20. Hapagkainan
"George naman! Ang bagal bagal mo naman magbihis! Bilisan mo naman!" sigaw ko sa labas ng pinto ng kwarto niya. Kanina pa kasi siyang nasa loob at medyo naiirita na ako dahil may pasok kami ngayon.
"Saglit lang!" sigaw niya pabalik. Mas nilakasan ko pa ang katok sa pinto para mas lalo siyang magmadali, "Wait lang Nica!" sigaw niya ulit. Hays, nagugutom na ko e.
"Bahala ka nga, bababa na ako para kumain!" padabog kong sabi. Tumalikod na ako sa pinti niya pero nagulat ako noong may mainit na braso ang umakbay sa akin.
"Sorry na nga," sabi ni George at sinimangutan ko lang siya. Napansin niya iyon, "Kitten naman.." sabi niya at napakunot ang noo ko.
"Hindi ako si Kitten," bwelta ko at tinungo naman ang hagdan. Kanina pa naghihintay si Domeng at Miggy sa dining room dahil sabay sabay kaming kakain ng almusal.
"Kitten na ang itatawag ko sa'yo. Para ka kasing pusa kung magtampo," pag-aamo niya sa akin.
"Puppy naman ang itatawag ko sa'yo." sagot ko at lumawak ang ngiti niya.
"Bakit naman puppy?" tanong niya sa akin. Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko at halos naaamoy ko na ang hininga niya. Mabango ito at hindi nanununtok.
"Kasi mahilig ka sa aso. Di ba nga? May dog ka? Si Coffee?" tanong ko at ngumiti siya sa akin.
"Ah, oo nga. Nasa veterinarian pa nga si Coffee dahil may check up siya. Halos isang linggo na siya doon dahil hindi siya nakakain. May sakit si Coffee e," malungkot niyang sabi.
"Bakit naman siya nagkasakit?" tanong ko noong nakababa na kami sa hagdan. Nakapalupot pa rin ang braso niya sa balikat ko.
"Medyo may katandaan na si Coffee. Bata pa lang ako ay magkaibigan na kami. I'm eighteen already. Sabi ni Dad, nasa akin na si Coffee noong three years old ako." napa-ahh na lang ako habang nagcocompute kung ilan taon na ang malaking aso niya.
"Anong breed n'on?" tanong ko.
"German Shepherd," sagot niya at binuksan ang pinto papunta sa dining room.
"Ay? Ang akala ko breed crumbs.." sagot ko at nakita kong kumunot ang noo niya at biglang humagalpak sa tawa. Weirdo talaga 'yung isang 'to. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko.
Hindi ko na siya pinansin at ipinaghila ako ng upuan ni Domeng, "Thank you," sabi ko sa kanya at ini-snob niya lang ako.
Bago kami nagsimula ay niyaya ko muna silang magdasal. Ako ang nanguna dahil ang tatamad nilang tatlo. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa kanila? E hindi naman ata sila sanay magdasal.
"Ang tagal naman, Nica. Gutom na ko." bulong ni George sa kalagitnaan ng pagdadasal ko. Nag-shh ako at nagpatuloy.
"..maraming salamat po Lord sa mataba at malaking hotdog ni Domeng, sa mabilog na itlog ni George, at sa mahaba at masustansuyang saging ni Miggy." nakapikit lang ako at parang narinig ko na napa-ohh ang tatlo.
Idinilat ko ang mata ko at nag-Amen na. Silang tatlo ay parang nangulay kamatis, "Anong nangyari sa inyo?" tanong ko at umiling sila ng sabay sabay.
"Kumain na tayo ng mga hinanda niyo, ang sasarap pa naman ng hotdog, itlog at saging sa mesa." Pahayag ko at namula na naman sila.
Inuna kong isubo 'yung hotdog, "Hindi talaga kumakasya sa bibig ko 'yung hotdog mo Domeng. Saan mo ba nabibili 'to? Ang laki laki. Baka mabulunan ako nito," sabi ko at sumubo ng mainit na kanin pagkatapos.
"Malaki talaga 'yung hotdog ko," sabi niya sa akin at kumuha ng toast loaf bread sa lamesa. Ito ang napapansin ko kay Domeng, hindi siya mahilig sa kanin.
Kinuha ko naman itlog na nilaga at binalatan, "Bakit ito naman ang niluto mo, Paeng?" tanong ko sa kanya.
"Simple lang, para may kapartner 'yung hotdog." sagot niya at nagpatuloy sa pagkain.
Noong payari na kaming tatlo ay inabutan ko sila ng tag-iisang saging, "Oh ayan, para mabusog tayo at hindi tayo mabilis magutom. Kumain tayo ng saging," sabi ko at itinaas ang hawak kong matabang saging.
"Ay! Ganyan ka pala humawak ng saging?" tanong sa akin ni George na parang gulat.
"Oo, dapat firm ang paghawak mo dito. Mas masarap kaya sumubo nito kapag sobrang hawak na hawak mo," sagot ko sa kanya.
"Ah, ang galing mo nama—fuck!" sagot sana ni George kaso binato siya ng balat ng saging sa mukha.
"Kuya Dominique, what was that for?!" Galit na sabi niya.
"Stop talking, you're style was too primitive!" sagot nito at tahimik lang kaming dalawa ni Miggy. Marahil ay nahihiya pa rin siya sa dalawa.
"Ha? Ano bang sinasabi mo, Kuya?" tanong ni George sa Kuya niya.
"Dog style, Domeng. Mahilig siya sa aso e," sabi ko at natawa. Para kasing tanga 'yung dalawang ito. Ang hilig nilang mag-away. Napatingin silang tatlo sa akin at napa-sign of the cross si George. Si Domeng naman ay napamura at napahawak ng mahigpit sa baso si Miggy.
Sinurrender ko ang kamay ko sa ere. Binigyan nila ako ng tingin na para bang sobrang laki ng nagawa kong kasalanan. Napatayo na lang ako sa upuan ko at ngumiti sa kanilang tatlo, "Pumasok na kaya tayo?" tanong ko at dahan dahan silang nagtanguan. Wala namang mali sa sinabi ko ha? Hays, ang weird talaga nilang tatlo.
Wait, sila ba o ako?
BINABASA MO ANG
These Three Jerks
Teen FictionClumsy, noob, slow-poke - these words describe Nica Eumice Sevilla. She moves from a remote place in the Philippines to the city. Then she finally met these three jerks. At first, they thought that Eumice was a clumsy and an idiot girl, but what wil...