VI. Meet Coffee

65K 1.6K 266
                                    

6. Meet Coffee

Isang linggo na rin buhat noong tinuruan ako ni pogi kung paano gamitin ang mga high-tech na gamit dito sa palasyo n'ya. Akalain mo 'yun ang bilis kong matuto sa mga bagay bagay. Nakakatuwa na isipin na nakatagal ako dito at tiyak na magtatagal pa ako.

Paglabas ko ng kwarto ko kaagad nahagip ng mata ko ang pinto ng kwarto ni pogi. Grabe, nakakatrauma kapag iyan ang nakikita ko. Tandang tanda ko pa ang nangyari sa amin noong nakaraang linggo.

"Undress me."  sabi n'ya. Napalingon naman ako mula sa hubad n'yang katawan papunta sa naghuhumindik n'yang shorts. Kaagad ako'y napalunok sa aking nakita noong nakita kong hinawakan n'ya ang gitnang parte nito.

"I can buy your cousins a lot of clothes. But not this one.." pumunta s'ya sa gilid ko at tumayo ang mga balahibo ko noong dumampi ang mainit n'ya hininga sa leeg ko, "this is my favorite short.." halos tumayo LAHAT ng balahibo ko. Naiwan akong nakatulala habang s'ya naman ay papasok na ng banyo.

Bumalik ako sa katinuan ko noong may mga paang nakahinto sa harapan. Nagsimula akong tumingin sa pares ng sapatos paangat sa tuhod..paangat sa hita...paangat sa bewang hanggang marating ko ang nakagwapo n'yang mukha.

"Po..gi!" halos lumuwa ang mata ko habang pinagmamasdan s'yang kumakain ng makulay na lollipop. Napalunok ako noong nakita ko kung paano n'ya sipsipin ito, kung paano mag-angat baba ang adam's apple n'ya at kung paano yakapin ng mga dila n'ya ang masarap na masarap na lollipop.

"Hmm?" sagot n'ya naman. Enjoy na enjoy pa din s'ya sa pagmomolestiya sa lollipop na kinakain n'ya. Lahat ata ng katas ay gusto n'yang supsupin. Nagulat ako noong inilagay n'ya sa harap ng mukha ko ang kinakain n'ya.

"You want this?" napanganga na lang ako sa sinabi n'ya. Papalapit ng papalapit ang lollipop sa bibig ko hanggang nagsalita kusa ang bibig ko.

"I want to eat you.."

Nahuli na ako noong natakpan ko ang bibig ko.

"What?!" maanghang na tanong n'ya. Minsan na nga lang ako mag-english ay sumablay pa. Ano na naman bang sumapi sa akin at iyon ang nasabi ko? Grabe, parang sinabi ko na gusto ko s'yang kainin. Uwah!

"I-I want to eat your l-lollipop.." naningkit ang mata n'ya habang lumalapit sa mukha ko, napalunok ako noong nakita ko ang malulusog n'yang mga labi, oh gyud! Ang sarap sarap halik—"I want to eat your lollipop Dominique.." nawala ang pagkakunot ng noo n'ya sa sinabi ko.

"Kaso may laway mo na eh. Paano ko kakainin 'yan. Diba sabi mo dapat may manners?" umatras ako ng isang hakbang. Amo na amoy ko ang mabangong hininga ni pogi.

"Nilalawayan naman talaga ang lollipop Eumice.." in-emphasize n'ya talaga yung word na 'lollipop'.

"Mas maraming laway, mas madiling isubo.." halos mamula ako sa sinasabi n'ya.

Ayaw ko bigyang ng kahulugan ang sinasabi n'ya kaso may iba ang takbo ng utak ko. Baka iba ang naiisip n'ya sa naiisip ko.

These Three JerksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon