VII. Haba ng Hair

60.6K 1.7K 309
                                    

7. Haba ng Hair

"So ikaw, bagong lipat ka lang dito?" tanong sa akin ni Kyle. Ang bait bait n'ya dahil pinasakay n'ya ako at sinamahan papuntang supermarket. Tumango naman ako sa kan'ya. Bakit ba ang daming gwapo sa villag— baranggay nila pogi?

"Saan ka nagsstay?" nakafocus lang s'ya sa pagmamaneho habang busy naman 'yung pangit at lecheng aso sa likod. Oo, kasama namin 'yung pesteng warfreak na aso n'ya.

"Sa palasyo ni pogi.." simple kong sagot. Napansin ko naman na kumunot ang noo n'ya at tiningnan n'ya ako ng saglit, "Palasyo? There's no palace in the village. Buti pa kung mansion.." napaisip din ako sa sinabi n'ya.

"Basta sa isang malaking bahay. Kaasar kasi 'yung aso mo, ang warfreak at ang bad! Huhuhu!" tiningnan ko ang sugat ko sa braso. Kagagawan 'to ng kapeng aso na 'yan kung hindi dahil sa kan'ya ay hindi ako masusugatan. Ang hirap pa namang makakita ng puno ng bayabas, paano ko na 'to lilinisin? Kailangan kong makakita ng puno ng bayabas para makakuha ako ng dahon at mapakuluan na ito.

"Wala bang puno ng bayabas dito?" tanong ko sa kan'ya. Nagkibit balikat s'ya at sumagot ng, "None and why?" katulad din pala ni pogi 'yung isang 'to. Engishero din pala, hindi ba nila talaga kayang magtagalog? Dapat mahalin natin ang ating wika. Psh!

"Ahh I get it!" tumingin s'ya sa mga kamay ko na patuloy na humihimas sa gilid ng sugat ko. Ang hapdi hapdi talaga!

May kinuha s'ya na isang band aid na kulay blue at idinikit sa sugat ko, "Done. Sorry talaga sa inasal ni coffee, inggitera kasi 'yung aso ko. Insecure sa mga magaganda.." tumaas ata lahat ng dugo ko papunta sa mukha mo. Bigla namang tumahol 'yung aso n'ya, "Grrrr...wow! wow!" napatawa na lang si Kyle sa inasta ng aso n'ya.

"See? Insecure s'ya sa'yo dahil maganda ka." emegherd! Ano bang pinagsasabi n'ya, nakakahiya naman. Ihhh!

"Ang bolero mo pala! Hihihi!" natatawang sabi ko pero deep inside ay kinikilig ako. Grabe, ganito pala ang feeling na masabihan ng maganda. Hindi kasi ako sanay masabihan ng ganung salita. Well, hindi naman ako pangit kasi sabi ni inay ay maganda daw ako. 'Yun na lang kung maniniwala ako sa kan'ya, diba nga sabi nila ay mother is virtue. Wait, parang mali ata? mother is value? o mother is venue? Ahh! Nakalimutan ko ang kasabihan na 'yun! Kakainis naman!

Huminto kami sa isang bahay, sabi n'ya ay ibaba daw muna namin 'yung alaga n'ya na muntik na akong gawing hapunan. Pagkababa ko ng kotse n'ya, myghad nahirapan akong buksan ang pinto dahil hindi ko alam kung paano bubuksan at buti na lang ay maagap si Kyle.

Masyado na naman akong na-amaze sa tirahan n'ya, "Wow parang palasyo din kaso mas maliit nga lang ng konti kay pogi.." sambit ko habang tinitingnan ko ang napakaganda n'yang bahay.

"Ayos ba?" tanong n'ya. Tumango naman ako, "Ikaw lang mag-isa d'yan?" lumakad na kami pabalik sa kotse n'ya. Habang pinagbubuksan n'ya ako ng pinto ay sinagot n'ya ang katanungan ko.

"No. I was with my two cousins. But I owned that house. ." nakapasok na ako sa loob habang s'ya naman ay umikot sa kabilang side para makapagdrive na.

Noong makapasok na s'ya ay pasimple s'yang tumitingin sa akin, "May dumi ba ako sa mukha?" tanong ko sa kan'ya. Medyo natawa naman s'ya sa tanong ko. Ahh! Bakit n'ya ako pinagtatawanan?!

These Three JerksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon