XVIII. Singular and Plural

38.1K 1.2K 130
                                    

18. Singular and Plural

Maraming tanong ang bumabagabag sa isip ko, kapatid nila si Miggy? Paano nangyari ang bagay na iyon? Hindi ako mapakali habang si Domeng at Paeng ay nasa loob ng guest room habang pinapalitan ng damit si Miggy. Tinawagan nila ang personal na doktor nila na hanggang ngayon ay wala pa rin.

Bumukas ang pinto. Bakas sa mukha nila ang pag-aalala. Lumapit ako sa kanilang dalawa. "Kamusta siya?" tanong ko at tumango lang sila sa akin.

Pumasok ako sa kwarto n'ya habang bitbit ang pag-aalala sa puso ko. Umupo ako sa tabi n'ya. Hinipo ang noo. Napabuntong hininga. Sobrang init at nanginginig s'ya.

Balot s'ya ng kumot hanggang sa dibdib n'ya. Napalingon ako kay Domeng, nag-aalala rin s'ya. "Don't worry, Nica. He will be fine." lumapit sa akin si George at tinapik ang balikat ko. Napatango na lang ako sa kanya at dumating na ang isang doktor dala ang mga gamit n'ya.

"What happened to the patient?" tanong ng doktor at sinamaan s'ya ng tingin ni Domeng.

“Hindi naman po kami doktor, doc. Hindi ba po trabaho mo ‘yan? Nakakaloka ka, doc.” saad ko at tumawa si George. Nilingon ko s’ya, “Wala namang nakakatawa, George. Try mo rin kayang magpacheck-up kay doc, malala ka na talaga.” Nailing na sabi ko at tinapik s’ya sa braso n’ya bago lumabas ng pinto.

Sinundan ko si Domeng pababa sa sala, “Kayo na po muna ang bahala, doc. Mag-uusap lang kami ng kapatid ko.” narinig kong sabi ni George bago s’yang nagmadaling habulin ako pababa sa hagdan.  

Inakbayan n’ya ako, “Pagod na ako maghabol ng maghabol sa’yo, Nica.” Sabi n’ya at kumunot ang noo ko, “Mahirap ang sitwasyon na puro habulan na lang.” madramang sabi n’ya na para bang wala kaming pinoproblema ngayon.

“Oo nga, mahirap maghabol ng tao. Nakakapagod kaya diba?” tanong ko at sumagot naman s’ya.

“Oo, sobrang hirap maghabol. Nakakapagod pero kailangan mong mag-effort para maabutan s’ya. Hindi ko naman hahayaan na hanggang doon na lang ako.” Sabi n’ya at binatukan ko s’ya.

“Talagang nakakapagod, Paeng. Wala ka bang pera para sumakay sa jeep o kaya sa tricycle? Tsk, edi ayan, mapapagod ka talaga.” Nailing na sabi ko at sumimangot naman s’ya.

“Ang manhid mo.” Sabi n’ya at hindi ko maintindihan kung bakit sinabihan n’ya ako ng manhid, “Hindi ka pala manhid, sobrang bagal mong makapick-up.” Nakarating kami sa sala. Hindi ko na s’ya pinansin.Tsk, sobrang malala na talaga si George.

Pagkarating naming sa sala ay naabutan namin si Domeng na nakatanaw sa bintana. Umuulan pa rin. May kausap pala s’ya sa phone n’ya, “Ano ba dad, tell me this isn’t true… so he is saying the truth?” huminto s’ya at nanatili kaming nakatahimik ni George, “..okay, I understand, dad.” Itinago n’ya ang phone n’ya sa loob ng bulsa ng pantalon n’ya. Napansin n’ya na kaming dalawa.

“Anong sabi ni dad?” tanong ni George sa kuya n’ya.

These Three JerksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon