XXII. Humble

19.6K 826 84
                                    

Sorry, too busy with my studies. Guys, I'm inactive on wattpad pero I'll try to be back on my track. Every Thursday and Sunday na ang update ng TTJ. Thank you. :)

22. Humble

Lumabas na si Ma'am pagkasabi niya ng gagawin namin, wala pa rin akong alam kung ano ang sinabi niya. Ngunit, natigil ang pag-iingay ng buong klase noong bumalik siya at dumungaw sa pinto, "May nakalimutan pala akong sabihin.." umentrada siya papasok sa loob. Halos maririnig mo ang yabag ng mga takong niyang kay tataas.

"Ito ang list ng mag kakagrupo," sabay ipinakita niya ang hawak niyang medyo lukot na papel. Para itong scratch paper at may mga nakadrawing pa sa gilid, parang likod lang ng notebook ko. Magulo at puno ng drawing.

"So, where's your class beadle?" tanong niya at itinuro ng mga kaklase ko 'yung babaeng mukhang matalino, "Kindly take this and announce this to your classmates," maarte niyang sabi at iniwan ang lukot na papel sa table.

Umalis na siya kaagad pagkatapos noon, "Mahirap ba 'yung ipinapadala ni Ma'am?" tanong ko sa katabi kong si Miguel. Umiling siya at medyo namula. "Okay, papatulong na lang ako kay Domeng o Paeng mamaya." Bulong ko sa sarili ko.

"Sevilla and Contemplacion," malakas na sabi ng class beadle namin. Napalingon ako kay Miguel na kasalukuyang nakapangalumbaba sa arm chair niya. "Please stand up, and go with your partner." Tumayo ako sa upuan ko at hinanap kung sino ang magiging kapartner ko.

Tiningnan ko si Miguel na nakatingin lang sa akin na para bang nagagalit siya sa nadinig niya. Gusto ko siyang kapartner dahil matalino si Miggy. Parang di ata ako mahihirapan kapag siya ang kapartner ko. Tsaka, kasama ko siya sa bahay. Tiyak na matutulungan niya ako.

"Uy girl! Here I am!" sigaw ng isang babaeng maganda. Tumingin ako sa mala-anghel niyang mukha. Nakabun ang buhok niya at sobrang amo nito, "Tanga lang 'te? Oo, magkapartner tayo!" sigaw niya sa mukha ko na nakapagpabalik sa akin sa realidad.

Umupo ako sa tabi niya, "Nagshift ka?" tanong niya sa akin. Umiling ako.

"Nag-car kami kanina, di naman kami nasakay ng ship." Sagot ko sa kanya. Sumama ang timpla ng mukha niya at tinaasan ako ng kilay. "Bakit?" tanong ko.

"Seriously?" tanong niya sa akin, sobrang arte naman nitong babaeng ito. "I don't know kung nagpapatawa ka o pinipilosopo mo ako or what. Pero there's something in you na gusto kitang gawing friend." Pahayag niya.

"Hindi naman kita pinipilosopo, bakit ko naman gagawin iyon?" tanong ko naman sa kanya.

"So anyways, I'm Sarah Contemplacion, and you are?"

"Eumice Sevilla." Sagot ko sa kanya ng nakangiti. Sa wakas, bukod kay Miguel ay may makakausap na rin ako. Ngumiti rin siya pabalik sa akin at tinanong ko siya. "Saan tayo kukuha ng pinapadala ni ma'am?" tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin sabay kumindat.

"To someone who is willing to give his damn sample," she giggled, "Pero we have problem kasi... we're both girls, do you boy friends ba or what?" tanong niya.

"Wala akong boyfriend. Pero may mga friend akong lalaki," sabi ko.

"I'm not asking if you have boyfriend 'no! Ang sabi ko, kung may kaibigan kang lalaki, duh? Did I ask you kung may ganun ka, halata naman sa itsura mo na sobrang choosy ka." Hindi ko alam pero sobrang arte niya talagang magsalita.

"Okay, sorry. Ano ba ulit 'yung tinatanong mo?" pag-uulit ko.

"I don't have clue kung kanino tayo hahanap ng sperm sample or kung sino ang willing magbigay. Duh, iniisip ko pa lang kung kanino tayo kukuha ay mahihimatay na ako. Grabe, ang hirap kaya ng pinapagawa niya. Huwag na lang kaya tayo magdala bukas?" tanong niya sa akin.

These Three JerksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon