XXIII. Jeepney

21.3K 928 310
                                    

In-line comments please haha 

23. Jeepney

Hanggang ngayon ay kinukulit ako ni George na siya na lang daw ang magbibigay ng sample pero si Domeng at si Miguel din ay kanina pa nangungulit, "Ako ang Kuya, kaya ako dapat ang magbigay." Mariin na sabi ni Domeng. Kasalukuyan kaming kumakaing apat sa isang pangmayamang restaurant. Hindi na talaga mauulit ang Japanese Restaurant naming dahil baka magka-amoeba kami sa mga hinahain doon dahil hindi naman niluluto.

"That's unfair! Porke't ikaw ang pinakagurang sa atin ay ikaw na ang pwede? Hindi pwede iyon, dapat ako rin." Sagot naman ni George habang maumbok ang bibig dahil sa kinakain niya.

"Pwede ba George, don't make it hard for Eumi to choose. Bakit ka ba galit na galit?" tanong sa kanya ni Domeng. Halatang naiirita na rin siya dahil si George lang naman ang kanina pa reklamo nang reklamo.

"Dahil ang selfish mo Kuya!" sabi niya at nilagok ng tuloy tuloy ang tubig sa mataas niyang baso.

"Don't test my patience, Rafael." Pinunasan ni Domeng ang dumi sa gilid ng labi niya gamit ang isang tissue saka lumingon siya sa akin, "Kumain ka nang kumain." Deklara niya at napatango na lang ako.

Naguguluhan ako sa mga nangyayari, "Dominique and George," napalingon kaming tatlo kay Miguel. Tinapunan naman ng supladong tingin ni Domeng si Miguel. Hay naku, kahit kailan talaga. Walang makakatalo kay Domeng sa pagsusuplado. Marami na ngang utang, suplado pa. Tss!

"Since magkaklase naman kaming dalawa, pwede bang ako na lang ang maging donor niya? Para na rin hindi kayo mahassle." Panimula niya. Pero mabilis na sumagot si George at Domeng sa sinabi niya. Ang ingay ingay nilang tatlo at nakakahiya sa mga waiter na mahilig mag wait. Itinaas ko ang kamay ko sa ere at sinabing, "Tama na 'yan, itigil niyo na 'yan..." sinamaan nila ako ng tingin.

"Walang makakapigil sa amin!" sabi nila in-chorus at halos nakagawa kami ng eksena sa loob ng Restaurant.

"Edi wala! Edi wow!" sabi ko at kusa na lang umikot ang mga mata ko. Sa madaling salita, inirapan ko silang tatlo. Mga sira na ata sila, hindi ko naman kailangan ng isang toneladang sample. Hays, mga hibang na talaga sila. "Okay, fine! Para walang away, bukas ng umaga, kukuhanan namin kayo ng sample." Nawala ang tensyon sa mga mukha nila. Kung hindi ko ito gagawin ay hindi rin matatahimik ang mundo ko. Para silang mga bata.

"Bakit kayo?" tanong ni George sa akin. Ay oo nga pala, hindi pa rin pala nila alam na may kapartner ako sa activity na ito.

"By partner." Tipid na sagot ni Miguel.

"Ay, oo nga pala. Mga gwapo at suplado, may binigay nga pala sa akin si Sarah na matigas na papel. Tawagan ko raw siya kung nakausap ko na kayo." Pahayag ko.

"Maganda ba 'yang Sarah na 'yan?" tanong ni George. Tumango ako, "Pero mas maganda ka pa rin, Nica." Sabi niya at kinilig sa sariling sinabi niya.

"Wala ng mas gaganda pa sa'yo," sabi naman ni Domeng. Napangiti ako.

"Ikaw ang pinakamaganda sa lahat," singit ni Miguel.

"Wala ng mas hihigit pa sa ganda mo sa buong kalawakan," wika ni George.

"Dyosa ka ng buhay ko," sabi ni Domeng at hinawakan ang kamay ko.

"Niknik," kinuha ni Miguel ang kamay ko na hawak ni Domeng, "Pinakamaganda ka sa akin at mahal kita." Wika niya. Mas naguluhan ako sa mga nangyayari.

"Mas mahal kita, Nica." Ani ni George.

"Anong nangyari sa inyo?" tanong ko dahil naguguluhan talaga ako, "Mahal ko rin 'yung sarili ko at mahal ko rin naman kayong tatlo." Pag-amin ko at kusa na lang akong binalot ng malalaki nilang katawan. Hays, bakit ang babango ng tatlong lalaking 'to? Sarap gawin unan, dahil sobrang nakakaadik ang amoy nila.

These Three JerksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon