Bilis ng update kasi ang daming comments nung nakaraan. Hahaha
Comment lang para sa motivation hahaha!
****
13. Suplado
Napalingon ako sa kanya at nagkatitigan kami, "Ang ganda ng mata mo naka-contact lens ka?" tanong ko. Hindi ko kaasi gaanong narinig 'yung sinabi n'ya dahil sumigaw ng bongga si Fatima.
Puno ng pagtataka ang mukha n'ya ngayon, "You didn't hear it?" tanong n'ya at tumango naman ako.
"Pero di ako bingi!" depensa ko, "Ang lakas kasi ng boses ni Fatima. Sorry, ano nga ulit 'yung sabi mo?" tanong ko pero inirapan n'ya lang ako. Kinalabit ko s'ya para humarap s'ya sa akin pero lumipat na s'ya ng upuan.
"Alam mo bakla lang ang umiirap." pahayag ko at tumingin naman s'ya, "Huwag mo na akong irapan, sige ka. Tutuksuhin kita ulit ng bakla, Miggy." sumaya bigla ang reakyon n'ya ng dahil sa sinabi ko. Lalagyan ko na ba s'ya ng malaking check at ilalagay sa listahan ng pederasyon? Aw, sayang naman s'ya. .
"You called me, Miggy?" napa-hawak pa s'ya sa magkabilang balikat ko, "You can recall m—" napalitan ng lungkot ang ekspresyon n'ya ng dahil sa sunod kong sinabi.
"Trip ko lang tawagin kang Miggy? Bakit? Masama bang tawagin kita sa ganoong pangalan?" tanong ko pero naawa ako sa mukha n'ya, "Fine. Hindi na Miggy ang itatawag ko sa'yo. Mmm..wait mag-isip ako ng bago." naku, sumama pa ang loob n'ya ng dahil sa sinabi ko. Ikaw naman kasi Eumi, ang bilis bilis mo magsalita. Na-offend tuloy 'yung tao. Sermon ko sa sarili ko.
"Aha! Alam ko na ang itatawag ko sa'yo!" excited kong sabi at ngumiti naman s'ya, "Ang bagay na itawag sa'yo ay. . . Princess Miguelicious!" napapalakpak ako dahil sa naisip ko. Naku, nagtampo pa ang baklang 'to! Kainis ah, feeling may ovaries.
"Huwag ka na magtampo bakla ka! Tunog maganda naman ang tawag ko sa'yo.." nagulat ako ng bigla n'yang inilapit ang mukha n'ya sa akin, halos magpalitan na kami ng hininga, "I'm not gay, Niknik. Baka gusto mong halikan kita dito?" napalunok ako bigla sa sinabi n'ya.
Eh? Di pala s'ya bakla? So bakit s'ya na-offend ng tinawag ko s'yang Miggy? Hays, nakakahiya pa tuloy.
"Dwight!!!" may sumigaw na babae sa harapan namin kaya humiwalay sa akin si Miggy.
"Ate, nasa class room lang tayo. Ang lakas ng boses mo. Singer ka ba?" ganyan mga napapanood ko sa tv e. 'Yung mga bumibirit ba! Ganyan kalakas ang mga boses nila. Hihi, singer kaya s'ya?
Sinamaan n'ya ako ng tingin? Bakit kaya? Siguro, ayaw n'yang tawagin s'yang singer. Diba may mga tinatawag na ghost singer? Hala! Multo si ate!!!
"S—sorry.." umiwas ako ng tingin, ni hindi man lang nilingon ni Miggy 'yung babae. Ako lang ba ang nakarinig ng sigaw ng multong 'yun? Ahhh!!!
"Bakit ka namumutla Niks?" tanong sa akin ni Gabby.

BINABASA MO ANG
These Three Jerks
Teen FictionClumsy, noob, slow-poke - these words describe Nica Eumice Sevilla. She moves from a remote place in the Philippines to the city. Then she finally met these three jerks. At first, they thought that Eumice was a clumsy and an idiot girl, but what wil...