29. The Resolution
Namalayan ko na lang na nasa tabi ko na ang batang dala ni Miguel, sobrang daldal nito at para kaming mga estatwa; si Domeng, si George at ako. Ano nga ulit ang sabi niya kanina?
Lahat kami ay parang mga naligaw at hindi makapagsalita, "Sino 'to?" tanong ko kay Miguel pero buong giliw na sumagot 'yung batang katabi ko.
"Minho," sagot niya.
"Hindi ako ang mama mo," sagot ko pabalik sa kanya.
Bigla namang nangilid ang luha ng bata at nagbabadya ang isang malakas na pag-iyak. Mabuti na lang at mabilis na kinarga siya ni Miguel, "Are you hungry? Tara kain tayo sa baba." Mistulang nakalimutan nito ang kalungkutan. Pero hindi pa rin mag-sink in sa utak ko ang mga nangyari. Sino ba talaga ang batang iyon?
"Ayos na ba ang pakiramdam mo, Eumi?" tanong sa akin ni Domeng at pinisil ng marahan ang kamay ko. Tumango ako sa sinabi niya at nagtama ang paningin naming ni George.
At napagtanto kong galit pa rin siya sa akin.
Umalis na rin si George sa kwarto ko. Bumalik na naman ang malamig na ekspresyon niya sa mukha. Parang may isang malaki at makapal na pader ang nasa pagitan naming dalawa.
"Kailan kaya ako mapapatawad ni George, Domeng?" malungkot na tanong ko sa lalaking kaharap ko.
"Just give him space, hindi ka naman matitiis nun. Did you remember his expression noong nalaglag ka kanina sa hagdan? That truly answers your question. Just forget what he said to you, nadala lang 'yung nung galit." Ngumiti siya sa akin.
Marahil tama nga siya.
"Hindi ba masakit 'yung ulo mo?" tanong niya sa akin.
"Medyo lang." sagot ko.
"Nagugutom ka na ba?" tanong niya ulit.
"Hindi."
"Pwede ba kitang tanungin ng seryoso at huwag mo akong pagtripan sa sagot mo?" tanong niya. Hindi ko alam kung nagbibiro si Domeng kaya tumawa na lang ako.
"O sige, ano ba 'yun?"
"Bakit tinawag ka nung bata na 'yun na mama'?" makikita mo sa mga mata niya na seryoso talaga siya.
"Hindi ko alam. Bakit ako ang tinatanong mo? Diba dapat siya ang tanungin mo?" buong giliw na sagot ko.
"Eumi naman! Para naman kasing nagbibiro ako." Iyak niya.
"Hala, ikaw pa nagalit. Ikaw na nga lang nagtatanong diyan." Natatawang sagot ko.
"Sino ka ba talaga?" tanong niya, at natigil ako. Para kaming nabagsakan ng malaking bato dahil sa sobrang gulat namin sa nagsalita. Boses iyon ni Miguel.
"Kapatid mo siya, Niknik." Tugon niya.
Mas dumoble ang kunot ng noo naming dalawa ni Domeng. Maging ang mga mata namin ay naningkit sa suspisyon, "Oo, tama kayo ng narinig. Kapatid siya ni, Niknik." Dagdag niya pa.
"How did that happen?" mabilis na tugon ni Domeng. Lumapit siya sa kinaroroonan ni Miguel at nakipagtagisan ng tingin. Nakatingin lang ako sa kanila ng seryoso, nakakatakot ang aura na bumabalot kay Domeng.
"Sino ka ba talaga ha? Sino ba talaga kayo? Anong akala mo sa akin, bulag o manhid para hindi malaman na marami kang nalalaman sa kanya? Noong unang linggo mo pa lang dito sa bahay ay kahina-hinala ka na. Sino ba talaga kayo?" naglipat lipat ang tingin niya sa aming dalawa. Napahawak ako sa ulo ko.
BINABASA MO ANG
These Three Jerks
Teen FictionClumsy, noob, slow-poke - these words describe Nica Eumice Sevilla. She moves from a remote place in the Philippines to the city. Then she finally met these three jerks. At first, they thought that Eumice was a clumsy and an idiot girl, but what wil...