Tinatamad ako mag-update dito kasi walang nagcocomment. LoL! Tahimik e?!
*****
9. Her First Day
Huminga muna ako ng malalim dahil talagang kinakalabog ang dibdib ko sa kaba. Dahan dahan akong sumilip sa pintuan ng sinasabing room ko para sa social studies.
"Tabi nga miss!" napatingin ako sa likod ko at bumungad sa akin ang itsura ng isang magandang babae. Wah!! Ang ganda n'ya! Para s'yang artista!
"So you will stare on me forever? Alis!" binunggo n'ya ako sa balikat dahil doon ay napaupo ako sa loob ng room-sc. Nakarinig ako ng malalakas na tawanan pagkatapos noon. Aray! Ang sakot ng pwet ko! Tumayo ako sa pagkakaupo ko noong nakarinig ako ng hampas ng isang stick.
"Class! Quiet!" lahat ay tumahimik dahil sa ginawa iyon ng maestra. Ako naman ay yumuko sa kan'ya para bumati, "Magandang araw po." tiningnan n'ya ako mula ulo hanggang paa. Para n'ya akong ineeksamin at talagang naninindig ang balahibo ko dahil sa talas ng mga titig n'ya.
Sa kapal ng salamin na suot n'ya sa mata ay mas lalong nakakapagpatindi ng kaba ko, hapit ang suot n'ya na nagpapalitaw ng kurba ng katawan n'ya, nakataas ang kanang kilay n'ya at mapula ang labi n'ya dahil sa lipstick. Ito na ata ang modernongng version ng mga teacher ngayon. Wah! Ang ganda n'ya pero nakakatakot!
"Pangalan?!" sabi n'ya na nagdulot ng pagkatakot ko.
"N—Nica Eumice S—Sevilla po." unti unting nagtawanan ang buong klase dahil sa pagkabulol ko.
"Tatahimik ba kayong lahat?! O gusto n'yong makakuha ng singko?!" hinampas n'ya muli ang isang mahabang dilaw na stick sa mesa na nakapagpatahimik sa buong klase. "Huwag kayong bastos! Intiendes?!" napatango ang buong klase.
Tinuro n'ya ako at tinaasan ng kilay, "At ikaw? Ano pang tinutunganga mo jan?! Humanap ka ng upuan! Mabilis!"
"O—opo." grabe ang hirap pala maging sosyal. Dapat laging nakataas ang kilay ko at tumatawa. Mga baliw ba ang kaklase at teacher ko? Hindi ko sila maintindihan ah?
Nakahanap ako ng isang upuan malapit sa dulo. Naupo ako sa tabi ng isang lalaki, mukhang masungit dahil sa kunot na noo n'ya. Parang si pogi lang! Katabi ko rin ang isang babae na may salamin sa mata. Wow, tinalo n'ya ang salamin ni maestra sa kapal.
Nagsimula na ang klase namin sa social studies. Tahimik lang kaming nakikinig lalo na ako. Aba! Kailangan kong matutunan ang lahat ng aralin dahil gusto kong maging sosyal ano?! Baka turuan din kami mag-english? Ay ang saya naman!
"Based on your opinion, what is social studies?" natahimik ako bigla kahit alam ko ang sagot. Mahirap kaya magmagaling, baka sabihan ka pa ng mayabang. Ayaw ko nun syempre! Kaya hinantay ko na lang silang magtaas ng kamay.
Pero sa pagtataka ko, wala ni isang nagtataas ng kamay. Hala! Hindi naman putol ang kamay nila ah?! Omg! Baka naman may mga anghit yung kaklase ko.
Sinubukan kong amuyin dito ang katabi kong babae na may makapal sa salamin.

BINABASA MO ANG
These Three Jerks
Teen FictionClumsy, noob, slow-poke - these words describe Nica Eumice Sevilla. She moves from a remote place in the Philippines to the city. Then she finally met these three jerks. At first, they thought that Eumice was a clumsy and an idiot girl, but what wil...