II. Ang Anghel

93.3K 1.8K 128
                                    

2. Ang Anghel 

Nagising ako dahil may 'yumuyugyog sa akin. Dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko at nakakita ako ng... "Ohmygahd! Nasa langit na ba ako?" hinipo ko pa ang pisngi n'ya. "Ikaw ba ang guardian angel ko? Oh my gahd.. Bakit kaagad ako namatay? Mag-aaral pa ako dito sa Maynila." pagtutuloy ko ng sinabi ko. 

Maya maya nagsalita si gwapong angel, "Are you isane?" tanong n'ya. Nagulat ako sa sinabi n'ya, nagsalita s'ya. Finally, taray umi-english ako. Talagang ganon, hindi naman ako shunga shunga e.

"Wait!" pagtataka nito, "Ngayon lang ako naka-encounter na angel na nag-eenglish.. tagalog na lang kasi wala akong baon na english ngayon. Pwede naman diba? Pretty please angel ko.." nag-puppy eyes pa ako. Parang yung nakikita ko kapag nagpapacute yung kapitbahay ko sa nobyo n'ya. 

Tinaasan naman ako ng kilay ni guardian angel, "Tss! What the hell you are saying? You're not yet in heaven. You're in my house!" inis na sabi n'ya. 

House? As in bahay?

Edi ibig sabihin wala ako sa langit. "Waah! Hindi pa ako patay! Grabe.. so hindi ka angel?!" tanong ko sa gwapong nilalang na nasa harap ko. "Uhuh!" sagot n'ya na naman. Umupo s'ya sa harap ko, I mean doon sa upuan na malambot na nasa harap ko. Naka-dekwatro pa ang upo n'ya. 

"Ehhh.." bulong ko.. "Kung ganoon po.. nasaan po ako?" tanong ko sa kanya. Tinaasan na naman n'ya ako ng kilay, "You're in my house. Don't you get it? I was telling it to you for many times. Can't you understand what I'm saying?" sabi n'ya.

Sa sobrang lalim ng pinagsasabi n'ya, literal na dumugo ang ilong ko. 

"Oh shit. What happened? Tss!" lumapit s'ya sa akin at binigyan ako ng panyo. Noong mahimasmasan na ako. Sumagot na ako sa kanya. 

"English ka kasi ng english pogi. . 'yan tuloy natuluyan na ako. Hehe!" nag-peace sign pa ako sa kanya. Nakakahiya, hala. Talagang duduguin ka sa kanya kapag narinig mo ang pinagsasabi n'ya. "Pwede ba wag ka na mag-english? Para naman maintindihan kita! Hehe!" 

"Tsk fine." masama na naman n'ya akong tinignan. "Pogi.. ang sama mo makatingin. May dumi ba sa mukha ko? Hala! Baka pagod na ang itsura ko! Halaaaa! Nakakahiya naman!" sabi ko na lang. Sorry, may kadaldalan kasi talaga ako. At hindi napipigilan ang bibig ko once na nagsalita na ako. 

"What brought you here?" tanong n'ya na naman. Napanganga na lang ako sa sinabi n'ya. "Aish! I said bakit ka nandito?" tanong n'ya sa akin. Madali ko namang nagets yung sinabi n'ya. 

"Kruuuuuckkkkk!" sabi ng t'yan ko. Nagpeace sign ako sa kanya at nagfake ng ngiti, "Hindi pa po kasi ako nanananghalian eh. Patawad poooo.." nag-bow pa ako sa harapan n'ya. Uwah! Totoo naman eh. Hindi pa nga ako nagaalmusal. 

"Tsk! Follow me. You eat first.." sabi n'ya at iniwanan ako. Follow? Edi susundan ko s'ya. Ganun na nga ang ginawa ko. Sinundan ko s'ya. 

"Wow!" napamangha ako sa disenyo ng bahay na 'to. Hindi ito bahay! Isa itong palasyo! Tama! Palasyo ang tawag sa bahay na 'to. Ganito ang nakikita ko sa telebisyon ng kapitbahay namin, isang palasyo ang tawag dito. 

"You're really insane." iiling iling na sabi ni pogi. "Oy angel.. ano ba ibig sabihin ng sinasabi mo? Ano yun? In..insa.. Ano ulit yun?" napakamot ako sa ulo ko. Hindi ko alam meaning nun eh! You know, hindi naman nag-eenglish madalas ang mga tiga-probinsya. 

"As I said, baliw ka." sabi n'ya. Napakunot namana ng noo ko sa sinabi n'ya. "Hala pogi! Hindi naman ako baliw! Grabe ka namang mang-husga! Ang pogi mo sana kaso lakas mong manghusga ng tao. Ganyan ba kayong mga gwapo? Kayo na nga ang pinagpala kayo pa ang may ganang mag---" 

"Aish! Stop being noisy! You're loquacious! Damn! Kumain ka na nga!" binigay n'ya sa akin ang isang plato ng punong puno ng masasarap na pagkain. "Sungit!" bulong ko. Buti hindi narinig ni poging sungit! Hehe

Kumain lang ako ng kumain. Grabe ang sarap sarap naman!  

*Burpppp!* 

"Yuck!" sambit ni pogi. Napalakas pala ang dighay ko. Ohmygahd! "Hehe peace! Ang sarap sarap kasi ng pinakain mo sa akin eh!" ininom ko yung juice ba ang tawag dito. 

"So what's your name?" tanong n'ya.

"Nica Eumice Sevilla. Ikaw pogi?" tanong ko sa kanya. Iniextend ko ang kamay ko sa kanya para makipagkilala pero tiningnan n'ya lang 'to. "Bryce Dominique Ignacio." so ayun pala ang pangalan ni pogi! 

*****

Dara as Nica Eumice 

These Three JerksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon