XXIV. Specimen

24.1K 782 141
                                    

24. Specimen

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil sa sunod sunod na ring ng telepono ko. Kinuha ko ito at idinilat ng sapilitan ang aking mata, napapikit pa ako dahil nakakasilaw ang liwanag na nagmumula dito, "Hello? Bakit ka natawag, Sarah?" tanong ko sa kanya.

"Girl, good morning! May important akong sasabihin!" sagot niya. Nakakatuwa talaga itong boses ni Sarah, malambing na bungisngis. "Nagising ba kita?" tanong niya pa.

Tumingin ako sa digital na orasan na binili sa akin ni George, hays, buti na lang talaga at binili niya ako nito, ang hirap kaya malaman ang oras kapag analog ba 'yun? Ay, ewan ko ba.

"Oo, nagising mo ko." Sabi ko sa kanya ng deretso. "Ano bang important na sasabihin mo? Siguraduhin mong importanter 'yan sa pagtulog ko." Dagdag ko. Napatawa naman siya. "Anong nakakatawa?" dugtong ko.

"Wala namang importanter na word, girl!"

"Ay wala ba?" tanong ko at humalakhak siya sa kabilang linya. Tumagilid ako sa deretso kong pagkakahiga. "Sorry naman, akala ko meron." Ano bang klaseng babae na 'to, alas-tres pa lang ng madaling araw. Ang aga niya naman tumawag.

"Ganito kasi, hindi na ako makakapunta diyan mamaya. Kaya ikaw muna siguro ang mag-asikaso ng dadalhin mamaya. You know, the specimen. 'Yung samples. Alam mo naman na kaya mo, e. May gagawin lang talaga ako, promise! Pero babawi ako mamaya, ako gagawa ng procedure." Pagpapaliwanag niya.

"Okay," sabi ko at ipinikit muli ang mata.

"Yay! I so like you talaga, don't forget to put it on a cooler huh? Yay, good luck!" narinig ko pa ang pagpalakpak niya. Masayahin talaga siya.

"Bakit ilalagay pa doon?" tanong ko.

"Para hindi mamatay 'yung sperm cells!" sabi niya. Nakunot ang nook o kahit nakapikit.

"Makukulong ba ako kapag namatay sila? Hala!" napabangon ako bigla sa kama ko. Ang hirap naman pala ng pinapagawa ng propesor namin. Paano na 'to? Mabubulok na ba ako sa kulungan?

"Hindi 'no! Basta, do your best. Sorry sa abala! Bye!" at ibinaba niya na ang tawag.

Napatayo ako sa pagkakaupo ko. Hindi ko alam pero mukhang hindi ako makakatulog dahil sa sinabi ni Sarah. Paano na lang kung mapatay ko sila? Baka dumating mamaya ang mga pulis at hulihin ako. Palakad lakad ako sa kwarto ko. Naroon ang hihiga, uupo, tutuwad sa kama, magttumbling, magppush ups pero hindi na talaga ako makatulog. Kaya lumabas ako ng kwarto ko, mabuti siguro kung iinom na lang ako ng tubig o gatas. Tama.

Kahit medyo takot ako sa dilim ay nabawasan naman dahil binuksan ko iyong ilaw pababa sa hagdan. Ang galing ko talaga. Binaybay ko ang hagdan papunta doon sa kusina. Bakit ba kasi ang laki ng bahay ni Domeng. Kaya napapagkamalan kong palasyo ito, e.

Dahan dahan akong pumunta sa kusina para kumuha ng gatas sa ref. Pero nakalimutan ko kung nasaan 'yung bukasan ng ilaw, "Bakit gising ka pa?" may kumalabit bigla sa likuran ko. Napako ako kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw at makahinga. Walang lumalabas na boses sa lalamunan ko. Gusto kong sumigaw ng malakas para makahingi ng tulong kila Domeng pero hindi ko magawa.

"Eumi?" tanong niya. Nakahinga ako ng maluwag noong mapagtanto ko kung sino iyon. Bumukas bigla ang ilaw at dahan dahan akong lumingon sa lalaking nasa likod ko.

"Bakit gising ka pa..." napatigil ako sa pagsasalita ko. Napatitig ako sa katawan na nakabalandra sa pagmumukha ko, "... pandesal?" sabi ko at biglang napatitig sa hubad na katawan ni Domeng.

"What?" tanong niya. Hindi maalis ang mata ko sa katawan niya na parang hinubog ng panahon. Lumakad siya papalayo sa akin, kitang kita ko tuloy ang korte ng pwet niya. Tanging tuwalya lang ang suot niya at medyo basa ang buhok. Nakasuot rin siya ng bunny na tsinelas. Binuksan niya ang ref at nagbukas ng pineapple juice.

These Three JerksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon