26. George's Insanity
Natigil kaming lahat dahil sa malakas na pagsabog. Parang yumanig ang buong bahay, may sumabog sa parte ng kusina. Nagmamadali kaming pumunta doon.
"Sunog!" sigaw ni George. Para akong naestatwa sa kinaroroonan ko. Halo halong takot ang umuusbong sa dibdib ko lalo na ng makita ko ang microwave na nagliliyab. Ang matandang babae naman na tinatawag ni George na grandma ay hinimatay.
"A-anong n-nangyari?" tanong ko.
"Nica, pwede ba umalis ka muna diyan sa daraanan ko?!" sabi ni George habang hawak ang isang pulang tangke. Pumunta siya sa nasusunog na microwave at lumubas sa hose ang isang puting usok. Naapula ang apoy, "Pakipatay nga ang fuse!" sigaw nito sa mga alalay ni grandma.
Inabutan ako ng tubig ng nurse ni grandma, "S-salamat..." sabi ko. Napaupo na lang ako sa sahig. Naiiyak ako hindi sa takot, naiiyak ako dahil parang nagagalit si George. Ano bang katangahan ang ginawa ko?
Nagulat ako noong tinabihan ako ni George. Nakangiti na ulit siya, hindi na tulad ng kanina.
"Ayos ka lang ba?" tanong niya sa akin. Dahan dahan akong tumango.
"Sorry, nasigawan kita kanina. Nataranta lang ako." Dagdag niya.
"G-george, k-kasalanan ko ito.." sambit ko kasabay ang pag-agos ng luha sa mata ko, "Ako ang gumamit ng microwave at nilagay ko doon 'yung delata. H-hindi ko talaga alam. Sorry.. sorry." Nginitian lang ako ni George sabay ginulo ang buhok ko.
"Huwag mo na uulitin 'yun, ako na magsasabi kay kuya tungkol dito." Tumayo siya at iniabot ang kamay niya sa akin. Kinuha ko naman ito at inalalayan niya akong tumayo.
"Pero George, 'yung lola mo. Baka palayasin niya ako dito." Sabi ko sa kanya. May kaba pa rin sa puso ko. Paniguradong magagalit talaga ang lola niya sa akin. Muntik ng masunog ang bahay ng dahil sa akin. Muntik ko na rin silang ipahamak.
"Think positive. Magiging ayos din ang lahat and besides, mabait naman si grandma," pumalakpak siya ng tatlong beses at laking gulat ko noong nasa tabi niya na si Coffee habang kumakawag ang buntot nito.
"Mabuti naman at masigla na 'yung alaga mo, George." Naglakad papunta sa pool area. Nauuna si Coffee sa paglalakad at sinusundan lang namin siya ni George. "Teka, kailan ba babalik si Dominique? Parang ang tagal, e." tanong ko.
"Ewan ko ba doon kay kuya, magulo rin kasi mag-isip 'yun. Pwede bang humingi ng favor?" tanong niya sa akin. Tumango naman ako. "Matutulog muna ako sa taas, napagod kasi ako sa pagdadrive. Hindi ko na talaga kayang labanan ang antok. Ikaw muna magbantay kay Coffee, at kapag kinukulit ka na ni Grandma ay tawagin mo na lang ako." Mahinahon na pagkakasabi niya.
"Baka kagatin ako ni Coffee ah, kausapin mo muna siya na ako ang magbabantay sa kanya. Grabe, diba dapat ang aso ang nagbabantay sa atin? Hindi naman ako aso, e." natatawang sabi ko.
"Nica, kagagaling lang kasi ni Coffee sa sakit. Ayaw ko naman na magkasakit pa siya ulit, baka hindi ko na kayanin. Tingnan mo nga oh, nangayayat na siya. Parang tao rin 'yung mga aso," napangiti na lang ako sa sinabi niya. Mababatid mo talaga kung gaano niya kamahal ang alaga niya.
"Coffee, sobrang close niyo ni George 'no? Talagang mahal na mahal ka niya," sabi ko sa aso. Nakalublob ang paa ko sa tubig dito sa pool habang si Coffee naman ay nasa tabi ko. Kanina pa kami iniwan ni George. Natigil ako sa pagsasalita noong nakita ko si Grandma na naglalakad papunta sa kinaroroonan ko.
Nagsilabasan na naman ang mga paru-paro ko sa aking tiyan ng dahil sa kaba. Tiyak na mapapagalitan niya ako panigurado, "Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap." Aniya.

BINABASA MO ANG
These Three Jerks
Teen FictionClumsy, noob, slow-poke - these words describe Nica Eumice Sevilla. She moves from a remote place in the Philippines to the city. Then she finally met these three jerks. At first, they thought that Eumice was a clumsy and an idiot girl, but what wil...