28. Strawberry Jam
Maaga akong nagising dahil kailangan kong maglinis ng bahay ngayon. Ilang araw na rin kasi akong hindi nakakapag-ayos ng bahay. Buti nga at hindi nagagalit si Domeng. Alam niyo naman maarte si Dominique lalong lalo na kapag kalinisan na ng bahay ang usapan.
Nagalit pa nga siya sa akin kagabi ng dahil sa microwave na sumabog pero hindi naman ganoong katindi katulad ng kay George. Ang sabi niya ay mas mahalaga na ligtas ako at hindi nasaktan, ano naman daw ang microwave kumpara sa buhay ko.
Hindi pa rin bumabalik si Miguel, hindi ko alam kung anong ginawa niya at natagalan siya. Namimiss ko na rin ang kabaitan niya, marami siyang alam at feeling ko ay isa siyang manghuhula dahil alam niya ang mga paborito ko.
"Grandma, ano pa hong gusto niyong ihanda ko?" tanong ko sa lola nila na kasalukuyang nasa gazebo ng bahay. Maaga rin siyang nagising at siya mismo ang nagpahinto sa akin na maglinis. Hindi naman daw ako maid, at bisita daw ako nila.
"Pwedeng pakipalitan ang tsaa ko? Masyado na itong malamig, gusto ko ng mainit." Bwelo niya at tumango naman ako para ipagsalin siya ng panibago, "Parang 'yung nobyo ko noong araw na mabilis manlamig. Parang panloloko niya sa akin, ganyan talaga ang mga lalake, kapag hindi mo naalagaan, manlalamig ang mga 'yan. Kaya alagaan mo si Dominique."
"Ano ho 'la?" tanong ko dahil naguluhan ako sa mga sinabi niya.
"Nagbibingi-bingihan kahit naririnig. Parang kayong dalawa, alam niyo naman na mahal niyo ang isa't isa pero nagbibingi-bingihan kayong dalawa." Lalong kumunot noo ko sa sinabi ni lola.
"Pakiulit nga ho, medyo naguguluhan po talaga ako sa mga sinabi niyo."
"Sa pag-ibig, depende sa tao kung bibigyan mo siya ng second chance, third chance o fourth chance. Hindi ako unlimited call o text na pwede mong ipaulit-ulit. Hindi ako facebook account mo na iccheck mo kapag bored ka. Hindi ako ang nanay mo nahihingian mo ng pera kapag wala ka na. Minsan kasi para hindi kamawalan, magtiraka naman para sa sarili mo."
"Lola, ang lalim po ng mga sinabi niyo."
"Alam ko. Bueno, hija, ipagpalaman mo nga ako ng strawberry jam sa loaf bread at medyo nagugutom na ako." Sumagot ako sa kanya gamit ang pagtaas ng mga labi ko, "Bakit ka pa rin malungkot?" tanong niya.
"Hindi na po kasi ako mapapatawad ni George."
Inabot ko sa kanya ang loaf bread na may palaman na strawberry, "Kung ako nga naghintay sa inutos kong tinapay. Dapat ikaw ay maghintay rin kung kailan kaniya mapapatawad. Hindi minamadali ang lahat ng bagay. Alam mo kasi, hija, ang katangahan iiniwan 'yan sa bahay."
"Pero lola, nasa bahay po ako noong oras na iyon."
Napanganga si lola sa sagot ko.
"Edi iwan mo sa kwarto mo, naku, kaya mo napatay ang aso ni George dahil diyan. Kung ako si George, hindi rin kita mapapatawad sa ngayon. Alam mo kung bakit? Halos sampung taon na ata o mahigit pa ang edad ni Coffee. Binigay iyon sa kanya ng asawa ko na lolo niya. Hayaan mo muna siyang magluksa."
"Sige po, lola. Pero sana po ay mapatawad po ako ni George dahil hindi ko naman po talaga sinasadya."
"Oo na, umagang umaga ay ang drama mo. Pero hindi ba naiisip ni George na masaya si Coffee sa pagkamatay niya?" tanong niya at kumunot ang noo ko.
"Bakit naman po masaya si Coffee noong namatay siya?"
"Dahil nakain niya ang pinagbabawal sa kanya. Alam mo naman masarap ang bawal. Kaso sa sobrang pagkatakam ni Coffee ay hindi na siya inabutan ng bukas. Sa tingin ko, namatay si Coffee na masaya. Sana ay maisip rin iyon ni George." Humigop siya sa tasa niya, "Sana maisip rin ni George ang pagkakamali niya, hindi ka naman niya inabisuhan tungkol doon. Kaya, hija... huwag ka ng malungkot dahil lilipas rin ang galit ng apo ko. At ang huli, hindi lang naman siya ang nalulungkot sa pagkamatay ng aso niya, ikaw rin."
Natapos ang pag-uusap namin ni Grandma at nagtungo ako sa kwarto ko. Alas-nuebe na ng umaga, kailangan ko ng maligo. Kinuha ko ang tuwalya ko na nakasabit sa likod ng pinto at nagtungo sa loob ng banyo. Pinuno ko ng tubig ang bath tub at lumusong na dito.
Matapos kong maligo ay lumabas na ako ng kwarto ko. Sakto namang nakita ko si Dominique na bagong paligo rin. Mahahalata mo naman dahil basa ang buhok niya. Nagulat kaming dalawa pero mas nagulat kami noong lumabas si George sa kwarto niya. Mapupula ang ilalim ng mga mata at malalaman mo sa itsura niya na galing siya sa pag-iyak.
"Handa na 'yung breakfast sa ibaba, kumain na kayo." Sabi ko at pumasok ulit sa loob ng kwarto.
Hindi kasi ako makatagal sa tingin ni George na para bang sa akin niya binubunton ang lahat ng sisi sa pagkatamay ng matalik niyang kaibigan. Humiga ako sa kama ko ngunit napabangon ako bigla noong pumasok si Dominique.
Nakatayo siya at hindi mo mabasa ang emosyon sa mukha niya.
"Let's eat, Eumi."
Umilingako. Lumapit siya sa kama ko habang ako naman ay mistulang takot na daga. Unti-unti akong napapaurong sa kama hanggang maramdaman ng likod ko ang malamig na bakal ng headboard ng kama.
"Bakit ka nausog?" tanong niya at umupo sa kama ko. Mabibigat ang paghinga ko dahil may kung anong epekto ang pagtingin niya sa akin.
"Hindi pa ako gutom." Saad ko at biglang tumunog ang tiyan ko.
"Hindi palagutom, ah? Tara na kasi, Eumi. Huwag ka ng makulit." Kinuha niya ang kamay ko at sapilitan akong napatayo dahil sa pangkakaladkad niya sa akin.
Noong nasa hagdan na kami ay binitawan niya ang kamay ko.
"May naiisip na akong paraan para mabawasan ang galit sa'yo ni Rafael." Aniya.
"Ano naman?" tanong ko. Nauna akong bumaba sa kanya at kasunod ko naman siya.
"Mamaya ko na lang sasabihin," tumingin ako sa kanya saglit pero noong ihahakbang ko na ang paa ko sa isang baitang ng hagdan ay natisod ako, at pinagsusuntok ng mga kanto ng hagdan ang ulo ko. Nagpagulong-gulong ako at ramdam ko ang pagkahilo. Narinig ko pa ang pagsigaw ni Dominique habang hinahabol niya ako. Nakita ko rin saglit si George na nagmamadaling tumatakbo papalapit sa akin. Hinipo ko ang noo ko at may malamig na bagay ang umaagos dito.
"Eumi! Eumi!" narinig kong sigaw niya. Iyon ang huling natatandaan ko.
Nagising na lang ako na may benda sa ulo. Nasa loob ako ng kwarto ko. Nandoon si Domeng sa tabi ko, at nanlaki ang mata niya noong nagtama ang mga mata naming dalawa. Si George ay nakatayo malapit sa pinto at nandoon na rin si Miguel na may kasamang lalaking bata.
"Ayos ka na ba?" tanong sa akin ni Dominique ngunit hindi ko siya nasagot dahil nabaling ang atensyon ko sa batang dala ni Miguel.
"Mama!" nagulat ako sa sigaw ng bata at mas nagulat ako noong naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko kasabay ng pag-agos ng luha sa mga mata ko.

BINABASA MO ANG
These Three Jerks
Fiksi RemajaClumsy, noob, slow-poke - these words describe Nica Eumice Sevilla. She moves from a remote place in the Philippines to the city. Then she finally met these three jerks. At first, they thought that Eumice was a clumsy and an idiot girl, but what wil...