XV. Hotdog, Saging, at Patola

39.9K 1.4K 478
                                        

15. Hotdog, Saging, at Patola

Para s'yang natulala na ewan ng dahil sa sinabi ko. Nastroke na ata s'ya? Sa palagay ko.

"Sino si Miggy?" tanong n'ya at mas lumawak ang ngiti ko.

"Not your interest my love, hay nako change topic tayo, Domeng." sagot ko sa kanya. Hindi s'ya natinag sa pagkakatayo n'ya habang ako naman ay abala sa pagsasampay ng mga damit namin. "Huwag mo ng tanungin, Domeng. Masasaktan ka lang." tumawa ako dahil nakakabaliw ang reaksyon n'ya.

"Why you're laughing?" tanong n'ya. Kulang na lang ay maging isa ang kilay n'ya dahil talagang nagbubungguan ang dalawang kilay n'ya dahil naiinis na s'ya.

"Ikaw." tinuro ko s'ya, "You're funny." tinapos ko ang pag-ipit sa puting underwear n'ya at dali daling naglakad papasok ng kwarto ko.

"Eumi.." he said and I continue to laugh, "You're making me insane. Anong naaalala mo?" tanong n'ya.

Hinawakan ko ang door knob at nilingon s'ya, "Hindi ko na maalala, Domeng. Ayaw ko ng bumalik sa mga alaalang 'yon." I said before I close the door.

Napabuntong hininga na lang ako. Maging ako rin ay naguguluhan sa sarili ko. Alam kong may mali sa akin simula't sapul pa lang pero hindi ko matukoy kung ano ang bagay na iyon.

"Eumi, open the door." sabi n'ya na parang nagmamakaawa.

"Pumasok ka na sa kwarto mo. Napapagod ako, Domeng. Please lang.." humiga ako ng ayos sa kama ko.

"Hindi ako aalis hangga't hindi mo ko nilalabas." mariing sabi n'ya, "Mag-usap tayo." dagdag n'ya pa.

"Inaatok na ko. Napagod ako kakalaba. Please lang, wala ako sa mood makipag-usap sa'yo.." sabi ko at ipinikit ko ang mata ko. Tuluyan na akong nilamon ng antok at dahang dahang pumikit ang mga mata ko.

***

Nagising ako dahil nagugutom ako. Gabi na pala. Ano ba 'yan? Ang haba naman ng tulog ko.

"Pakbet naman oh! Hindi pa pala ako nagsasaing!" isinuot ko ang tsinelas na binigay sa akin ni George noong nakaraang araw. Ugh, si pikachu daw ito ng dragon balls. Na naging kalaban ni Naruto noong naglaban sila ni Eugene. Pero muntik na daw matalo si Pikachu dahil tinulungan ni Luffy si Naruto. Kaya ayun, nakulong si Pikachu sa loob ng dragon ball na may anim na stars.

Lumabas ako ng kwarto ko at nagulat ako dahil kasabay ng pagbukas ko ng pinto ay ang pagkabuwal ni Domeng sa sahig. Anong ginagawa n'ya sa harap ng kwarto ko. Tanong ko sa sarili ko.

Nagising s'ya dahil sa pagbasak n'ya sa sahig, "Nakatulog ka ba ng maayos?" tanong n'ya at tumango ako. "Ako rin." mahinang sabi n'ya at nag-inat ng likod.

"Omg, may nakikita ako Domeng." nahihiya kong sabi.

"Ano na naman?" patuloy pa rin s'ya sa pag-iinat at lalo kong nasasaksihan kung ano iyon.

"May hotdog ka na namang baon sa bulsa mo?" tanong ko at kumunot ang noo n'ya.

Parang may bumabakat na ewan sa shorts n'ya. Korteng hotdog e.

"Wala." sabi n'ya at tumayo sa pagkakaupo.

"So ano 'yung nakita ko? Parang ang laki. Saging ba 'yon?" inakbayan n'ya ako at hinayaan ko lang s'ya. Hindi naman dapat akong magalit sa kanya dahil hindi ko naman hawak ang buhay n'ya.

"Hindi rin saging.." sabay kaming naglakad pababa ng hagdan. Tumingin ako sa kanya ng may pagtataka.

"Ano nga kasi? Para ang sarap kasi." omg, ganun ang gusto ko e. Malalaki. Solve na ko doon.

"Ito ba?" hawak n'ya ang gitna ng shorts n'ya.

"Patola 'to, Eumi." sabi n'ya at bigla ko itong hinawakan. Para s'ya nagulat ng dahil sa ginawa ko. "Ahh.." ungol n'ya at ipinasok ko ang kamay ko sa loob ng shorts n'ya. "Eumi.. ahh.." hinimas himas ko ito at sarap na sarap s'ya.

"Paano nagkapatola dito?" tanong ko at inilabas sa shorts n'ya ang patola. "Infairness, ang laki. Masarap 'to pogi." may pa-ungol ungol pa s'yang nalalaman.

"Inani ko sa mga tinanim mo sa likod ng mansion. Inilagay ko sa loob ng shorts ko dahil wala akong mapaglagyan." paliwanag n'ya.

"Ah kaya pala. Buti komportable ka?" tanong ko at ngumiti s'ya.

"Ginawa kong unan sa pagitan ng hita ko kanina habang natutulog sa harap ng kwarto mo." nakarating na kaming dalawa sa kusina at patuloy pa rin kaming nagkkwentuhan.

"Anong gusto mong kainin?" tanong ko at umupo s'ya sa mataas na silya.

"Miswa con patola." sabi n'ya. Sinimulan ko ng mag-unab ng bigas at isinilang kaagad ito sa kalan. Jowk, rice cooker pala ito. Kinuha ko ang patola na hawak n'ya at sinimulang balatan ito.

"Sino 'yung kasama mo noong nanood ka ng sine?" tanong ko at nag-iwas naman s'ya ng tingin.

"Forget it." sagot n'ya.

"Wala ka talagang balak sabihin sa akin?"

"No."

"So wala rin akong balak na sabihin sa'yo kung sino si Miggy." tumingin s'ya sa akin ng hindi makapaniwala.

"Fine. I'll tell you." bumuntong hininga s'ya, "Tracy Ruiz, sikat s'ya at patay na patay s'ya sa akin. I enjoy her company as she enjoys mine. Walang attachment para walang gulo. Ginagamit n'ya ang kasikatan ko para sumikat rin s'ya. She's nothing but a toy. Naggagamitan lang kaming dalawa." walang prenong sabi n'ya.

"Alam mo, itigil mo na 'yan. Ikaw lang ang mapupunta sa gulo, Domeng." payo ko sa kanya. "Bakit hindi ka na lang mag-girlfriend ng matino?" tanong ko.

"Will you be my girlfriend, Eumi?" tanong n'ya at napatigil ako sa pagbabalat ng patola.

"Hah?" baka nabingi lang ako sa narinig ko.

"I'll ask you again, Eumi." lumapit s'ya sa kinaroroonan ko at niyakap ako sa likod ko, "Be my girlfriend, and we will prove that forever is real."

These Three JerksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon