XXVII. The Stains

17.5K 683 221
                                    

27. The Stains

Napalingon kaming pareho kay grandma na papalapit sa kinatatayuan namin, "Pero grandma, pinatay niya 'yung bestfriend ko." Angal ni George. Masakit pa rin ang tono ng pananalita niya, hindi ko maipagtanggol ang sarili ko dahil totoo naman na namatay 'yung aso niya ng dahil sa akin.

"Mabubuhay pa ba si Coffee kapag pinalayas mo siya?" mahinahong tanong nito.

"Pero grandm-"

"Walang ng pero pero. Tigilan mo ko George, hindi ka ba naaawa kaibigan mo na ito? Gabi na at maraming masasamang nilalang sa labas." Masungit na sabi nito na para bang hindi niya ininda ang mga binanggit niyang salita kay George. Bumaling siya ng tingin sa akin, "Sumunod ka sa akin at itigil mo 'yang pag-iyak mo."

"Grandma, siguro mabuti na rin pong umalis na lang po ako. Kaya ko naman po ang sarili ko." Ani ko.

"Ano sa sinabi ko ang hindi mo maintindihan? Ang sabi ko kanina walang aalis at walang lalayas. May sinabi ba akong lumayas ka?" napayuko ako sa sinabi niya. Nakakatakot ang boses niya na para bang mababaril ka kapag hindi ka sumunod sa mga sinabi niya, "Gutom na ako at hinihintay ko ang luto mo."

Matatapos na kami sa pagkain ng dumating bigla si Domeng. Walang emosyon sa mukha niya. Napalingon kami nila George at Grandma sa kanya. Hindi pumayag si Grandma na hindi sumabay si George sa amin sa pagkain ng hapunan. Parang isang batas ang lola nila. Lahat ng binibitawang salita nito ay nasusunod.

"Hijo," banggit ng matanda at lumapit si Domeng dito para humalik. Umupo naman siya sa tabihan ko pagkatapos niyang yumakap at humalik sa lola niya. Wala akong imik at ibinaling ang tingin sa plato ko.

Tahimik ang lahat. Tahimik at malamig ang trato sa akin ni George. Nag-try pa ako kanina na pagsilbihan siya pero masasakit na salita lang ang natanggap ko mula sa kanya. Kaya bandang huli ay napagdesisyunan ko na lang na hindi na lang siya kausapin.

"Bakit ang tahimik niyo? May nangyari ba?" tanong ni Domeng sa amin. Walang sumagot sa tanong niya. Nagkatinginan lang kaming tatlo maliban kay George. "Saan mo nakuha 'yung pasa diyan sa braso mo, Eumi?" napatigil ako sa pagkain at napalingon sa braso ko na nagkaroon na ng itim na marka.

Sinubukan kong ibaba ang manggas ng damit ko pero hinawakan lang iyon ni Domeng. Sinipat niya ng tingin ang mahapdi kong braso, "Saan mo nakuha 'to?" tanong niya.

"Nabunggo lang ako sa pinto kanina." Pagsisinungaling ko.

"Una braso?" tanong niya at tumawa.

Walang natawa sa tanong niya.

"Bakit feeling ko may nangyari na hindi maganda?" tanong nito sa amin.

"Busog na ko grandma, aakyat na po ko sa taas." Napunta ang tingin ni Dominique sa kapatid niya.

"Nasaan si Coffee? Akala ko ba ngayon ang balik niya?" sunod na tanong ni Dominique. Nagulat ang lahat noong nagsimula na akong humikbi. Patuloy ang agos ng luha ko sa mga mata ko. Hinawi ni Dominique ang mga buhok na tumatakip sa mukha ko. Kung gaano kabilis ang paghaplos ni Dominique sa likod ko ay ganoon rin kabilis ang pag-agos ng luha ko.

"My best friend's already dead. You can ask her why." Tugon ni George at umalis sa kinaroroonan niya.

Isang oras na ang nakalipas noong kumain kami. Nasa labas kaming dalawa ni Dominique. Nakatingin lang ako sa kawalan. Maitim ang langit at wala gaanong bituin. Malamig ang simoy ng hangin at nagbabadya ang pag-ulan.

"He shouldn't treat you like that kahit na namatay pa 'yung alaga niya. I am very disappointed with him. Hindi ko lubos maisip na magagawa niya 'yon sa'yo. Of all the people na mananakit sa'yo ay siya pa?" nanatili akong nakatahimik at taimtim na nakikinig sa mga sinasabi niya.

"Kinausap ko na si George at galit rin siya sa akin. Bakit hindi ko raw siya kinampihan." Dagdag niya.

"Natural lang naman na magalit si George sa ginawa ko."

"But it's not your fault. Siya na lang ang humingi ng favor ay siya pa ang nakuhang magalit. Anong malay mo sa pag-aalaga ng aso? Wala diba. So he should stop blaming you dahil hindi mo naman talaga alam."

"Bobo kasi ako." Bulong ko.

"Hey, stop saying that. Naiinis ako kapag sinasabi mo 'yan. Hindi ka rin tanga o kung ano pa man." Iiling iling na sabi niya.

"Bakit ang bait mo sa akin, Dominique?"

"Dahil mahal kita, at ayaw kitang nasasaktan."

"Bakit parang umiinit ang mukha ko sa mga sinabi mo?" tanong ko. Hindi ako makatingin sa kanya kahit katabi ko lang siya. Lumayo pa nga ako sa tabi niya dahil parang kinukuryente ako kapag nadidikit ang braso ko sa mainit niyang braso.

"Baka kinikilig ka na sa akin. Mahal mo ba ako?" tanong niya.

"Oo naman, ang bait mo kayang kaibigan." Tugon ko.

"Awtsu friendzoned?" natatawa niyang sabi.

"Ha?" tanong ko.

"Hindi ganun, Eumi. Nakakainis ka naman, e. Mahal mo ba ako higit pa sa kaibigan?" tanong niya.

"Ah, akala ko naman kung ano. Oo naman, para na nga kitang tatay sa panenermon mo palagi." Nalaglag ang panga niya sa sinabi ko.

"Double kill." Banggit niya.

"Ha?" tanong ko.

"Naiinis na ako sa'yo, Eumi. Ang hirap namang i-explain sa'yo. Huwag na nga lang sa ibang oras na lang. Hindi pa siguro ito ang tamang panahon."

"Ang gulo mo rin kaya kausap. Ako pa sinisi mo." Bulong ko at hinawakan niya ang kamay ko, napalingon ako sa maamo niyang mukha, "Bakit nakukuryente ako sa'yo? Hindi ka naman saksakan diba? Saksakan ka lang ng pogi." napangiti siya sa sinabi ko.

"Talaga?"

Napatingin ako sa bandang leeg niya. "Bakit parang namumuo 'yung dugo sa ibaba ng leeg mo? Saglit nga, parang may pasa ka ata." Sabi ko at iniwas niya ang katawan niya sa akin.

Tumalikod siya sa akin.

"Gusto ko na atang matulog." Mahinang sabi niya, "Tara matulog na tayo."

"Domeng naman, ipatingin kaya natin kay grandma 'yang sugat sa leeg mo? Hindi ko rin kasi alam kung ano iyan. Baka ikamatay mo 'yan. Ipatingin mo rin kaya kay George?"

"Huwag na nga sabi, ang kulit."

"Aba, ikaw pa ang nagagalit. Ako na nga lang ang nagmamalasakit sa'yo."

"Hindi naman sa nagagalit pero pagod na talaga ako."

"Okay, sabi mo, e. Good night, Dominique." Niyakap ko siya sa likuran niya at naramdaman ko ang pagtigas ng katawan niya. Para siyang naestatwa, "Naiinis ako dahil bakit amoy babae ang pabango mo." Sabi ko at iniwanan siyang nakatayo sa garden. 

Mas lalo akong nainis noong lumalabas na ang tunay na kulay ni Domeng, bakla pala talaga siya. Bakit kasi may marka siya ng lipstick sa likod ng suot niyang damit.


These Three JerksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon