutom ka ba?" tanong ko at kinuha ang bowl ng lugaw na binili namin sa Chowking. Mabuti na lang pala at naisip ko na dumaan doon after naming mag-Mcdonalds. Hindi siya sumagot pero tumango siya, "Say ahh..." sabi ko at ibinuka niya ang mapupulang labi niya.

Sinubuan ko siya ng sinubuan hanggang sa mapangalahati namin ang mangkok, "Isa pa, please.." sabi ko sabay nagpaawa sa kanya. Napabuntong hininga siya dahil sa tingin ko ay busog na siya.

"Salamat," sagot niya at pinahigop ko siya sa straw na may laman na tubig.

"Naiinitan ka ba? Do you want me to turn on the aircondition unit?" tanong ni Domeng sa kanya. Umiling lang ito at humarap sa kabilang gilid mg kama.

Hawak hawak niya pa rin ang kamay ko, "E.. ano, 'yung kamay ko Miggy," sabi ko at unti unti niya itong pinakawalan.

"Matutulog muna ako sa kwarto ko, Eumi. Katukin mo niyo na lang ako kapag may kailangan kayo," matamlay na sabi ni Domeng. Marahil ay sobrang puyat siya dahil siya ang may pinakamatagal na oras ng pagbabantay.

Tumango na lang ako sa kanya at ngumiti, "Good morning, sweet dreams!" sabi ko at dumating naman si George. Nakapoker face lang si Domeng noong lisanin niya ang kwarto ni Miggy.

Humikab si George bago kumain ulit ng pancakes, "Nica my loves, inaantok ako," sabi niya. Halata na ang pangingitim ng ilalim ng mata niya. Sobrang lulusog ng eyebags niya.

"Matulog ka na muna tutal tulog rin naman si Miggy. Ako na lang muna ang magbabantay," sabi ko at tumango siya sa akin.

"Nica, wala ka bang assignments?" tanong niya sa akin sama naghikab ulit.

These Three JerksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon